Ipagbebenta ko din ang boto ko. Mandadaya din lang naman ang gobyerno edi unahan ko na.
- Vajarl
Ipagbebenta ko din ang boto ko. Mandadaya din lang naman ang gobyerno edi unahan ko na.
- Vajarl
Hindi ako bumoboto. Malamang kasi ay ipagbebenta ko lang ang boto ko para makabawi sa gobyerno.
Mas appropriate na title ang “Panicker’s 4th Anniversary” pero what the heck, blog ko to. At ako ang nasusunod dito.
Yabang?!
Tuwing ikukwento ko ang Panickers kailangan ko muna palagi ng Intro. Sino ang Panickers? Ang grupong Panickers ay nabuo noong May 1, 2009 habang binabagyo kami nang apat na araw sa Caramoan Group of Islands. At dahil stranded kami sa Caramoan, wala kaming ginawa kundi uminom. Pagkagising namin sa umaga ay iinom, bago matulog ay iinom uli. Ang chaser ay tubig balon. Mahirap paniwalaan pero walang halong biro ang Panickers.
Noong unang panahon, madalas kami magkita ng Panickers. Twice o thrice a week kami kung uminon ng mga yan. Every year, may summer outing kami at christmas party. Ngayon kasi may kanya kanya na kaming buhay at ang hirap nang mag-sched ng event. Buti na lang, pinush namin ang aming 4th year anniv sa A-Venue, Makati Citeeeh!

Pagkakita namin update agad agad sa buhay. Karamihan pa din sa Panickers ay CaviteƱa, kahit hindi taga-Cavite (if you know what that means). Exchange notes sa sex, sex position, sex lang, relationship lang, you know, the usual sex-relationship stuff. Nalaman ko din kay Ize na masarap ang Tequila Rose at yun ang balak ko inumin next time. At sobrang nami-miss namin si Jaydee at Ayra. Jaydee kung mababasa mo man ito miss na miss na miss ka na namin. Magparamdan ka namang bitch ka!
Pag kasama ko ang Panickers dapat handa ako sa mga pwedeng mangyayari. Hindi ako masyadong ready. Kumain kami sa Korean restaurant na may “light spicy” flavor na Teokbokki, maygawwwd tulo lahat ng uhog ko dahil sa anghang.

Swimming din kapag may time. Medyo ready ako sa swimming. 4 feet lang ang swimming pool sa A-Venue at walang takot akong naligo. Heh!

Inuman time. Akala ko ready ako sa tatlong bote ng Bacardi. Hindi pala.
Lintek kasing Uno Stacko yan! Sa dalawang round ng Uno Stacko, dalawang beses akong natalo. Feeling nyo dinaya ako? Feeling ko din yun! Muntik na akong mag-merlion (read: sumuka). Pagpasok ko kinabukasan (May 2) masakit ang ulo at feeling ko basta na lang ako magme-merlion sa opis, sa MRT, sa lahat!
Happy 4th anniversary Panickers! Next time mag-Tequila Rose tayo!
Paglapag namin sa Laoag International airport, ang una kong ginawa ay tiningnan ko kung may signal ang Smart. Success! Ang lakas lakas ng signal hanggang dulo ng Pilipinas (Pagudpud). Hindi katulad ng Sun Cellular bulok.
Dumating kami sa Laoag International Airport siguro mga 11PM, as usual late kasi ang Cebu Pacific. Pagkakain ng dinner, kembot agad kami sa Pagudpud. Dumating kami sa Pagudpud mga 2AM, madaling araw ‘to ha at wala pa kaming tutuluyan. Una namin pinuntahan ang Hannah’s Resort, eto ang pinakamalaki at pinakasosyal na resort sa Pagudpud. Hindi man lang kami pinagbuksan ng gate ng guard like duh, mukhang hindi ba kami mapagkakatiwalaan? Mukhang wala ba kaming pangbayad?
Kaya kembot kami sa katabing inn/homestay/resort/whatever, ang Agua Seda. Okay naman, dun kami sa second floor na may terrace, 5k ang room pero 7 kaming nagsiksikan sa isang room. Cho-choosy pa ba kami eh alas dos na nang madaling araw? Okay din ang terrace kasi dun kami nag-iinuman at sampayan na din at yosihan keme ng mga kasama ko, parang extension na ng room namin.

View from our room.
Anong ginawa namin sa Pagudpud? Nag-zipline! Ang zipline ay nasa Hannah’s Resort at medyo may pagka-profit oriented ang Hannah’s Resort dahil 700 pesos ang zipline nila! Mahigit 1km ang layo ng ziplie na makikita mo ang view ng buong Blue Lagoon sa Pagudpud pero for 700 pesos?! Pero cho-choosy pa ba kami eh Hannah’s Resort lang ang may zipline kaya kineme na namin ang 700 pesos na zipline.
May aaminin ako, hindi din ito alam ng mga kasama ko, first time ko mag-zipline. Kaya ang kaba ko kasing laki ng profit ng Hannah’s Resort! Ang dami kong tanong sa mga manong na nag-aasikaso sa zipline.
Kuya, bakit basa ang harness ko? May nahulog na ba gamit ito?!
Kuya, may namatay na ba dito na hindi namin nabalitaan?
Kuya, chineck mo ba uli ang harness ko?
Kuya teka lang hindi mo pa chinecheckkkk!!!!!
Boom! Sinipa na ako ni Kuya pababa. Sabi ni kuya mag-relaks lang ako pero di ba?! Ang taas kaya nun para magrelaks! Nakuha ko lang ang picture sa Google pero ganyan ang peg.

Pagkatapos namin mag-zipline, nagbanana boat ang mga kasama ko. Pagkatapos ko kasi kabahan ng sobra banana boat agad agad?! Hindi pa ako nakakagetover sa zipline kaya pinanood ko sila habang nagbabanana boat, mukhang nag-enjoy naman sila.
Pagkatapos ng banana boat, nagpaluto kami ng pusit, lobster at curacha. Curacha ang tawag nila sa mga alimango dun. I swear, hindi ako nagbibiro.
Pagkatapos kumain, swimming galore. Ang ganda ng buhangin sa Blue Lagoon. Basta. Basta beach naman sa akin ay maganda. Bandang 4PM nangungulubot na ang mga daliri namin dahil na-marinate na kami sa tubig dagat. Umahon na kami, naligo, uminom sa terrace at saka pa kami kumain ng hapanun. Oo, inuna muna namin ang uminon kesa mag-hapanun. Wala namang masama, nasa beach kaya kami!

Kapag kinuwento ko na ang Day 2, sana may mag-upload na ng pictures sa mga kasama ko. Yeah yeah nagpaparinig ako. Josh, Maan, KR, Herza, Allan, Mico.
DIY tayo kaya kung anu man mapag kakasunduan natin na pupuntahan, then gow… san man tayo abutin ng gabi. wala kasi akong takot since magkakasama tayo kung san man tayo abutin gow lang.
- Maan‘s view on our kinda impromptu Laoag trip.
Yung feeling na nag-plano kayo ng lakad, pero walang nagpa-plano. Kaya ang nangyari, 2 weeks before ang pinag-usapang lakad, agad-agad na nag-book kayo papunta sa Laoag City.
Walang itinerary trip.
Wala pa kaming tutulugan pagdating namin mamaya sa Laoag.
Walang halong shit.
Ang saya saya saya!