da hu?

girl, para sa iyo ang kantang ito.
girl, alam mo kung sino ka.
girl, binigla mo ako. pero mukhang ako lang ang nabigla kasi alam na nilang lahat.
(lakasan ang volume at i-click ang PLAY)
girl, ikakasal ka na nga ba?
pasensya ka na girl, naaliw lang talaga ako sa kantang ito. 

subscribe to me

Let me give you a dose of daily romantic tips and love quotes that will surely make anybody’s heart flutter.
Quotes ba ang hanap mo? There is also quotes for you. Your daily quotes for life.
Conry jokes. Green Jokes. Erap jokes. Knock knock jokes. Dirty jokes. Sorry, wala ako nyan. Joke!
To subscribe, text SALBEHE ON <your name> to 09238680447. For Sun Cellular subscriber only.
If you’re in my phone book AND Sun Cellular user then you know how this works. 
Minsan magforward din kayo… kasi nauubos na ang ipon kong jokes. 

teka, nag-birthday pala ako.

ang daming may birthday o nag-birthday sa blogsphere. naalala ko tuloy na katatapos lang ng birthday ko.
kung hindi ko kayo naimbitahan sa aking birthday party, wag kang magtampo, walang birthday party. hindi talaga ako nag-ce-celebrate ng birthday dahil sa sumusunod na dahilan:
una, kuripot ako. ayokong manlibre. need i say more?
pangalawa, hindi talaga ako nag-ce-celebrate. redundant na? kasi hindi talaga. hindi namin kinagawian maghanda tuwing birthday, katulad ng hindi namin pag-ce-celebrate ng Pasko, Bagong Taon, Holy Week, etc. Jehovah’s Witnesses kasi ang nanay ko.
pangatlo, ayaw kong maalala na matanda na ako. pwede na akong magkasakit at mag-alboroto at gawing dahilan ang tinatawag nilang midlife crisis.
Twenty seven years old. yikes! yan ang edad ko ngayon. mas magandang tingnan in wordskesa in figures. Go figure.
versus

Relationships can never be perfect.

Relationships can never be perfect. You can never force your partner to be faithful in the same way that a normal relationship should be. What’s important is that at the end of the day you find each other side by side and your happy knowing that he/she is yours. We need to enjoy the relationship while its there, because if you waste your time in doubts and insecurities you’ll never appreciate how wonderful it is to fall in love.
Remember: To get hurt is a fact that we bargain when we choose to love.
Sabi nga ni Madel sa kanyang status message ngayon: Love is about trust. Responsibility. Taking the weight of your choices and feelings and spending the rest of your life living up to them. And above all, not hurting the object of your love.
Look at Ted Failon.
I have a gut feeling that HE DID IT.
Enough said. 

Pinoy Henyo: Boyfriend

When: December 2007
Where: Lola’s Residence
Why: Mogul’s Annual Christmas Reunion
How: Kakampi ko si Emon (brother). Panggulo: Essy, mga pinsan, titos at titas. Ang nasa noo ko: Boyfriend.
salbehe: Living object?
Panggulo: Oo.
Emon: Oo.
salbehe: Tao ba ito?
Panggulo: Pwede.
Emon: OO!
salbehe: Hayop ba ito?
Panggulo: Oo.
Emon: Hindi! (pasigaw)
salbehe: Taong hayop?
Panggulo: Oo.
Emon: Wag kang makinig sa kanila!
salbehe: Ok tao. Uri ba ito ng trabaho? Trabaho ba ito?
Panggulo: Pwede… Pwede!
Emon: Hmmm.. hindi.
salbehe: Mahilig ba ito sa dilim?
Panggulo: Oo! mas madilim mas ok.
Emon: Hmmm.. pwede.
salbehe: Crawling object? Gumagapang?
Panggulo: Oo! gumagapang! Hahahah
Emon: Hindi. Pero pwede.
salbehe: Ah alam ko na! Magnanakaw?
Panggulo: Oo! pwedeng magnakaw!
Emon: Hmmm.. nalilito na ako.
[TIME-OUT]
Ang definition ng boyfriend?
Taong hayop na mahilig sa dilim na gumagapang at magnanakaw. Nagnanakaw daw ng halik.

lust at first sight [UPDATED]

may theory ako.
hindi ako naniniwala sa love at first sight. hindi din ako naniniwala na na-in love ang isang tao dahil sa pag-uugali. pero naniniwala ako sa power ng libog.
ooopss! sa mga nag-iisip na naman ng masama, hindi ito bastos.
magpakatotoo tayo. kapag una kang nakakilala ng opposite sex, hindi bat una mong napapansin ang panlabas nyang kaanyuan kesa sa ugali? nakita mo pa lang sya kaya hindi mo pa alam ang ugali nya. nagandahan ka na sa mata nya, feeling mo masarap halikan ng labi nya, matipuno ang pangangatawan. attracted ka muna sa pisikal nyang katangian. gusto mong mas makilala pa sya ng masinsinan. gagawa ka ng paraan para makausap/makatext/makachat sya. love at first sight? think again.
paano ka maiinlove sa hindi mo pa kilala at nakita mo pa lang? ang tawag ko dyan: libog.
inuulit ko theory ko lang ito, hindi ko sinasabing totoo ito.
ooopss! sa mga nag-iisip na naman ng masama, ok.

Lust is our sin… there is nothing wrong with looking.


hindi din ako naniniwala na na-inlove dahil sa pag-uugali.

una, dahil nakita mo muna sya bago mo sya nakilala. naging interesado ka muna sa mukha at katawan. bonus na lang kung maganda ang ugali. kung tinamaan ka talaga, ok lang kahit may ugali. ang sa akin, una kang nalilibugan kesa nag-iisip.

pangalawa, sa ugali inlove ka na? c’mon! syempre may pisikal na qualities din syang nagustuhan mo. maganda ang mata kahit malaki ang ilong. maganda ang tindig kahit maitim. pantay pantay ang ngipin kahit bad breath. at least may magandang quality na kalilibugan mo. pero kung puro ugali ang basehan mo para ma-inlove sa isang tao.. edi sige. theory mo yan, basta ako eto ang theory ko hehe

parang high end phone na kahit anong ganda ng specs, resolution at feature kung wala namang aesthetic value, hindi pa din bebenta sa iyo. katulad neto:
Motorola Aura is an ugly phone and not worth it.

1

Winner!

May pa-contest ako sa Plurk: http://www.plurk.com/p/m3g42
Ang winner? Syempre si Jape at Cielo! Woohoo! Ang cute!!! Bagay nga sila! Bagay!!!!! 
Not one..
Not two..
But they have three cute pictures!!
Congratulations for winning 3 tickets to Metro Comedy Bar and 1 ticket at Laffline!