Ikaw na lang… Mismo.
by salbehe on July 15, 2009
Babala: Kung meron kang dog tag ng Ako Mismo, para sa kaligtasan nating dalawa, mas makabubuting huwag mo na itong basahin.
Nakatawag ng atensyon ko ang Ako Mismo ad noong Pacquiao-Hatton match. Pustahan dun mo din ito unang nakita. Mas maganda kasing panoorin kesa sa Bulldog, Alaxan, Revicon, EPoxy, Darlington, Thuderbird Feeds, Red Bull, atbp. Maganda din tactic ng Ako Mismo dahil Sila Mismo ang mas natandaan ng tao. Bukod kasi sa mga high profile na taong nag-ad para sa kanila, maganda din naman talaga ang hangarin. Minsan ko lang naisip na may maganda silang hangarin, hindi na uli naulit.

Bakit kaya halos magkapareho ang Globe Broadband at Ako Mismo dog tag? Ewan.
Ano yun? Kailangan mag-sign up at bumili ng dog tag? Tapos? Hindi ka makakatulong sa pagbabago dahil lang sa pagsusuot ng fashionable dog tag. Hindi ka magiging tunay na Pinoy dahil lang pag post ng pledges o pag suot ng Ninoy shirt. Wala na talaga akong nakikitang signipikong magagawa nito bukod sa in ka.
PANATANG MAKABAYANIniibig ko ang PilipinasIto ang aking lupang sinilanganIto ang tahanan ng aking lahiAko’y kanyang kinukupkop at tinutulunganUpang maging malakas, maligaya at kapakipakinabangBilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulangSusundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralanTutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batasPaglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatanSisikapin kong maging isang tunay na pilipinosa isip, sa salita, at sa gawa.
Wala namang sinasabing “mag-si-sign up sa akomismo.org, bibili ng dog tag at isusuot ito araw-araw”.

Isasaisip at isasagawa ko na lang ang Panatang Makabayan. Libre pa.
_____________________
Gusto mo bang magkomento? Pasok!


