Masaker

Binuksan ang payslip.

Basic Salary, check.

Rice subsidy, wow may rice subsidy pala kami check check.

Pagibig, check.

Philhealth, check.

SSS, check.

Tardiness: -803.88, ano ito?

Withholding Tax, tae!

Nagbukas agad ako ng Google, sinearch ang salitang “tardiness” kahit alam ko naman ang talagang ibig sabihin nito. Deym. May konsepto pala ng “tardiness” dito (8 months pa lang ako sa kumpanyang ito), bakit walang nagsabi sa akin? Kaya naman pala sa tuwing dadating ako sa opisina ng 8:15 (8 o’clock ang time in) lahat ng kaopisina ko, nagkakape sa pantry o nakatutok na sa monitor. Walang late maliban sa akin. Kaya pala, kaya pala!!!

Little Miss Late

Little Miss Late

Siguro nasa Employee Manual din ito na binigay sa akin noong una akong pumasok, syempre kahit kailan hindi ko din yun nabuklat.

Next, bakit ganun ang tax? halos 20% ng sweldo ko. Nagtanong ako kay Elai na alam kong nagkaroon ng problema sa tax at naging expert na sa tax computation. Bingo! May ginawa silang template na nagco-compute ng tax. Syet lang talaga. Tama ang ang kinakaltas ng kumpanya sa sweldo ko, ang laki nga ng tax.

Condemn the Maguindanao Massacre

Condemn the Maguindanao Massacre

Feeling ko tuloy, bukod sa pagkakamasaker sa Maguindanao, matagal na din tayong minamasaker ng gobyerno. Anong ginagawa nila sa halos 20% na kinakaltas nila sa lahat ng empleyado sa buong Pilipinas? Ano? Bumili ng back hoe para pantabon sa minamasaker nila? Kung ibinigay ko na lang yung kinaltas sa sweldo ko sa isang may sakit sa ospital, sigurado pa akong mas makakatulong yun. O sabi nga ni Elai, kaya nyang magpasweldo ng isang tao sa tax na kinakaltas sa kanya. (Ang laki ng sweldo ni Elai!)

Ang punto ko ay pasimple din tayong minamasaker ng gobyerno.

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Porn is an Art

Isa pang hindi mo alam sa akin ay nangongolekta ako ng porn movies.

Teka. Magkukwento muna ako.

Ewan ko sa college na pinasukan mo pero sa amin ginto ang mag-internet. P30-P40 per hour. Kaya naman nakakapanood lang kami ng porn kapag may nagpupuslit ng CD sa apartment. Late bloomer kami kaya fourth year college lang nagsimulang manood ng porn. Tanda ko pa ang una naming napanood, na natawa kami imbes na malibugan: Snow White and the Seven Dwarfs. Hindi sa akin yung CD kaya hindi ko naitabi.

Si Snow White na pambata.

Si Snow White na HINDI pambata.

Hindi man ako nalibugan, naaliw ako sa porn (ewan ko dun sa kasama ko) kaya nagsimula akong mangolekta. Alam kong iba ang iisipin kapag nakarinig ng babaeng nangongolekta ng porn, pero hayaan mo muna akong magpaliwanag.

Porn is an art para sa mga taong may bukas na pag-iisip at hindi nililimitahan ang sarili at hindi din sinasarado ang mga kinikilos ng kung ano mang shit ang sinasabi ng lipunan. Nakakahinayang nga lang dahil ngayon ko lang ito nasabi at hindi pa kabilang sa huling blog ko. Aaminin ko na din na si Donald Villanueva isang kaibigan pa ang bumibili ng porn para sa akin dahil ang sama makatingin ng mga manong kapag ako mismo ang bumibili. Bakit lalake lang ba ang may karapatang manood ng porn? Pwe!

Cinematography, kwento, paano nabubuo ang plot, emosyon ng mga karakter sa kanilang sarili at sa isa’t-isa, hindi lang yung basta makadale. Ang mga taong gumagawa nito ay talaga namang nag-eefort na mapaganda ang kanilang craft. Sexy pose, acrobatic-style sex position, location, background, timing, gimik, lalo na ang hentai na mas matindi pang mag-isip. Nakapanood na ako ng cute, teen, battle, alien, scifi, brutal, masaker, rape, kahit ano yata naisip na ng mga hapon. Minsan nakakatawa lang, promise.

Adaptation of " The Lord of the Rings".

Isa pa pala, last na. Sa mga nanghiram ng CD/DVD collection ko, pwedeng ibalik nyo?

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Porn is an Art

25

20 Bagay na hindi mo alam

Kapag natapos mo basahin, alam mo na.

1. Ginawa ko ang gasgas na blog na ito para lang may bagong post.

2. Hindi ako nakakatulog kapag hindi nakasara ang cabinet na nasa paanan ko.

3. hInDI kOh mAiNtInDiHaN KuNg BhAkEt MeH mGa tAoNg GaNItO MaGtYpE.

4. Isang album lang ang pinapakinggan ko kapag nasa MRT, araw-araw yun, dalawang beses sa isang araw, limang araw sa isang linggo. Umay.

5. Natatakot akong magpatingin sa doctor dahil baka ideklara nilang may nakakamatay akong sakit.

6. Umiyak ako nang mamatay si Billy Thomas, yung kapakner ni Ally McBeal.

7. The Wallflowers‘ self-titled debut album ang una kong biniling album. Casette tape pa.

8. Suki ako ng pirated movie DVD. May kakilala akong nagbebenta P35/movie. Malinaw. 3 for P100.

9. Nakokornihan ako sa mga lalake/babae na nagpapakalasing in public at pinagsisigawang walanghiya ang kanilang ex.

10. Naaaliw at naiirita ako kay Kris Aquino at sa Pinoy Big Brother Double up.

11. Natatandaan kong itinuro ito noong elementary, pero nalilito ako kung paano gamitin ang “ng”, “nang”, “din” at “rin”.

12. Hindi ko kino-consider ang sarili ko na “blogger”.

13. Hindi ako bumibili ng libro kapag hindi “Sale”.

14. Malilimutin ako sa birthdate, kahit na sa sarili kong birthday.

15. Nagkaka-crush ako sa mga lalakeng hindi crush-able. Matatawa ka kapag nalaman mong nagkaroon ako ng matinding crush kay.. tut. tut..

16. Sana ginawa ko na lang “10 Bagay na hindi mo alam” ang post na ito para hindi ako nahirapang makarating sa ika-20.

17. Naniniwala ako sa psychoanalytic perspective (dream interpretation), pero nahihirapan akong paniwalaan ang parallel universe.

18. Naniniwala din ako sa tinatawag na retail therapy.

19. Impulsive buyer ako.

20. May bago akong camera. Katas ng bonus. :D

Canon Powershot Sx200 (red)

Susubukan kong magpakomento ngayon. Parang pre-Christmas Promo sa mga malls. Lols.

Email to a friend

Press This

Bookmark Bagay na hindi mo alam

Express Bakasyon

From: friend@pal.com.ph
Sent: Thursday, November 19, 2009 11:22 AM
To: Many
Subject: New Boeing 777 Promo

Guys,

Baka may mga interested: Boeing 777 Promo

Ayan may sample pa.

Itinerary Summary

(Click to enlarge)

From: ang_naatasan_na_magpa_book@yahoo.com (Elai)
Sent: Thursday, November 19, 2009 2:11 PM
To: Roi, Jeni, Mandy, Jhet, Salbehe
Subject: Fw: Your Booking Confirmation

Ayan. 1570 airfare + 30 petot processing fee. Hehehe.

Thank you for booking online and choosing PHILIPPINE AIRLINES.  Your purchase has been completed and your Electronic Ticket(s) has been issued.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari at pagkatapos ng humigit kumulang limang email exchanges, may plano na kami sa Summer 2010. Boracay!

http://www.lakbaypilipinas.com/images/boracay_palm_trees1.jpg

http://www.lakbaypilipinas.com/blog/wp-content/uploads/2009/11/miss-ea  rth-2009-beauty-pageant-in-boracay.jpg

Mangingitim na uli ako. Yieee! :cool:

* Si Diwata Manila (Mandy) ang nagsabi ng “Express Bakasyon”. Copyright 2009. All rights reserve.

__________________________________________________

Email to a friend

Press This

Bookmark Express Bakasyon

Margin of Error

Statistically speaking, margin of error is a statistic expressing the amount of random sampling error in a survey’s results. If the statistic is a percentage, this maximum margin of error can be calculated as the radius of the confidence interval.

Halimbawa, nagsurbey ka ng 1,800 tao na may +/-2 error margin. Pagkatapos ng surbey nakakuha ka ng 2%. Kung susumahin, hindi lang naman eksaktong 36 (=1800*2%) ang nakuha mo, kundi nasa pagitan ng 1 hanggang 71. Magulo? Ganito:

= np +/- npq
= [1,800*(2%)] +/- [(1,800)*(2%)*(98%)]
= 36 +/- 35.28 (~35)
= [(36-35),(36+35)]
= [1, 71]

http://fc09.deviantart.net/fs18/f/2007/220/7/0/Nose_Bleed_ID_by_Magic_ToothPick.jpg

Para saan ang lecture ko? Bukod sa na-miss ko ang Stat 1 (weeh?) ay nabasa ko ang latest surbey ng Pulse Asia, at nabasa ko rin ito:

Despite being in sixth place, with only two percent votes, in the recent Pulse Asia survey for presidential aspirant, Lakas-Kampi CMD standard bearer Gilberto “Gibo” Teodoro said that he remained optimistic about his campaign.

Gibo, Pare, mag-usap nga tayo. Ibig sabihin nyan meron ka lang isa hanggang 71 na boto sa 1,800 na tao na kumakatawan sa lahat ng botante sa Pilipinas. Biruin mo yun, pwedeng isa lang ang boboto sa iyo? Kung nasa Grade 5 class ka, parang sinabi mong “I nominate myself”, at syempre ikaw din lang ang boboto sa sarili mo.

The error speaks for itself. The error I’m referring to is not a statistical term.

Source: Inquirer, Pulse Asia, Wikipedia, Papa Karl

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Margin of Error

Sago con Yelo

Pupusta ka ba sa laban na kung sa simula pa lang alam mo ng talo ka? Yan ang kwento ni Sago at Yelo.

Si Yelo ay tipikal na Ice Maiden Queen. Maka-kristiyano, may magandang trabaho, mabait na anak. Katulad ng maraming babaeng successful ang career, bokya ang love life. Gusto nya kasi ay ang taong kanyang mamahalin at pagkakatiwala ang kanyang puso ay ang taong makakasama na nya habangbuhay. One time big time kumbaga.

Si Sago ay hindi tipikal na lalake. May malubhang sakit na maaaring ikamatay nya bukas.

Pero ngunit subalit datapwat! Ang badtrip ni Kupido. Alam nyo na ang nangyari, si Sago at Yelo lang naman ang bida dito. Sila ay nagkaroon ng malalim na pagtitinginan. Singlalim ng takot.

Si Yelo, natatakot dahil ayaw nyang masaktan.

Si Sago, natatakot dahil ayaw nyang makasakit.

Parang horror, pero love story. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganitong mga eksena. Pero tunay na kwento ito ng isa sa mga kaibigan ko.

Kung ikaw ang tatanungin, kung ikaw si Yelo, ibibigay mo ba ang langit ng mas maaga kay Sago? Yung tipong nasa katawang tao pa lang si Sago, pero feeling nasa langit na sya. :roll: Pero may time limit.

Whoops! Dapat pala sago, hindi Sogo.

Whoops! Dapat pala sago, hindi Sogo.

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Sago con Yelo

Miguel Cotto vs Edu Manzano

Round 1: Miguel Ángel Cotto Vázquez (born October 29, 1980) is a Puerto Rican professional boxer. Eduardo “Edu” Barrios Manzano (born September 14, 1955) is a Filipino actor, television personality, and politician.

Round 2: Cotto defended the WBO Welterweight Champion successfully a total of six times, before losing it to Manny Pacquiao on November 14, 2009. Manzano hosted several season of “Game Ka Na Ba?” successfully before losing it when he agreed to become the running mate of Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodro.

Round 3: No one in the Philippines could conceive of Manny losing to Cotto. No one could conceive of Edu Manzano winning vice presidency.

Edu Manzano in Action

Edu Manzano in Action

Round 4: Marc Ecko, fashion designer and owner of Ecko, selected Cotto when promoting the brand within the sport, citing the boxer’s “fearless” demeanor as one of the main reasons behind this agreement. The ruling party selected Edu Manzano for his fearless demeanor to run vice-president and his preparedness to lose big time.

Round 5: Cotto faced defeat. Manzano will face defeat.

Round 6: Edu Manzano ran an unsuccessful campaign for Mayor of Makati City in 2001, losing to Jejomar Binay. Manzano believes that by running for vice president, he would finally have a chance to beat Jejomar Binay. There is no second chance for Cotto to beat Pacquiao. Filipinos haven’t gone to that road yet.

Round 7: Both Manzano and Cotto had faced difficult personal life.

Round 8: Edu Manzono had a movie in 1991 entitled “Kumukulong Dugo”. Si Cotto malamang kumukulo ang dugo ngayon kay Manny.

Miguel Cotto in Action

Round 9: Manzano had an album called World’s Greatest Dance Steps (Universal Records, 2007). Cotto had a greatest boxing steps, ginawa ba naman habulan pung ang boxing. Hinabol lang tuloy sya ni Manny.

Round 10:  The Philippine National Police reports that the crime rate during the 12-round Pacquiao-Cotto fight was bout zero. Manzano reports that during his post as chairman of the Optical Media Board the cd/dvd piracy rate was bout zero . Weh?

Hanggang Round 10 lang ang kaya ko, hindi katulad ni Cotto na nakaabot ng Round 12. Kailangan ko naman na magtrabaho, you know…

Disklaymer: Hindi ako magaling sa inglisan, kaya kung may mga mali sa grammar, spellling, syntax , etc…. I am sorry.

Source: Wiki ni Cotto, Wiki ni Edu, The Professional Heckler, Jessica Zafra

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Miguel Cotto vs Edu Manzano