Kapag natapos mo basahin, alam mo na.
1. Ginawa ko ang gasgas na blog na ito para lang may bagong post.
2. Hindi ako nakakatulog kapag hindi nakasara ang cabinet na nasa paanan ko.
3. hInDI kOh mAiNtInDiHaN KuNg BhAkEt MeH mGa tAoNg GaNItO MaGtYpE.
4. Isang album lang ang pinapakinggan ko kapag nasa MRT, araw-araw yun, dalawang beses sa isang araw, limang araw sa isang linggo. Umay.
5. Natatakot akong magpatingin sa doctor dahil baka ideklara nilang may nakakamatay akong sakit.
6. Umiyak ako nang mamatay si Billy Thomas, yung kapakner ni Ally McBeal.

7. The Wallflowers‘ self-titled debut album ang una kong biniling album. Casette tape pa.
8. Suki ako ng pirated movie DVD. May kakilala akong nagbebenta P35/movie. Malinaw. 3 for P100.
9. Nakokornihan ako sa mga lalake/babae na nagpapakalasing in public at pinagsisigawang walanghiya ang kanilang ex.
10. Naaaliw at naiirita ako kay Kris Aquino at sa Pinoy Big Brother Double up.
11. Natatandaan kong itinuro ito noong elementary, pero nalilito ako kung paano gamitin ang “ng”, “nang”, “din” at “rin”.
12. Hindi ko kino-consider ang sarili ko na “blogger”.
13. Hindi ako bumibili ng libro kapag hindi “Sale”.
14. Malilimutin ako sa birthdate, kahit na sa sarili kong birthday.
15. Nagkaka-crush ako sa mga lalakeng hindi crush-able. Matatawa ka kapag nalaman mong nagkaroon ako ng matinding crush kay.. tut. tut..
16. Sana ginawa ko na lang “10 Bagay na hindi mo alam” ang post na ito para hindi ako nahirapang makarating sa ika-20.
17. Naniniwala ako sa psychoanalytic perspective (dream interpretation), pero nahihirapan akong paniwalaan ang parallel universe.
18. Naniniwala din ako sa tinatawag na retail therapy.
19. Impulsive buyer ako.
20. May bago akong camera. Katas ng bonus. :D

Canon Powershot Sx200 (red)
Susubukan kong magpakomento ngayon. Parang pre-Christmas Promo sa mga malls. Lols.
0

kumbaga sa mga sale eh ako ang nakauna sa pagbili.
ako naman, natutuwa kay Kris akino. Kahinaan ko na ang maaarteng babae eh. Ewan ko nga ba. lintek.
congrats! Alam mo sa school namin kapag sinabing “maaarteng babae” ibig sabihin ComArts. But we have nothing against ComArts students. Norm na lang siguro.
mahal ko nga ang mga comarts na nakatambay sa hum eh. ang gaganda nilang lahat. wahaha
ayun naman pala may bagong cam eh yii!
Yieee! Super excited! Hindi muna ako madalas magnet kasi binabasa ko yung manual. :D
huwaw! buti ka pa may bonus…yung number 2 nyahahaha… ganon din ako… :))))) baka lumabas si boogeyman :))) iskeri!
Weel deserved bonus naman siguro. Napepera kasi sa pinapasukan ko ang vacation leave (yung dating company ko sick leave ang napepera). Biruin mo yun? Ilang araw din na hindi ko kinuha ang bakasyon ko. (10 days!) Babawi ako next year. :P
shet. nakakatulolaway ang cam mo.
may binibilhan ako ng dvd, 25 lang. minsan 20 pag 5 binili ko.
Ay talaga? P25 per movie? Lentek nalulugi pa pala ako! :|
1. feeling ko ginawa mo ang post na ‘to para maipakita mo sa amin ang bagong cam mo! sample shot naman dyan! hakhak! good choice ate! canon! aylabet!
3. patayin! sugurin!
4. meron din akong palagiang pinakikinggan! as in ebridey! eraserheads! oh yeah oh yeah!
5. parehas tayo dito ah! hakhak! kaya ayaw ko ng hospital! at kaya hindi ako nagnursing dahil dyan!
8. apir!!!! nyahahaha! yan ang pinakagusto kong gawin sa lahat! magshopping ng dibidi na pirata!
11. ako rin di ko na alam! hakhak!
1.) May tama ka. Ang yabang eh noh? :cool: Hindi naman sya slr pero may mga manual setting, siguro sa susunod na ako magpapakita ng sample, hiya pa ako eh. :oops:
oh yes naman! hihintayin ko ang sample shots ah!
wallflowers? as in si jakob dylan? gusto mo mga yun? inaalikabok na mga cassetes ko sa bahay, mga dalawandaan piraso siguro hahaha. ako rin walang problema sa pirated, pero hindi ko sila pinapayaman, nanghihiramlang ako wahaha. naligaw, nagbasa, naaliw, sumigaw, umalis, babalik.
Yes, gusto yung tipo ni jakob dylan. :D Inaalikabok na din ang casette ko kasi mayroon ng mp3 format. Hehehe!
komento ulet, trip lang, hahaha.
isa pa.
hehe lakas ng trip mo! :P Ayos lang. :D
1. para sa camera.
2. hindi ako makatulog pag hindi nakasara ung 2 mata ko sa mukha ko.
3. hInDI kOh RiN mAiNtInDiHaN. paReHAs TaYoH.
4. sinubukan ko din yan. kaso wala akong naririnig. sira ata nabili ko. hindi na ako bibili ng album ng bandang Picture na yan.
5. takot ako sa mga doktor. period.
6. umiyak ako ng naghiwa ako ng sibuyas kanina. eh hindi ko naman xa kaano ano.
7. wala pa ako nabibili na album para sa sarili ko. ever.
8. pakilala mo ako doon.hehe
9. HINDI AKO KORNI! =P
10. Parehas tayo. pwera ung aliw part.hahaha
11. Ako din. (or is it, ako rin?) =P
12. Hindi rin ako blogger.
13. Pati ako. Dean Koontz..yohooo
14. Oh shit birthday ko nga pala kahapon! waaaahhhh
15. Hindi tayo parehas dito. ano ako bading?hehehe
16. UU nga. hirap na din ako.
17. Ok, ano man un. sige na UU na.hahaha
18. I believe. I believe.
19. Me binebenta ako Impulsive. benta ko sayo. mura lang.
20. Me bago din ako cum. Katas ng…
21. ang hirap magcomment sa mga ganitong enumeration.
Huwaw! Salamat naman sa effort na pagsagot. Ako din/rin nahirapan na tandaan ang mga sinulat ko. :)
isang malaking karangalan na saken ang makapag comment dito.. haha!
Isang malaking karangalan din sa akin ang makabisita ka dito.. haha! :P
napadaan lang din.. anak batangueno member ka din?
Hindi ako taga-Batangas. ;) Salamat sa pagbisita!
nakaz naman! dapat binanggit mo na rin yung name ni crush! nyehe! di ko na babasahin tong post na to, alam ko na e!
Sino si crush? Hehe chikadora lang po. :)