Mario and Me

10/23/2009

Mario:    salbehe
Mario:    pa-blind date naman o! :D
Salbehe:    anong nangyari muna?
Mario:    promise muna blind date mo ko :D
Salbehe:    ano munang nangyari?
Mario:    promise muna blind date mo ko :D
Mario:    hehe
Mario:    nakipagbreak n ko…
Mario:    :D
Salbehe:    ang gwapo mo!
Mario:    *ngiti pa talaga..*
Mario:    gagu
Mario:    [nagsabi ng dahilan]
Mario:    tang ina
Salbehe:    [nagmura uli]
Salbehe:    mahal mo ba talaga?
Mario:    muntikan na
Mario:    kunting kunti nlng
Salbehe:    [nagsabi din ng problema]
Mario:    weh?
Salbehe:    oo tanong mo sa kanya
Mario:    pero iba nmn ung sayo mahal mo kya no let go
Salbehe:    kaya emo mode ako last week at last last week
Mario:    so that explains all the drama sa fb niya :D
Mario:    last week at last week.. makes sense.. Hehe
Salbehe:    lagi kong nirereklammo na ang talino ko naman pero natatanga ako. pero alam mo na realize ko? sa nagmamahal walang tanga. walang matalino walang bobo. sa nagmamahal, kailangan nagmamahal :D”
Mario:    salbehe! nakanaman! ampotang ina. nakakamura yang sinabi mo ah
Salbehe:    hahahah parang hindi manggagaling sa akin di ba?
Mario:    tangina (teka nakakailang mura na ako)
Salbehe:    kaya ang payo ko sa iyo, wag ka magrevenge agad sa pamamagitan ng magda-date. pag-isipan mo muna
Mario:    dumadali lang sa isip ko yan pero hinding hindi ko yun ggwin
Mario:    Diyos na bahala..kasalanan nmn ung ginawa niya eh
Mario:    kaya ayos na sa akin yung makapagtalaga siya ng isang kasalanan as my revenge :D

[Salbehe naghanap ng date para kay Mario]

Salbehe:    ilang taon ka na?
Mario:    uhh 22?
Salbehe:    sige. isa pa pala, kung maghihiganti ka nga.. good luck. live your life to the fullest. that will be your greatest revenge
Mario:    sige ipaplurk ko ito. di ko sasabihin na ikaw :D
Mario:    tae baka iba makakuha ng bait
Mario:    exciting kya un?
Salbehe:    yown, madami pa naman jan ;D
Salbehe:    may nagpm na sa akin
Mario:    ha?
Salbehe:    kung tumatanggap ka ba daw ng gay :P
Mario:    taena mu salbe
Mario:    hehehe
Salbehe:    hahaha
Salbehe:    Ok, I’ll take that as “”No”"
Mario:    waw na-figure out mo

12/15/2009

Mario:    tanong: san magandang pumunta sa laguna? yung nakakarelax.
Salbehe:    hindi sa laguna pero malapit sa laguna
Salbehe:    sa Tagaytay
Mario:    lam mo Caliraya?
Salbehe:    yep mahal dun
Mario:    ok lng sagot nmn ng company
Salbehe:    pero mas okay pa din sa akin sa tagaytay
Salbehe:    may mga bagong attraction na din katulad ng cable car etc
Mario:    huwaw!
Salbehe:    search mo hindi pa uli ako nakakapunta eh
Mario:    oo oo
Salbehe:    sa caliraya naman more of water sports
Salbehe:    jets ski. vollyball
Mario:    onga onga
Salbehe:    kaya yun mas trip ko sa atgaytay
Mario:    wooooooooooot
Mario:    teka teka ano meron sa tagaytay
Mario:    mas ok cguro sa tagaytay kung relaxation tama b?
Salbehe:    yep
Mario:    san b magandang magrelax sa tagaytay?
Salbehe:    search mo na lang
Salbehe:    di ko kabisado
Mario:    hmm ano ikekey in ko?
Salbehe:    hahahhaha edi “”tagaytay”"
Mario:    ughh

1/18/2010

Mario:    sino po may alam ng ibig sbhin ng PTO?
Salbehe:    United States Patent and Trademark Office. An Agency of the Department of Commerce. – Mr Google top search
Mario:    d eh. sa pinas
Salbehe:    A power take-off (PTO) is a splined driveshaft, usually on a tractor or truck, that can be used to provide power to an attachment or separate machine. – Wikipedia
Salbehe:    please turn over (PTO)
Mario:    a govt office…
Salbehe:    Employers have been moving to unspecified paid time off (PTO) instead of separating sick leave and vacation.
Mario:    tingnan ko yung please turn over…\
Mario:    provincial treasury office… yun kya un?
Mario:    ty po! oks na hehe
Salbehe:    ako may tanong naman.. sa tingin mo bebenta kung magbebenta ako ng adult sex toys?
Mario:    uhhh d ko lam
Mario:    ako adik sa sex pero d ako bbli nan =))
Salbehe:    bakit di ka bibili?
Mario:    i’d rather have the real one 8-D
Mario:    pero mabili yan dun sa mga single na liberal haha
Salbehe:    naghahanap kasi ako ng biz online. dapat unique di ba? so naisip ko ito
Salbehe:    wala pa akong nakitang ganito sa pinas :)

2/5/2010


Mario:    Salbe!!!!
Salbehe:    Mario!!!
Mario:    Anong bago sayo ngayon??????
Salbehe:    Walang bago. Si Avery lang ang Bago (surname ni Avery ang Bago)
Mario:    k
Mario:    *tahimik*

Email (2/25/2010)
To: Mario
From: Salbehe
Subject: Pwede ko bang i-blog ito?
Attachment: Text file ng blog na nasa itaas.

Mario:     potek. lahat to? o yung break up part lang?
Salbehe:     lahat. ang tanga mo eh

Pest me more Mario. Pest me!

Brother, abangan mo ang blog kasunod nito. :P

Kwentong MRT

Dalawang beses sa isang araw, limang araw sa isang linggo, sumasakay ako ng MRT. Hindi ako nagrereklamo kapag mauunahan ako sa pila, may nakikipagsiksikan, o natatapakan ako. Bukod sa gawain ko din lahat yan, alam ko na parte ito ng buhay MRT. Kung maaari, pumupwesto ako sa bandang gitna kung saan dumudugtong ang tren. Para na akong nanalo sa lotto kapag nakaupo.

Madami akong kwentong MRT. Isa na ito. (Warning: Parental Guidance)

Minsan, napilitan akong pumuwesto sa may pinto kung saan andun din ang karamihan ng tao. Napwesto din ako sa tren kung saan magkahalo ang boys and girls. Okay lang, no choice, sandamakmak na ang late records ko.

Pagdating ng Quezon Ave at Kamuning Station, hala, dumagsa na ang tao, lalo pa akong nasiksik.

Sa Cubao Station, may dalawang bumaba, pero sampu ang umakyat. Hindi ko alam kung papaanong magic nagagawa yun ng mga tao sa Cubao.

Eto na, hindi na ako makagalaw. Napansin ko na may makinis at mainit na kumikiskis sa siko ko. Akala ko steel container na may mainit na tubig na nakasabit sa baywang ng manong na katabi ko.

Santolan Station. Syet lang talaga, hindi ko na matiis, parang sinasadya na kasi ang pagdali sa siko at braso ko. Sinilip ko. Shit. Nakabukas ang zipper ni manong. Sinilip ko uli. Shit. Tite ang nasa siko ko. Shit. Shit. Shit.

Una kong naramdaman? Takot. Naalala ko yung napanood kong video clips sa Japan na nangmolesya ng estudyante sa tren. Shit, pwede palang mangyari sa totoong buhay. Sa takot ko, wala akong nagawa. Gusto kong sikuhin ang tite nung manong pero kumaripas na lang ako ng takbo pagdating sa Ortigas Station. Tiningnan ko kung sinusundan nya. Hindi naman. Hay, nakahinga ng malalim.

Sumakay na lang uli ako magdating ng sumunod na tren. Ayun, late.

One thing I’ve learned from this experience is to be vigilant. Hindi natin kilala kung sinong makakatabi natin sa MRT, pwede tayong holdapin, mang-isnatch, manghipo ng pwet o magpakita ng tite dahil trip nya.

* Reply sa blog ni Bongkito na Kwentong MRT

Dear John

You made me realize how lonely I am this love month. Sana hindi ka na lang namin pinanood, akala ko pa man din sad story ang ending mo dahil gawa ka ni Nicholas Sparks. Binigo mo talaga ako.

Dear-John-amanda-seyfried

P.S. Spoiler na, bitter pa.  Wenoh ngayon?

Internet Moments

1.) Noong third year college nagkaroon kami ng internet sa bahay. Sa panahong ito natuto akong magchat sa YM kung saan madalas akong tambay sa Laguna Room. Gusto ko noon na magkaroon ng buhay pagibig sa loob ng chatroom pero sa kasawiaang palad wala. Ang chatname ko: mapaglarong_isipan.

2.) Dahil hindi pa uso noon ang Unlimited Broadband ng Sun, demetro ang subscription namin sa internet. Namomonitor ng nanay ko na madalas lumalampas sa monthly subscription ang binabayaran nya kaya naman noong 4th year ako nilipat ang desktop computer namin sa sala.

3.) Akala yata ni Mamita mapipigilan nya kami mag-internet ng madaling araw kapag nailipat sa public place ang compu. Wish nya lang. Tuloy ang ligaya.

internet is for porn

4.) Tinamaan ng malware, spyware, virus at worms ang desktop namin dahil hindi lang naman Friendster ang binibisita naming magkakapatid. Tinaggal na din ang internet subscription namin.

5.) Inilipat ang desktop sa Los Banos kung saan kaming magkakapatid nag-aral, kung saan wala ng internet. Nag-iinternet kami sa Grove, kung saan isang helera ang internet cafes. Hay, elbi lyf.

6.) Counter Strike. Si Emon (brother) ang nag-install sa desktop namin, pero kami ni Essy (sister) ang naglalaro. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lagi akong talo kaya ayaw nila akong kakampi.

7.) DOTA. Adik sa DOTA ang ex ko, bilang anibersary gift ko sa kanya pinag-aralan kong mag-DOTA para makalaro sya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lagi kaming talo kaya ayaw na nya akong kakampi. Si Sniper ang paborito kong hero. Si Sniper lang ang natutunan kong hero.

dota_kardel_by_boybalasa

8.) Blogging. Nagsimula akong mag-blog sa Friendster. Tapos sa Multiply. Lumipat ako sa WordPress.com dahil:

  • May mga nagrereklamo na naka-block ang Multiply sites sa office nila.
  • May mga nagrereklamo na wala silang Multiply account kaya hindi sila makapagkoment. Buti na lang kahit nasa WP na ako hindi pa din sila nagkokoment. Buti na lang!

9.) Micro-blogging. Natuto akong mag-Plurk. Na-hack ang Twitter ko na hanggang ngayon parang ibang tao pa rin ang gumagamit ng account ko. Keber, mas masaya naman sa Plurk. Wala na akong panahon sa Tumblr.

10.) Dot Com. Yieeee!

Ikaw, ano ang mga internet moments mo?

*Reply sa blog na “Internet” ni Dormboy.

Balita Bukas, Ngayon ang Broadcast

Itago natin sila sa kanilang tunay na pangalan:  Donald at Jhet. College pa lang magkakasama na kami sa gala, lamon, sine at “group study”. College pa lang nanliligaw na si Donald kay Jhet. College pa lang basted na si Donald.

Tanda ko kapag pinag-uusapan namin ang basted blues ni Donald (nakalimutan ko na kung ilang beses sya nabasted ni Jhet), lagi nyang joke ang:

Donald: Kapag nabaliktad ang mundo at si Jhet naman ang magkagusto sa akin, kahit dulo ng daliri ko hindi nya mahahawakan!

Syempre tawa lang ako. Har!

After college, si Donald nagkaroon ng MU, girlfriend, special friend at “friends”. Si Jhet, nag-Master, sumama sa mga gala ko, sa kalokohan ko, at naging kapitbahay ko. Lumalabas pa din kaming magkakaibigan, napagkukwentuhan ang buhay, nang-iisyu sa buhay ng iba. Minsan lumalabas kaming tatlo, minsan kami lang ni Jhet, minsan madalas sila lang ni Donald.

Kagabi, pumunta si Jhet sa bahay na may dalang vodka at mag-iinuman daw kami. Tumanggi ako, pinilit ako. Aba teka, iba ito.

Nagkwento ako, nagkwento si Jhet. Kinilig ako sa kwento. Sila na!

Kaya guys, may pag-asa. Alam nyo ba kung ilang taon niligawan ni Donald si Jhet? Isang dekada. Ten years!

Hearts10

Ang sarap siguro ng pakiramdam na makuha ang talagang pinaghirapan mo. Kaya Donald magpainom ka! Dapat may celebration! At alam kong pwede ko itong ikwento sa iba dahil.. Hello? Sinabi sa akin ni Jhet, ibig sabihin pwede kong i-broadcast.

Donald and Jhet, kampay para sa tagumpay!

Usapang Pagmamadre

Sa pamilya namin, lahat kami mahilig magbasa. Sa katunayan kapag pumasyal ka sa bahay namin may isang kuwarto ang tambakan namin ng mga libro bukod pa sa mga libro na nagkalat sa sala. Noong bata pa kami pinapasyal kami ni Mamita sa Provincial Library para ipakita kung papaano naka-arrange ang libro, mag-fill-up ng form para makahiram ng libro at syempre magbasa. Ang nakakatuwa, may iba’t ibang genre kaming nagustuhan:

Papito – Science fiction, crime, mystery. Tom Clancy types.
Mamita – Romance, drama, passion. Danielle Steel types.
Essy (kapatid kong babae) – Precious Romance :lol:
Emon (kapatid kong lalake) – Science books and magazine. National Geographic types.
Salbehe – Adventure, romance. Sidney Sheldon types.

Ang pinakapaborito ko sa koleksyon namin ay Then Came Heaven ni LaVyrle Spencer. Tungkol ito sa madreng na-inlove sa nabyudong lalake na may dalawang anak (Chessy much). Tatlong beses ko yatang nabasa ito at sa lahat ng pagkakataon yon, umiiyak ako (Madrama much). Tuwing matatapos kong basahin ang Then Came Heaven iniisip kong magmadre. Lalo na ngayon.

Then Came Heaven

Para kay Leya. Darang, pasensya ka na kung hindi ako nakapunta sa dinner mo. Maraming salamat sa pasalubong mong libro, kilala mo talaga ako. Alam mong kahit anong libro babasahin ko. Alam mo bang isang chapter dini-describe ang kissing scene (kissing scene pa lang!) duon. Syet. Nakalimutan ko na tuloy mag-madre.

*Reply sa blog na “Usapang Pagpapari” ni Otep.

1

Beauty and Madness

Makwento ko lang, nagpa-facial ako last December 2009. Taeness ang sakit!

Ganito, may 50% off last Christmas ang sikat na facial saloon malapit sa amin, at dahil trip naming magkapatid ang magpaganda sa Pasko, syempre sugod kami. Pagdating namin, blockbuster, wala na akong slot. Matyagang naghantay ang kapatid ko, ako umuwi na.

Pag-uwi ng kapatid ko, inusisa ko ang mukha nya, kuminis nga at medyo umaliwalas. Kaya nagpa-schedule na din ako. Winarningan nya din ako na medyo masakit dahil alam nyang mababa ang tolerance ko sa pain (literally and metaphorically speaking). Keber lang dahil gusto ko din magpaganda.

Simula pa lang nakakatakot na dahil nakahiga ako sa parang hinihigaan ko kapag nagpapadentista. Una, lotion sa mukha. Tapos, pinausukan. Tapos, nilagyan ng mud pack. Lotion uli, pinausukan uli. Tapos eto na! Tini-twizzer na ang mukha ko para maalis ang whiteheads at blackheads. Taenis talaga! Ang sakit! Naiisip ko na lang na beauty comes with price pain. Propesyunal ang mga taong kumakalikot sa mukha ko, wala akong dapat ikatakot.

Nasabi ko bang masakit? Kung redundant man ako dahil masakit talaga. Kaya yun hindi na virgin ang mukha ko, may nakadali na.

Anyway, no one dies a virgin because life fucks us all. – Kurt Cobain.

kurt-cobain-grey-collage