And Yet Another Valentines Post*

by salbehe on February 12, 2010

Last year ang unang taon kong walang ka-date ng balentayns. This year mukhang nasasanay na ako.

Syempre naiinggit pa din ako sa mga taong hindi single. Alam ko kasing may special someone sila para magbigay ng bulaklak at chocolate (kahit allergy ka), may pinagpaplanuhang manood ng sine, dinner, gala, motel o kung nagtitipid, sa damuhan. Bakit ba naman kasi sa araw na ito, mas nabibigyang pansin ang mga taong may capital S sa noo. Sabi nga ni papa karl:

Valentines Day = SAD: Single Awareness Day

Kaya ako, uuwi na lang sa probinsya, duon magpalipas ng Valentines para:

  1. Umiwas sa traffic.
  2. Matulog ng bonggang bonnga.
  3. Magmukmok ng mag-isa.

no_valentines

Bakit kasi hanggang 28 ang pebrero? Pwede namang 13 lang.

*Almost a repost from pitik-bulag sa buwan ng pebrero.

One comment

[...] darating na Valentines, hindi magpapaka-emoshit ang may-ari ng dotcom na ito. Bagkus, uulan dito ng mga puso at pagmamahal. Mangingibabaw ang huni [...]

by Tangled at Horoscope | A B N K K blog N P L A Ko?! v2.0 on February 10, 2011 at 12:34 pm. #