Balita Bukas, Ngayon ang Broadcast
by salbehe on February 15, 2010
Itago natin sila sa kanilang tunay na pangalan: Donald at Jhet. College pa lang magkakasama na kami sa gala, lamon, sine at “group study”. College pa lang nanliligaw na si Donald kay Jhet. College pa lang basted na si Donald.
Tanda ko kapag pinag-uusapan namin ang basted blues ni Donald (nakalimutan ko na kung ilang beses sya nabasted ni Jhet), lagi nyang joke ang:
Donald: Kapag nabaliktad ang mundo at si Jhet naman ang magkagusto sa akin, kahit dulo ng daliri ko hindi nya mahahawakan!
Syempre tawa lang ako. Har!
After college, si Donald nagkaroon ng MU, girlfriend, special friend at “friends”. Si Jhet, nag-Master, sumama sa mga gala ko, sa kalokohan ko, at naging kapitbahay ko. Lumalabas pa din kaming magkakaibigan, napagkukwentuhan ang buhay, nang-iisyu sa buhay ng iba. Minsan lumalabas kaming tatlo, minsan kami lang ni Jhet, minsan madalas sila lang ni Donald.
Kagabi, pumunta si Jhet sa bahay na may dalang vodka at mag-iinuman daw kami. Tumanggi ako, pinilit ako. Aba teka, iba ito.
Nagkwento ako, nagkwento si Jhet. Kinilig ako sa kwento. Sila na!
Kaya guys, may pag-asa. Alam nyo ba kung ilang taon niligawan ni Donald si Jhet? Isang dekada. Ten years!
Ang sarap siguro ng pakiramdam na makuha ang talagang pinaghirapan mo. Kaya Donald magpainom ka! Dapat may celebration! At alam kong pwede ko itong ikwento sa iba dahil.. Hello? Sinabi sa akin ni Jhet, ibig sabihin pwede kong i-broadcast.
Donald and Jhet, kampay para sa tagumpay!

