Domain Name Game

by salbehe on February 10, 2010

Eto talaga ang unang blog ko sa dot com ko. Char lang yung naunang post dito.

Lahat ng blogger pangarap magkaroon ng sariling dot com. Bago ko pa man pasukin ang blogsphere alam ko na ang magiging domain name ko. Yung tawag sa akin ng mga kaibigan ko kapag nagagalit na sila sa akin. Yung kilalang pangalan ng mga kakilala ko, pero hindi ako. Ano nga bang tawag dun? Oxymoron? Ewan.

Bakit nga ba Salbehe? Sa totoo lang nakakatamad ikuwento sa papaanong nakakatamad i-import ang mga luma kong blog galing sa http://salbehe.wordpress.com. Basta kapag may nagtatanong sa akin eto ang karaniwang banat ko: “Salbehe. Salbahe kasi ako.” Mabuti na yung sa simula pa lang hindi na ako nagpanggap na mabait.

Juliet:

“What’s in a name? That which we call a rose

By any other name would smell as sweet.”

Romeo and Juliet (II, ii, 1-2)

What’s in a domain name? Pinag-iisipan ng mabuti ang pag-reregister ng domain name, dahil ito ang pagkakakilanlan mo sa buong world wide web. Maaaring maka-apekto ang isang salita, numero, isang letra, tuldok o hypen. Katulad nito:

Khuracha.com - Nagtitinda ng sex toys.

Khuracha.com - Nagtitinda ng sex toys.

Kuhracha.com - Bumili ng sex toy.

Kuhracha.com - Bumili ng sex toy.

Pero si Kuhracha hindi bumili sa Khuracha, pumunta sya sa Metrowalk. I know Jisi, I’m bad.  ;)