Gay Bar Experience

by salbehe on March 15, 2010

Noong isang linggo despedida de soltera ng roommate ko since college. Sabihin na nating mas excited ako sa ebent na ito kesa sa kasal nya dahil si Bride-to-be mismo ang nagsabi na magpapasayaw sya ng lalaki. Alam nyo naman ako, marupok sa mga ganitong pagkakataon.

Venue: Gay bar sa Tomas Morato.

Realization 1. Mahal ang lalaki, mas mahal sa babae. Sabi ni Rem (hindi tunay na pangalan), noong nagahanap sila ng babae sa Bulacan yung P400 ay pwede ng mag-”all the way” ang babae. Imagine yung P400 each ay entance fee lang namin sa gay bar, inclusive of two San Mig Light. Imagine!

Realization 2. Madaling kumita ng pera. Mahirap palang kumita ng pera. Ewan. Hindi ako magba-blog tungkol sa moralidad.

Realization 3. Ang akala ko dati basta sumasayaw ng sexy, gumigiling. Iba’t-ibang klase pala ang paggiling. May gumigiling na malande, may sumasayaw na parang nasa banyo lang, merong konting kibot lang pawisan na. At tae lang talaga! May gumigiling na lalaking-lalaki ang dating, na may kasamang nakakatunaw na tingin, na parang gusto mo syang isilid sa bag at iuwi sa bahay. Whew.

Realization 4. Hindi lang Careless Whisper ang kantang pang-gay bar. Pwede din ang Angel, Mama, at ang paborito mong kanta. Actually hindi ko narinig ang Careless Whisper.

Realization 5. Mag-ingat sa mga lalaking macho, maputi, matangkad, gwapo at mukhang nag-gi-gym. Makikita silang nagsa-“sight seeing” sa gay bar. (Sabay kanta ng “Nanghihinayang, nanghihinyang ang puso ko…”)

Realization 6. Pwede palang mag-boots at pekpek short ang lalake.

Realization 7. Hihiramin ko ang sabi ni Kuhracha:

karamihan sa mga gwapo ay parang uod sa bayabas. ang kaswertehan nila sa taas eh, kamalasan nila sa baba. kaya ang anumang pagkukulang nila, sa performance binabawi.

Amen.

Realization 8. Dahil first time namin lahat sa gay bar sinamahan ako ni Bride-to-be mag-CR. Pagkatapos kong magwiwi sabi ni Bride-to-be, “Mag-c-cr din ako, pero sige mauna ka na, alam kong nag-e-enjoy ka”.

Iniwanan ko nga sya. Kaya ko palang mang-iwan ng kaibigan sa ere kapalit ang hubad na lalaki.

Realization 9. May time na nakat-shirt, pantalon, at matinong sapatos ang mga lalaki, parang nagmomodel lang at naglalakad sa rampa. Walanghiya, hindi ko sila nakilala, hindi ko mapinpoint yung paborito ko. Kapag makakasakay ko pala sila sa jeep, hind ko aakalain na magaling silang gumilinggiling. Pero si Rem (hindi tunay na pangalan) na laging nakatungo, nakilala nya ang pinagpi-pyestahan ko. Pasimple ka pa Rem (hindi tunay na pangalan).

gay bar

Ayaw nilang magpakilala. :cool: