Hermit Crab

by salbehe on March 12, 2010

I’m living in a building with very strict rule on tenants not to have pet. I couldn’t get dogs or cats, but I still wanted something with more life than fish. I considered having frog and tortoise, but it’s too pricey, hard to find at mahirap daw alagaan. I’m not having snakes, cockroach, iguana, lizards, bugs, spiders, thank you very much. I have nothing against to those who do have them, but I prefer easy to handle pets which I will not cringe every time I touch them. So after lots of internet reading, I decided that hermit crab is the one for me.

Tae naman! Sinubukan ko lang pong mag-English, nosebleed talaga. Baka magka-anemic na ako kaya itutuloy ko na ang pagtatagalog.

Kung aquarium ang tawag sa bahay ng isda, crabitat naman sa hermits. Eto ang lungga ng mga alaga ko.

Picture 319

Parang basurahan lang.  :lol:

Gusto ko sanang picturan lahat ng hermits ko, pero tinamad na akong habulin sila kaya i-describe ko na lang.

Barney. Ang pinakamalaki sa lahat, binubully nya ang mas maliliit sa kanya. So highschool. Color purple ang exoskeleton nya. (Wtf! Anong exoskeleton? Relax. Gamitin ang Google.) Natutulog sya during pictorials. Ayaw kong bulabugin.

Rubi. Kulay pula ang bahay nya. Ang bahay ng hermit crab ay yung shell na lagi nyang dala.

Picture 317

Hector. Pakner ni Rubi. Pareho silang orangey ang skin/exoskeleton.

Bora. From the word voracious na ibig sabihin ay matakaw. Balak ko itawag dito Baboy, buti na lang nag-suggest si Taribong ng sosing pangalan.

Picture 322

Gusgus. Mukha syang gusgusin. Pagkabili ko sa kanya maganda ang shell nya, pero pinalitan nya agad ng napakapanget na shell na nakakalat lang sa crabitat nila. Mahilig din sya magbunggal sa buhangin at magkalat. Anu ba yan. Nasa ilalim sya ng buhangin during pictorial, ayaw ko magbungkal.

Madam Auring. Pinakamalandi sa lahat. Palipatlipat ng bahay. Di mapakali sa iisang shell, gusto lahat ng shell mapasukan nya. White ngayon ang napili nyang bahay at type nya ngayon si Bora.

Picture 325

Hindi ko talaga alam kung lalake o babae sila basta yan na pangalan nila, walang basagan ng trip.

Roi, kelan mo dadalawin ang hermits ko? Di ba pasasalubungan mo sila? Nangako ka. Kumakain sila ng kahit anong fruits and vegetables, at umiinom ng The Bar. :roll: