Oscar Who?
by salbehe on March 10, 2010
Dear Salbehe,
Napanood mo ba ang 82nd Academy Awards noong Lunes? Ako hindi. Bukod sa wala akong napanood na kahit anong movie nominees, busy ako.
Dahil hindi nga ako interesado sa mga pelikula at artista, mas binigyang kong pokus si Oscar.
The golden guy known to the world as the Oscar, the real star of Sunday’s Academy Awards, has become a Hollywood icon over the past 82 years, but the origin of his name has been lost in time.
Kung babasahin mo ang article sa Inquirer, hindi nila mahagilap kung sino si Oscar kaya hindi na ako nagbalak pang magresearch. Biruin mo naman, lahat ng artista gusto syang makuha pero walang nakakakilala sa kanya. Astig.
Oscar is my type of guy. Misteryoso, sikat, agaw atensyon, matipuno, kalbo. Ginto pa ang buong katawan, aba mayaman.
Pero pinapaubaya ko na sya kay Rubi, dahil oo na Rubi! Walang kokontra, ikaw na ang bida.
Lubos na Nagmamahal,
Maribel

