Kokomo

30 Apr 2010

Bodies in the sand, tropical drink melting in your hand
We’ll be falling in love to the rhythm of a steel drumband
Down in Kokomo

Afternoon delight, cocktails and moonlit nights
That dreamy look in your eye, give me a tropical contact high
Way down in Kokomo

Alam nyo yang kantang Kokomo ng The Beach Boys?

Kung nakasama na kita sa videoke galore, sigurado alam mo na ang kantang Kokomo. Sigurado. Dahil Kokomo ang kantang una kong hahanapin ang number kapag nahawakan ko na ang music sheet. Minsan may magpa-punch na lang ng number ng Kokomo at tatayo na lang ako, hahawakan na ang mic. National anthem talaga ang dating, ganun sya kapopular… sa akin.

Beach, sand, bodies, afternoon delight, cocktails and moonlit nights. Romantic. My dream summer vacation.

Kapag may magtatanong kung saan ko gustong magbakasyon, ang barubal kong sagot ay Kokomo. Barubal kasi hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ang Kokomo, basta alam ko isa itong magandang beach paradise. Dahil sa summer lovin’ blogging contest sa Monz Avenue, naisip ko na seryosohin na ang sagot kong Kokomo at hanapin na ito sa mapa.

The name “Kokomo” in the song is imaginary, and does not refer to the city in Indiana. – Wikipedia

Tae. Tae. Tae!

Walang totoong lugar na Kokomo? Pano na ang dream summer vacation ko?

Bakit kung kailan ako nagseseryoso tsaka ako winawalanghiya ng tadhana?

Dahil nasimulan ko na ang blog na ito, pangangatawanan ko na. Kung imaginary place lang pala ang Kokomo (grabe hindi pa din ako makapaniwalang walang Kokomo!), pwede akong mag-imbento ng kahit anong lugar at tawagin itong Kokomo basta may kasama, nasa beach, may kulitan, kantahan at inuman. Pwedeng sa Bolinao, Caramoan, Anilao, Laiya, Calaguas, Anawangin, Cebu o Guimaras.

At dahil naalala ko ang bodies in the sand, tropical drink melting in your hand (read: lampungan inuman sa buhangin), eksayted na ako sa susunod kong Kokomo bukas: Nagsasa Island Cove, Zambales.

nagsasa3

nagsasa sunset

Kahit saan pa yan ay magiging dream summer vacation (ergo Kokomo) basta masarap ang kasama. Ibig kong sabihin masarap kasama ang mga kasama.

See you later guys. I’m packed and I’m ready to go!

____________________________________________________________________

This blogpost is my entry to Monzavenue’s Summer Lovin Blogging Contest.

Sponsors:

I Am Gab
Mon de Nero
Dan The Gardener
Kelvinonian
Blasting Mind
Ark Hilario
Facebook Tags

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Bilang Assistant Scientist sa IRRI (International Rice Research Institute), dumadayo pa si Essy sa Taiwan para mag-ani ng palay. Ganyan ka-sosyal ang trabaho ng isang glorified magsasaka. Essy, bida ka na naman.  :love:

Kahapon nagpadala Si Essy ng picture kuha sa Taiwan dahil sa tingin nya ay kikiligin ako at baka trip kong i-blog. Pero sa tingin ko mas may ilulugar ang pic sa blog ng mga Tunay Na Lalake. Sa palagay ko lang naman.

Pantalon ng mga Tunay Na Lalake

Sa palagay din ng TNL.

Ang brand ng pantalon ay Pants Kingdom. Go figure.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: