El Nino

On April 8, 2010 by salbehe

Alam nyo ba ang epekto sa akin ng El Nino? Isang beses na lang sa isang linggo na-la-late ang inyong abang lingkod. Ume-effort talaga akong gumising ng maaga dahil ayaw kong abutin ng mataas na sikat ng araw sa daan at masira ang maganda kong kutis. Elai, eto na yata ang sinesermon mong disiplina lang sa sarili ang paggising ng maaga, sana masaya ka sa rebelasyon kong ito.

Dahil nakakapasok ako sa tamang oras, nakakauwi din ako ng maaga kaya naabutan ko ang TV Patrol, Agua Bendita, Kim-Gerald, Derek-Juday, at Rubi. Sabi sa TV Patrol kagabi, madaming health problem ang nakukuha sa matinding init. Kaya eto daw ang dalawang paraan para makaiwas sa heat stroke.

Laging magdala ng tubig

Bago pa nauso ang El Nino may dala na lagi akong tumbler dahil:

  1. Nasasayangan akong bumili ng tig-20 bottled water kapag inaabutan ng uhaw sa byahe samantalang may libreng tubig naman sa opisina.
  2. Nakakapag-uwi ako ng iced tea/juice/buko juice kapag unlimited ang supply sa kasal, binyag, party, resto.
  3. Gusto ko lang din laging dinadala ang tumbler na bigay sa akin ng nanay ko. Tamang haba, laki, tambok, kapal at makinisss. It reminds me of T.

Tumbler

T as in thermos. Yun bang pinagkukunan ng mainit kapag gusto mo ng pampainit. Lol.

Magsuot ng manipis na damit para maging komportable

Syempre. Self explanatory naman ito. Pero dito kumulot ang utak ko. Kaya naman naghanap ako sa Google ng pwedeng isuot ngayong tag-init. Eto ang summer collection na pwede nyong pagpiyestahan pagpilian.

Disklaymer: Hindi sa akin ang mga pictures na ito, ninakaw ko lang. Sue me.

[nggallery id=1]

O pwede din walang damit. Pero wala kayong makikitang ganyan dito dahil hulsam ang site na ito. Har!

Haaay. Ang init talaga ngayong tag-init.

UPDATE: May blogger kayong kilala sa itaas. Very innovative ang outfit. :grin:

Comments are closed.