Hibang
Hindi ako naniniwala sa konsepto ng panliligaw, para sa akin isa lang itong malaking kaplastikan. Kapag nanliligaw kasi ang mga lalaki they are putting their best foot forward. Ang ipapakita ay ang kanilang magagandang katangian, itinatago ang bawas pogi points.
Lahat ng relasyon ko (parang ang dami haha) hindi dumaan sa panliligaw. Kung gusto mo ako at gusto din kita, tayo na. Sayang ang load ko kung magpapakipot pa o patweetams pa. Kung ayaw ko naman sa iyo, move on, manalig kang walang mangyayari. Kung ayaw mo sa akin, ang kapal ng mukha mo.
Twice, sinubukan kong manligaw. Pareho akong basted. Hindi sila sumipot sa mga inayos kong lakad na bonggang bongga kong pinaghandaan. Kesyo manganganak ang kapatid nya (Tae mo, lalaki ang kapatid mo!). Kesyo lasing sya (Alas tres ng hapon nag-inom ka? Magka-heatstroke ka sana!). Ganun pala ang pakiramdam ng basted. Parang ang sama ng tadhana sa akin. Parang mas mababa pa ako sa fungi.
Sinasabi ko lagi na mag-effort naman ang mga babae kung gusto mo talagang makahanap ng boyfriend. Hindi yung ipag-pray mo o ipapaubaya mo na lang sa destiny. PERO ano pa bang effort ang gagawin ko, ako na ang nanliligaw? At take note, hindi ako naniniwala sa konsepto ng panliligaw. Hibang.
![]()
![]()
Machete at Darth Vader, ayheychu.
* Para sa 5 anniversary ng blog ni bernard umali.

