Hindi lang kay Essy umiikot ang mundo blog ko at hindi titigil ito kahit mawala pa sya. May isa pa akong kapatid na pwedeng okrayin, si Emon.

Si Emon ang bunso naming kapatid na lalake. Hindi ko alam kung papaanong pagpapalaki ang ginawa ng magulang ko sa kanya kasi isa syang huwaran anak. Mahirap okrayin si Emon lalo na kung may isa ka pang kapatid na balahura si Essy.

Mabait na Anak

Hindi pumapalyang umuwi bago ang curfew. Sumusunod sa mga batas na pinatutupad sa bahay. Nagpapa-alam kapag may lakad o late uuwi. Hindi tumatakas ng panonood ng tv kapag weekdays. Sumasama sa Kingdom Hall (Jehovah’s Witness ang nanay ko, Kingdom Hall ang tawag sa simbahan nila) kapag Lingggo. Ano pa ba? Basta lahat ng kalokohan ko nung estudyante, hindi nya ginawa.

Cool na Kapatid

Dahil mabait si Emon, sinasamantala ko ito. Kapag nanonood kami ng TV at nauuhaw ako, sasabihin ko lang, Emon ikuha mo naman ako ng tubig. Walang reklamong ikukuha ako ni Emon ng tubig. Kapag gusto ko naman ng juice, Emon, ipagtimpla mo naman ako ng juice. Minsan aangal si Emon, sasabihin nya, Bakit hindi ikaw ang magtimpla? Sasagot lang ako ng, Kasi mas masarap kang magtimpla ng juice kesa sa akin. Yan ang magic words, tatayo na si Emon at magtitimpla. Ganyan sya ka-uto-uto kabait na kapatid na kung kay Essy ko siguro pinagawa yan baka nahampas na ako ng tv.

First name basis kami, hindi nya ako tinatawag na "Ate". Ang cool di ba?

emonKuha ito noong bagyong Frank. Bored at walang magawa, pinaglaruan namin ang camera.

Matipid

Nung estudyante pa ako hindi ako nakaipon kahit singkong duling. Si Emon, fourth year college pa lang sa darating na pasukan mas malaki na ang pera sa bangko kesa sa akin. Wala naman talaga akong ipon kaya alam kong mas malaki ang pera sa akin ni Emon. Nakumpirma ko ito dahil may ganitong eksena sa bahay:

Mamita: Wala pa tayong pambayad sa telepono at meralco.
Papito: Mangutang ka muna kay Emon, sabihin mo babayaran natin sa katapusan.

Ganyan kamiserable ang buhay pinansyal ko, mas nakakautang pa ang magulang ko kay Emon.

Masipag

Ganito ang gawain namin sa bahay. Si Essy ang magluluto, ako ang maghuhugas ng plato. Si Emon ang magliligpit ng pinagkainan, magwawalis, maglilinis ng kalan at lababo, mag-aayos ng mga hinugasan kong plato (assistant ko), magpapakain ng pusa at aso, magtatapon ng basura, etc. etc.

MagalingKuha sa apartment ni Emon sa Elbi, tipikal na inuman session. Magaling! Si Emon ang nasa gitna.

Matalino

Imbes na suportahan namin si Emon sa UPCAT, pine-presure namin sya. Sabi namin ni Essy dapat makapasa sya sa UPCAT dahil nakapasa kaming dalawa. Halos araw-araw ito o tuwing makikita namin na nag-rereview si Emon. Oh well, nakapasa nga si Emon at nakuha pa nya ang first choice nya.

Di hamak na mas magaling din syang mag-English.

Nung dumalaw ako sa Elbi, nabalitaan ko na cum laude stading si Emon. Ibig sabihin kung ga-graduate sya ngayon ay with honnors syang magma-martsa. Biglang nagunaw ang mundo ko, nasabi ko kay Yong, Paano na ako Yong? Si Essy, Scientist! Si Emon mukhang magiging cum laude pa. Ano na lang ako?

Ang sagot ni Yong, Blogger ka Salbehe, blogger.

At yan ang mabigat na dahilan kung bakit ko napagpasyahan na okrayin si Emon sa susunod kong post. Kahit anong achievements ng mga kapatid ko ay kaya ko silang gawing tae sa blog ko. Bwahahahaha! [insert maligalig na tawa here]

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Na-realize ko na sa dalawang kategorya ko na mai-gu-grupo ang mga kaibigan ko.

Online. Mga chatters na na-meet ko noong buhay na buhay pa ang Laguna Room sa YM Chat. Plurkers na hindi ko kilala pero nag-eenjoy akong basahin at magkoment sa Plurk nila. At syempre ang mga bloggers na sobrang na-a-appreciate ko ang eport na pumunta sa nakahiwalay pang koment page para mag-iwan ng shit. Pasensya at maraming salamat.

Sa lahat ng online friends ko dominante ang mga blogger na umuubos ng halos lahat kalahati ng oras ko online. Hindi ako madalas mag-iwan ng koment sa blog nila pero laging may paraan para makapang-istorbo ako. Sa tingin ko nga mas madalas ko silang makausap sa MSN/YM, email exchanges na parang chat, plurk, twitter, FB kesa sa blog nila mismo.

Offline. Mga classmate ko noong elementary, high school at college. Blocmates. Orgmates sa UPLB Stats. Mga dating ka-opisina. Kapitbahays. Panickers. Travel buddies. Friend ng friend kaya naging friend ko na din. Ang dami nila. Sa dami nila yung ilan hindi ko na nakikita. And I miss them all.

Kapag may nag-imbita sa akin at wala akong ibang lakad, walang patumpik tumpik pang sasama ako. Kaya kapag walang makasama magsine o gustong gumimik nasa priority list nilang imbitahan si Salbehe. Hindi ako nagrereklamo, masaya naman kasi.

Ang punto talaga ng blogpost na ito ay kung anong kabugakan ang ipinagkakalat ko sa internet ay wala halos pinagkaiba sa offline life ko.

Recent Picture with my offline friends 2 Brother, Salbehe and Macel. Anyare?

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: