Don’t Judge the Book by its Movie

by salbehe on May 24, 2010

May mga pagkakataon na gusto natin subukan ang mga bagay na hindi natin alam. Natatakot tayong sumuong sa mga hindi pa natin nalalaman, pero ang hindi natin alam mas makakakuha pala tayo ng kaligayahan sa mga hindi natin alam.

Katulad ng Twilight Saga Series.

Tatlong taon ko ng naririnig sa chismisan ang librong kinabaliwan ng mga bagets. May mga nagsabing maganda daw basahin, maraming nagsabing basura lang ang libro at sinayang ko ang pera ko. Paano ko ma-ja-judge ang book kung titingnan ko lang ang cover? Syempre kailangan ko din basahin. Ewan ko lang dun sa ibang nagsabi na panget ang libro samantalang hindi pa naman nila nabasa.

Book 1, Twilight. Kilig. Kahit sinulat ang libro para sa mga teenager kinilig pa din ako.

Book 2, New Moon. Madrama at boring. Kung hindi siguro yung buong saga series ang binili ko baka hindi ko na ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Book 3, Eclipse. Ma-aksyon. Sa kama at sa gyera. Buti na lang pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Book 4, Breaking Dawn. Puro porma. Yabangan ng powers, wala naman laban na nangyari.

Di hamak na mas magandang basahin ang Twilight series kesa panoorin.

Nagustuhan ko din ang movie adaptation ng libro, dahil sa totoo nung nanood ako ng New Moon para akong nanood ng porn. Katawaaan.

new_moon_wolves

new-moon-wolves_l

Bite me. Rawr.