Liar Liar

by salbehe on May 19, 2010

Alam ko sinungaling ako pero hindi tungkol dyan ang blogpost na ito. Tungkol ito kay Brother. Hindi ko kapatid si Brother, hindi din sya kaanib sa religion na may tawagang “Brother”, hindi din sya lalake, bakla o tomboy. Babaeng-babae sya.

Noong nakaraang buwan (lumang kwento na naman ito), sumama ako kina Hya, Jape at Cielo para manood ng gig ni Brother sa Kwago’s Grill, Madison Pioneer.

Liar Liar Band

Yan ang pinakamatinong picture nila. Si Brother yung nasa pinakakanan, naka-white.

Natutuwa ako kay Brother, dahil sa dami ng career na gusto nyang pasukan naisakatuparan nya ang pagiging musikero. Sabi ko nga sa kanya, nakatulong ang paglipat nya ng kumpanya dahil nakahanap sya ng makakasama sa banda. Sana makahanap na din sya ng lalaking lalandiin sya. Hihihi.

Dahil nagsisimula pa lang ang kanilang bandang Liar Liar, hindi pa sila magaling. Sa katunayan, nung nag-se-setup sila parang nalo-lost si Brother, parang hindi nya alam ang ginagawa nya. Pero nung nagsimula na, ayun naman pala, may ibubuga din pala. Sa lahat ng nakita kong nag-perform nung gabing yun, sila ang paborito ko, dahil bukod sa syempre member ng Liar Liar si Brother, alam ko ang apat na kinanta nila. Lalo na ito:

If it makes you happy
It can’t be that bad
If it makes you happy
Then why the hell are you so sad

“If It Makes You Happy” by Sheryl Crow

Sapol. Wala. Lang. Can. Relate. Much.

Dahil unang set ang Liar Liar, ano pa bang gagawin namin pagkatapos? Buti na lang may nagtext kay Cielo. Si Mae! Nagyaya mag-gaybar. Kaya binilisan namin ang pag-inom sa natira pang beer (sayang naman), pumara ng taxi at nag.. nag-birdwatching. Siguro mag-aala-una na ng hatinggabi ito, lakas ng trip.

Venue: Gay bar sa Pasay. Mas madumi kesa sa Tomas Morato, pero P150 lang ang entrance fee!

Hindi namin kasama si Hya at Brother na medyo may pilit factor pa bago sumama. Nagpapa-virgin, samantalang mas bastos pa ang utak nila kesa sa akin.

Hindi kami tumitili tuwing nakakakita ng nakabandanang lalake dahil alam naming huhubarin din lang nila ang bandana. Alam mo yung tili ng mga babae kapag nakikita nila si Robert Pattinson aka Edward Cullen? Ganong tili.

Hindi kami nakakita ng mga birds with different shape, size and color. :love:

Hindi namin gustong palakpakan ang mga lalaking nagbigay ng magandang performance. Yung may standing ovation.

Hindi kami muntik ng mag-table ng lalake. Kulang lang ng bente ang pera namin. Tsk.

Hindi kami nag-enjoy.

Liar Liar.

[Note: Noong unang pagpunta ko sa gaybar, pinagyabang ko. Etong pangalawa, ang tagal ko bago naiblog dahil nakakahiya na. Para kasing nagiging hobby ko na ang birdwatching. Sa dami ng kaibigan kong malilibog curious alam kong hindi din ito ang huling pagpunta ko sa gaybar. Willing naman akong samahan sila bakit ba. If it makes me happy, it can't be that bad. Ewan ko na nga lang kung ikukwento ko pa dito. :) ]