Panickers 1st Anniversary sa Nagsasa Island Cove

by salbehe on May 4, 2010

Nagsimula ang grupong Panickers nung na-istranded kami ng tatlong araw sa Caramon dahil sa bagyong Dante. Ano pa ba ang gagawin namin nun kundi magbonding ng bonggang bongga. Yung tipong pagkagising sa umaga, inom. Bago matulog, inom. Pinalaki kami sa alak kaya strong ang aming bones.

Dahil gusto uli namin mag-panic ng kung ano-anong ka-echosan, ipinagpatuloy namin ang ka-panickan sa Zambales. May mga lumang mukha, bagong recruit at may absent, pero the same old shit panics.

Papunta pa lang ng Nagsasa, nagpapanic na ang nakasakay sa bangkang ito:

Panic at the Banka

Hindi pa kami ready mabasa pero ano pa bang magagawa, eto na ang alon. Tumigil pa kami sa gitna ng dagat dahil pinasok ang bangka ng gatuhod na tubig. Sabi ni Manong Bangkero: “Steady lang, huwag gumalaw masyado. Don’t panic.” Alam kong seryoso ang bangkero namin dahil tae lang, napa-English si Manong. Lols. Ako yung napa-English. Yep, ako yung kumakaway. Turistah!

Pagdating sa Nagsasa Island Cove, pagnanasaan mo talaga ang lugar. Minsan nabibigla ako na meron palang ganitong lugar sa Pilipinas.

Nagsasa Island Cove

Hindi ako talentadong kumuha ng picture. Kuha yan ng photographer na kasama namin, si Dino. Nandito pa ang mga winning shots nya.

Pagkatapos mabusog at magpahinga, nagsimula na ang basagan trip. Ala una ng hapon, katirikan ng sikat ng araw, may umiikot na na alak. Paano ba naman kami makakatanggi? Malamig ang Red Horse.

afternoon delights 2

Alas kwatro na ng lumusong kami sa dagat. Sandamakmak na photo ops, underwater shots at paranoia sa mga dicks (dikya).

Dicks (Dikya) 2

Pagkakain ng dinner at magpahinga, basagan trip uli. Kailangan pa bang i-memorize yan?

Nagkaroon kami ng Marshmallow Game. Madali lang ang mechanics, unahan kainin ang marsmallow na nakasabit sa pakner. Nakakatuwang isipin kung paano ibuwis ang dangal sa premyong P500. Lols.

Marshmallow Game 1

Pagkatapos ng basagan trip, edi basag. May mga maharlikang natulog sa tent. May nagpapanggap na tulog sa bangko at nakasagap ng sundutan (Ahya).

Cielo: Parang gusto kong sumuka? Na hindi naman ako nasusuka.
Oka: Sundutin mo kaya.
Cielo: Ayaw pa din eh.. Anu bang advice mo?
Oka: Gusto mo ako SUSUNDOT?

Lols. Yan ang pinakapanalong dialogue. Pang-Oscar.

May nakatulog sa buhangin at hinila sa cottage para hindi abutin ng high tide (Ronel).

Bodies in the Sand 5

May nakatulog sa labas ng tent.

Bodies in the Sand 4

Borlags 2

May nakatulog sa nilatag na jacket.

Borlags

Tatak Panickers ang matulog kung saan abutin ng antok.

More picture? Sure.

[nggallery id=2]