Sorry Seems To Be The Easiest Word
by salbehe on May 17, 2010
Sorry, ini-istok uli kita. Nalaman ko tuloy na nakikipagtaasan ka na naman ng ihi. Wag kang mag-alala hindi ko babasagin ang trip nyo. (Secret)
Sorry, puro ako drama nitong nakaraang araw. Siguro ayaw mo na ako kausap. (Plurk)
Sorry, pinagluto ka namin ng mga paborito mong pagkain samantalang alam naman namin na hind ka makakain. Nang-asar lang talaga kami. Kung sa akin nangyari yan alam kong ganun din ang gagawin mo. (Essy)
Sorry, dahil sa akin nagkaroon ka ng inspirasyon para magpakagago. Alam ko dapat ma-guilty ako, but I can’t help but be happy for your best kagaguhan ever. (Secret)
Sorry kung dinededma kita kahit ilang beses kang nag-message sa FB. Sorry din kung hindi ako naniniwala sa iyo. Wow I’m strong. (M)
Sorry, hindi kita maasikaso. (Hoshi)
Sorry, nakalimutan kong magpadala sa iyo ng pera noong nakaraang buwan. Ang galing mong mag-guilt trip, parang napakawala kong kwentang kapatid samantalang isang beses lang ako pumalya. May araw ka din sa akin. (Emon)
Sorry, abnoy ako. Pero gagawin ko pa din ang trip kong gawin. (Vajee)
Sorry, kung napa-hibernate ako. May inalagaan ako. (All)
Sorry na talaga kung ako’y medyo tanga. Hindi ako naiinis, nauunahan ng galit. (Parokya ni Edgar)
Sorry, alam kong nakukulitan ka na sa akin dahil nagtetext ako kahit dis oras ng gabi. (Secret)
Sorry, hindi pa din tayo magkaibigan uli. (Rhett)
Sorry, hindi na ako tatanggap ng application para sa free web hosting maliban na lang kung ang pangalan mo ay Jason Hamster. May mga restrictions pala ang unlimited web hosting na nakuha ko. Lesson learned, lahat may limit kahit sinabing unlimited. (All)
Sorry, naglaway na naman ako sa iyo. (Secret)
Sorry, medyo naiirita na ako sa iyo. Lagi mo kasi akong pinapaalalahanan na magbasa ng blogs mo samantalang hindi ko naman talaga nakakalimutang dumalaw sa bahay mo. Hindi lang ako makoment na tao, yun lang yun. Pero teka, nagkokoment na pala ako, siguro ayaw ko lang magkoment sa blog mo. Medyo nakakairita ka kasi. Ayan ang kulit ko na. (Secret)
Sorry, nagugustuhan na kita. I never see this coming. (Twilight Saga Series)
Sorry, hindi ako nakapunta sa apartment nyo para dalawin ang kyut mong pamangkin. Sana hindi pa huli ang lahat sa May 28(?). (Elai)
Sorry, nami-miss na kita. (Secret)
![]()

