Palipad Hangin

28 Jun 2010

Noong Biyernes umuwi ako sa Laguna dahil na-mi-miss na ako ni Mamita. Isa pang dahilan kaya eksayted akong umuwi ay dahil makikichismis ako sa 43 years old kong tita na ikinasal noong nakaraang Lunes. At hindi lang yan ang shocker. Kapitbahay lang ng tita ko ang napakasalan nya. All those years they are just three houses apart. Pambihira.

Habang kumakain ng tanghalian (Sabado), nagparinig na (naman) si Mamita, sabi nya, Nag-di-diet ako anak. Ayaw ko pang magkasakit kasi wala pang ikinakasal sa mga anak ko. Napalunok ako. Panganay kasi ako at alam kong sa akin sya nagpapalipad hangin. Kaya naman naglambing na lang ako, sabi ko, Mamita naman. Kumain ka, ang sarap pa man din ng luto mong laing at isda. Baka mamayat ka at lalong magkasakit.

Kailangang kong mambola. Sa totoo lang, walang lasa magluto ang nanay ko at ayon sa huling annual check-up nya ay overweight sya. Dahil nagdadrama si Mamita kailangan kong ding magpaka-goody kaya ako ang nagprisintang maghugas ng plato. Dun ako sa labas ng kusina naghuhugas kaya madali kong nakita na may kumakatok. Nagtatanong tungkol sa lote, hindi ko masyadong naintindihan kaya sinigawan ko si Mamita. Mamita may naghahanap sa inyooooo.

Kahit maliit lang ang bahay namin sigawan ang normal na usapan sa bahay.

Pinapasok ni Mamita sa terrace ang nagtatanong at hinunta ng husto. Dahil malapit lang sa pinaghuhugasan ko ng plato ang terrace ay naririnig ko ang usapan nila.

Lalake: Ahente po ako from Maybank, hinahanap ko po ang Lot 10.
Mamita: Itong lote namin ay Lot 12 sa kabilang lote ang Lot 10. Kumain ka na ba iho?
Lalake: Kumain na po ako, maraming salamat po. Madami pa akong lot na kailangang makita.
Mamita: May mapa ako ng subdivision namin, gusto mo? Hahanapin ko lang.
Lalake: Sige po Maam, malaking tulong po ito.
Mamita: Gusto mo muna ng maiinom?
Lalake: Naku huwag na po.

Pagpasok ni Mamita sa bahay sinigawan nya ako, Anak kausapin mo nga muna ang bisita habang may hinahanap ako.

Sumigaw din ako, Ayaw ko nga, naghuhugas ako ng platooooo.

Pagkabigay ng mapa, umalis na ang ahente. Lumapit sa akin si Mamita, Sayang naman anak bakit hindi mo kinausap? Wala pang singsing yung ahente.

Ang hina pala ng diskarte ko, baka abutin din ako ng 43 years. Pambihira.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Tarotan

24 Jun 2010

Last weekend, lumuwas ang kapatid ko para sa birthday bash ng pinsan namin at para bumili ng regalo sa boss nya. Ang boss ni Essy ay British rich snob kaya laging problema ang ireregalo sa kanya. Essy’s dilemma: What will you give to someone who already has everything?

Ang suggestion ko ay pumunta kami sa Trinoma kung saan may shop na may stuffs na hindi mo naman kailangan pero gusto mong magkaroon ka. Halimbawa ay ang alarm clock na may gulong na kapag nag-alarm ay gumugulong/tumatakbo, kailangan mong habulin para ma-i-off ang alarm. Kapag hindi ka pa magising nyan hindi ko na alam. Homer Simpson USB hub na tumatae ng cord. Goggles na may built-in underwater camera.

Paglabas namin sa lintek na shop na yun ay ako ang may nabili. Favole Tarot Deck by Victoria Frances. Hindi ko pinangarap na maging manghuhula, bukod sa kawalang pagkakaabalan ay nagandahan din talaga ako sa kakaibang klaseng tarot deck na ito. Even (#6) Death looks awesome, parang namatay sa sarap. Lol.

Favole Tarot

Pag-uwi ko sa bahay nagpatulong agad ako kay Google kung pano gamitin ang nabili kong tarot. Ganito ako ka-impulsive, bumili pala ako ng Favole Tarot na pang-collectors item lang at hindi advisable gamitin sa hula. Teka, ang sabi ay hindi advisable pero hindi imposible. Dahil adik akong tunay ay ginawan ko ng paraan. Nakahap ako ng website kung saan naikonek ang tradisyunal na simbolo ng tarot sa bagong version ni Victoria Frances. Bumili din ako ng libro. Adik nga.

Kagabi, sinubukan namin nila Cielo at Roi magtarotan. Swak na swak ang hula kay Cielo, tae ang hula ko kay Roi. As in bullshit ang hula ko kay Roi. Ang masasabi ko lang, ang tarot ay parang joke – ito ay half-meant. Lalo na kapag si Salbehe ang nanghuhula.

Katarantaduhan. Kalokohan. Walang masama dahil masaya. Ang ganda talaga ng bago kong hobby, tarotan.

BUKAS ANG KOMENT. I guess you never see that coming. ;)

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: