Tuesday 15th June 2010

by salbehe

Matinding init sa tag-ulan. Bagyo sa tag-araw. Nagbabago na talaga ang mundong dati kong nakilala.

What’s wrong with world?

1. Totoo ang Apple ni Mario. Tae lang! Pati si Mario na balahura, siraulo at walang kwenta ay nakahanap na ng girlfriend. Shit lang talaga, si Mario na inaakala naming bakla (pasensya na Mario) dahil sya ang pinaka-vain sa pictures, concious sa kanyang diet, laging nag-gi-gym, unang nakakapansin kapag nagpagupit ako (hindi madaling mahalata na bagong gupit ako) at feeling ko ay naiinggit sa blush on ko. To make things worst, maganda ang babaeng nabingwit ni Mario. Leche ka Mario, ang haba siguro ng hair mo. Lol.

 Mario and Apple

2. Break na sila. Hindi ko na muna lalagyan ng pangalan dahil hanggang ngayon ay praning pinoprotektahan pa din nila ang isa’t-isa.

3. Nag-resign na si D. Hindi ako makapaniwala dahil si D ang tumatayong poste sa departamento sa dati kong kumpanya. Mawala na kaming lahat huwag lang sya. Nagresign na nga kaming lahat pero nanatili sya. Hindi ko tuloy maisip kung anong matinding dahilan nya at kung anong mangyayari sa dati kong kumpanya kapag wala sya. Malamang pupulutin na sa kangkungan.

4. I’m in a relationship. I’m immersed with my work right now that blogging seems just a fragment of my imagination. I love my job. Yada yada yada. Sa madaling salita ay may project ako ngayon at dalawang linggong magiging busy. Isinisingit ko na lang ang pagbabloghop hindi katulad noong nakaraan. Na-realize ko din na mas masaya ako ngayon dahil may silbi na ako sa opisina. Yehey.

5. Ang pinakamatinding chismis, nag-aaral na uli si Cielo, post BACC. Si Cielo na nagmulat sa akin ng single blessedness. Si Cielo na lagi akong hinahatak sa gaybar. Si Cielo na nagturo sa aking manlandi ay may pinagkakaabalahan na. At hindi panglalake. Hula ko kaya ka nag-aaral uli para maghanap ng bagong lalaking lalandiin, mautak ka talaga. Pinakamalaking desisyon daw na ginawa nya sa tanang buhay nya ay magseryoso na. Hindi ko alam kung good or bad ito Cielo, I will pray for you.

Lahat yan ay sinisisi ko sa climate change.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: