From: "salbehe@my.company.com" <salbehe@my.company.com>
Sent: Thu, June 17, 2010 9:32:14 AM
Subject: Email Blog: Out of Reach
Dear Friends,
Punyeta wala na naman kaming internet sa opisina!
Good morning pala muna.
Dalawang araw ng walang internet dito sa opis kaya kung may bago kayong blog post, chismis, balita o bagong isyu sa buhay mo na gusto mong okrayin ko, hindi ko yun alam. Kapag tumagal pa ang kabugukan na ito magre-resign na ako. Wala na akong internet life bukod sa prepaid broadband ko sa bahay na mabagal pa sa traffic kanina sa Edsa. Ang dami ko pa man din kwento. Hindi ko alam kung ibablog ko ang mga kwentong ito kaya kapag nabasa nyo uli ito sa site ko pasensya na. Sa ngayon gusto ko lang magsalitayp dahil natapos ko na ang lahat ng pwede kong gawin.
Pumasyal ako sa Elbi last weekend. Bukod sa pinagpyestahan namin ang malibog.tv, napag-usapan ang high school. Hindi kami magkakaklase noong high school pero halos lahat kami ay parepareho ng experience dahil sa public school lahat kami grumaduweyt. Tanda nyo kung anong nilagay nyo sa "Ambition" na nilalagay sa yearbook? Ako, gusto ko noon maging System Analyst. Ngayon ko lang na-realize na halfway na ako sa pagiging System Analyst dahil Data Analyst ang position ko, yung System na lang ang kailangan kong trabahuhin. Kung sistema siguro ng kumpanya (on data analysis side) madali lang dahil nasa linya talaga ng work ko ito, pero kung sistema sa buhay ko, good luck.
Nga pala, opisyal na email address ko ito sa opisina na tanging gumagana sa outside world (wala kaming internet pero okay ang email, leche!). Kapag may nagkamaling magsiwalat nito sa sambablog ay puputulan ko ng tite o tatahiin ko ang pekpek. Seryoso.
Naka-uniform na kami sa opis. Hindi ako mukhang titser katulad ng mga ka-opisina ko dahil mas mukha akong estudyante sa prep school! Imaginin mo ang height ko (5’0), white blouse with ribbon, navy blue vest, cream blazer at matching skirt. Kulang na lang logo Hogwarts. Sige, may karapatang kang magtawa dahil natatawa din ako. Kwentong skirt. May individual option kaming mamili kung slacks o skirt ang uniform namin. I don’t want to state the obvious pero maarte ako kaya sa department namin ako lang ang naka-skirt. Hihihihi. Hindi lang pala ako maarte, malandi yata ang tamang salita.
May nagtapat na guy friend na gay sya. Walang masama, ang pinagpuputok ng butse ko ay may boyfriend sya. Hindi ko alam. Hindi naman ako naghahanap ng relasyon pero naiinggit ako kapag may kakilala akong may relasyon at karamihan sa kanila ay kabilang sa third sex. Tinanong ko sa isang friend kung paano ba makasali sa third sex dahil sila itong lumalablayp. Sabi nya sa akin magpakabit daw ako ng tite. Hahaha! Wirdo talaga ang mga kaibigan ko.
Ano pa ba? Ah, alam nyo ang kantang Out of Reach ni Gabrielle? Pinapraktis ko ngayon, maganda sigurong kantahin sa videoke.
Thanks and best regards,
Salbehe
[Note: 6:45 PM, nagkaroon na kami ng internet. Hindi muna ako sasagot ng koments, magbabloghopping muna ako.]
___________________________________________________________
Possibly Related Posts:
- Bawal Magkasakit
- It’s one of the best feelings in the world, knowing that someone misses you.
- Ispel PRESSURE?
- Semplang
- Palipad Hangin


