Friday 18th June 2010

by salbehe

Tanda nyo ba yung kwento ko dati na nanligaw ako? May kaibigan akong itago natin sa kanyang tunay na pangalan, si Beck, na nakabasa ng blog post kong yan. Nakakuha sya ng inspirasyon sa kagagahan ko, nag-chat kami, nagkasundong manood ng sine at inurirat namin ang buhay ng isa’t-isa. Sa mga date namin, nagtanong sya kung paano ako nanligaw, anong sasabihin, anong gagawin. Sa madaling salita sinubukan manligaw ni Beck.

Kaninang umaga, ganito ang chat namin.

Beck: Basted ako.
Salbehe: Whaaatt????? Ang kakapal talaga ng mukha ng mga lalakeng yan. Punyeta sila.
Beck: Oo. Pero nakatsansing ako teh. Nakiss ko kaso sa cheek lang. Sayang dapat sinunggaban ko na e.
Salbehe: Honga! Natikman mo na lang sana, ayos na!
Beck: Tsk tsk. Ang hina ko. Booo.
Salbehe: Huwag ka kasi sa akin magpaturo, alam mo namang basted din ako. =(
Beck: Hahaha.
Salbehe: At least sinubukan natin di ba? Sa lakasan ng loob panalo tayo.

Ang punto ko? Kahit talo ang Celtics binigyan naman nila ng magandang laban ang Lakers.

Boston-Celtics-logo

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: