Manny Pacquiao vs. Erik Morales Fight Recap
Kung nabaon na sa limot ng mga Pilipino ang laban ni Manny at Erik Morales dahil halos limang taon na ang nakalipas ng ikatlo at huling laban nila, pwes ibahin nyo ako. Hindi ako fan ni Manny, pero iba talaga ang laban na ito.
Recap. Unang laban nila, talo si Manny. Nagkaroon ng rematch, natalo naman si Morales.
Pangatlong laban, ang haba ng paghahanda ni Morales dahil syempre gusto nyang bawian si Manny. Inaabangan ng lahat ang susunod na kabanata. Katulad ni Hatton at Gayweather, trainor ni Morales ang tatay nya. Ewan ko kung taktika nya makatipid o ano, basta sa tingin ko hindi umuubra na tatay ang trainor. Kahit cool ang pinapakitang mukha sa camera, rigorous training ang ginawa ni Morales sa loob ng sampung buwan para paghandaan ang laban. Sa loob ng sampung buwang training, sinong mag-aakala na matatapos pala ni Manny ang laban sa loob lang ng tatlong rounds? Round 3 by TKO.
Nasa Elbi pa ako nang mangyari ang Morales vs. Pacquiao III, November 18, 2006 to be exact. Sina Donald at Yong ang kasama kong manood, si Juli nakatulog na dahil sa haba ng mga commercial, si Elai… hindi ko alam kung nasaan si Elai. Magkatulad na eksena kapag nanonood ng NBA at Ginebra games, puro koment at laitan. Good times!
Sabi ni Donald, kung sex ang boxing ang hina ni Morales, madaling mapagod at isang position/galaw lang ang alam. Hanggang Round 3 lang ang kinaya, walang variety, walang footwork, nakakabore sa kama. Sabi ni Yong, hindi ko maalala ang sinabi ni Yong yung koment lang talaga ni Donald ang tanda ko. Hahaha. Sabi ko naman, ang buhay parang boxing, masakit na laro pero gusto kong ipaglaban. Katulad ni Morales, kahit sampung taon buwan ko pa pinangarap ito kung hanggang tatlong buwan round lang ang kaya kong ilagi sa loob ng ring, wala akong magagawa. Magiging masaya na lang ako sa tatlong round na nakuhang airtime. Sabi naman ni Morales,
"I did everything necessary to win this fight. I didn’t win it. It just wasn’t meant to be." – Erik Morales on Sports Illustrated
"Maybe this is the way to end it. It’s a beautiful fight, and there’s a lot of good people (in the audience) …it was always a pleasure to give the public great fights." – Erik Morales when asked by Larry Merchant.
Sa laban ng totoong buhay, pareho silang panalo. Manalo o matalo, ang importante ay lumalaban. Payts na yun.

