Thursday 24th June 2010
by salbeheLast weekend, lumuwas ang kapatid ko para sa birthday bash ng pinsan namin at para bumili ng regalo sa boss nya. Ang boss ni Essy ay British rich snob kaya laging problema ang ireregalo sa kanya. Essy’s dilemma: What will you give to someone who already has everything?
Ang suggestion ko ay pumunta kami sa Trinoma kung saan may shop na may stuffs na hindi mo naman kailangan pero gusto mong magkaroon ka. Halimbawa ay ang alarm clock na may gulong na kapag nag-alarm ay gumugulong/tumatakbo, kailangan mong habulin para ma-i-off ang alarm. Kapag hindi ka pa magising nyan hindi ko na alam. Homer Simpson USB hub na tumatae ng cord. Goggles na may built-in underwater camera.
Paglabas namin sa lintek na shop na yun ay ako ang may nabili. Favole Tarot Deck by Victoria Frances. Hindi ko pinangarap na maging manghuhula, bukod sa kawalang pagkakaabalan ay nagandahan din talaga ako sa kakaibang klaseng tarot deck na ito. Even (#6) Death looks awesome, parang namatay sa sarap. Lol.
Pag-uwi ko sa bahay nagpatulong agad ako kay Google kung pano gamitin ang nabili kong tarot. Ganito ako ka-impulsive, bumili pala ako ng Favole Tarot na pang-collectors item lang at hindi advisable gamitin sa hula. Teka, ang sabi ay hindi advisable pero hindi imposible. Dahil adik akong tunay ay ginawan ko ng paraan. Nakahap ako ng website kung saan naikonek ang tradisyunal na simbolo ng tarot sa bagong version ni Victoria Frances. Bumili din ako ng libro. Adik nga.
Kagabi, sinubukan namin nila Cielo at Roi magtarotan. Swak na swak ang hula kay Cielo, tae ang hula ko kay Roi. As in bullshit ang hula ko kay Roi. Ang masasabi ko lang, ang tarot ay parang joke – ito ay half-meant. Lalo na kapag si Salbehe ang nanghuhula.
Katarantaduhan. Kalokohan. Walang masama dahil masaya. Ang ganda talaga ng bago kong hobby, tarotan.
BUKAS ANG KOMENT. I guess you never see that coming. ;)


Tarotan na! Ang saya naman niyan XD.
Nagagandahan ako sa mga illustrations ng tarot card, para bang ung tipong iguguhit ng mga emo at gustong maglaslas, hahahaha XD. Mga talentadong yun na aaksayahin lang ang kanilang mga kakayahan. Bwisit.
Hahaha, tama ba naman yun, kahit sinu-sino sa tabi-tabi na lang kahit isang stranger irereto sa yo, okay na sa nanay mo basta mapakasal ka lang XD. Oh, ayan si JC oh. Hahaha, peace.
Hahahahaha! Hindi ko ma-imagine si JC! :grinnod: :lol:
pangarap na hindi maabot-abot para sa akin ang magkaroon ng tarot cards at librong may katulad na paksa… ewan, malamang dahil mahal sila kaya hindi ko pa nagagawang bumili, at nalibang na rin ako sa ibang mga bagay (na-discover ko kasi ang libog)
tulad mo, gandang-ganda rin ako sa illustrations sa tarot cards :nod:
Intayin mong mawala ang interes ko sa tarot Ms V, feeling ko ipagbebenta ko din ito. :P
sige atayin ko ‘yan :grinnod:
pero sana, by the time you give them up, in good condition pa rin… tell me your payment and delivery options if ever (hahaha parang e-shopping conversation)
[...] ang kainan, nagpahinga ulit sa extension ng bahay kung saan kami nagvideoke, at nagkaron na ng tarotan. Ako ang unang sumalang. Kakaiba ang tarot cards ni Salbe. Maganda, kakaiba, nakakatakot, at higit [...]
Hwaw, may dedicated comments na!
OnT: parang ampanget naman pakinggan ng salitang “Tarotan”.
“Nakipagtarotan ako kay Junjun kagabi kaya napuyat ako.”
LOL.
O kaya, “Nagtarotan kami noong Sabado, ang saya!” :lol:
O di kaya, “Tara, tarotan tayo! Tatarotan muna kita tapos pagkatapos, ako naman ang tarotan mo!” :grinnod:
tarotan. okey ah. parang kantutan lang. lols!
anong pangalan nung shop para makapamili rin minsan. may tinitinda ba dung mga ano…yung alam mo na…mga wholesome stuff? hehe.
Puro wholesome stuff ang tinda dun Lio, seryoso. Yung hindi wholesome itanong mo kay Kuhrach. :D
salamat sa hulang nakakalito.pakisabi na ang ibig sabihin ng number 13.
Mas magaling ka sa aking manghula, hulaan mo na lang ang #13 Duking. :P
ang tarot!!! haha gusto ko din ung DEATH deck na un haha parang namatay lang habang inaano ah!
haha huy! buti naman at may comment section na bawat entry hihihi!! ayos!! good move! (ahihi) peace!
pag nagkita tayo papahula ako sayo ha! =) :grin:
Lahat sa Favole deck ay nakakaaliw. Yung STRENGTH card ay babaeng galit, may pangil at luwa ang boobs. Rawr.
Ngayon lang open ang koments, sa susunod hindi na. :D
Huhulaan ko, ang may ari ng blog na ito ay si Salbe, na kasalukuyang tinatarot.
Mahilig kasi siya sa tarot talaga.
Gusto mo lang itarot kita. Inggetero. :grinnod:
tarots.. nakakatakot yung ganyan, feeling ko mangkukulam ako. ahha! may tanong ako, kung ang tarots may meaning chuva-ekek, so ibig sabihin nun hindi totoo na pwede kang manghula gamit yung baraha na pangsugal?
pwede rin yun lee mi.kaso para sa akin,postive shits ang lahat ng laman nun para sa tao.
example: pitong hearts,magmamahal ka ng pitong beses.
example 2: pitong flower…makakatikim ka ng pitong flower.(bulaklak ng kalabasa na ginulay ang tinutukoy ko.)
example 3: diamond…yayaman ka
example 4: seven spades…makakasaksak ka ng… (see example number two)
example 5: joker…oo…tinetesting ko rin mag joke.
hahaha!
@ Lee Mi, pasensya ka na limitado lang ang alam ko sa baraha. Kahit sa tarot hindi ko pa kabisado. Tingnan mo, mas may alam pa sa akin si Duking.
@ Duking, sige na. Ikaw na ang mas may alam sa panghuhula. Tama ang hinala ko, isa kang Madam Auring. Bwaahhaha! :lol:
ayyyy! baka magalit si lee mi nyan, ang pagkakaalam ko kasi mas maganda sya sa akin. tsk tsk! mukang babalik ulit ako sa step one. hello po, ako po si lei. ikinagagalak ko po kayong makilala! :)
:grin:
nakakatawa naman ito: “ang tarot ay parang joke – ito ay half-meant. Lalo na kapag si Salbehe ang nanghuhula.”
gaya nga ng mga naikwento ko sa’yo, yung kakilala ko nilalagay niya pa sa panyo or kung ano man yun tapos dun niya nilalatag yung tarot… takot ako sa ganyan.. basta pero nakakaaliw tignan yung artwork.. :D
Nakalatag din yung sa akin sa panyo. Sa susunod bibili din ako ng bandana para sa epek. Hahahahaha!
waaaaahhhh! with you everything comes as a surprise talaga! hahaha! pero natuwa ako na bukas ang comment section.
bukas din ay dala dala mo yan. kesehodang nagiinuman, namumulutan, nagkukuwentuhan o nagvivideokehan pa ang mga utaw, kelangan mong alamin ang aking tadhana. magkakatuluyan ba kami ni daddy bong? bwahahaha! madadagdagan pa ba ang chikiting? bwahahahha ulit.
gusto ko rin puntahan yang tindahan na yan sa trinoma. pano mo naman natuklasan yan? gala ka talaga, salbe!
atska tarotan. parang harutan lang. naalala ko tuloy ang plurk ni Vaj kahapon na bakit daw ang daming naglalandian sa blogosphere? sino sino ba yun? meron kasi akong kilala…mga kilala pala. ahahahaha!
weeeh me lakad kayo bukas at di ako kasama? anper!
ading, sama ka. kung pwede nga lang eh. anlayo mo kasi e… dun sa amin actually… manggugulo sila. hahaa!
talagang nanginggit sila, share nyo na lang fiktyurs ate Kaye.
pag-umuwi ka dito, toni, pakibitbit nga un fafachu ko. taga jan din cia.
san banda sya ms. kuh, baka lapit lang samen.
toronto. shet. inannounce ko. :roll:
Sana ka Ate Toni! Isang plane ride lang! Yey!
sana nga Vajee kaso alam nila nakukuha ako sa suhol, hahaha!
Alam ko yung tindahan kasi araw araw kong nadadaanan sa Trinoma. Natarot na kita, mag-ingat ka kay Jeremy. Hihihihihi. :lol:
una sa lahat napatawa ako ng lecheng alarm clock… promise di ako bibili nyan kahit siya na lang ang alarm clock na natitira! :lol: magunaw man ang mundo! aanhin ko p yn eh magugunaw n nga! :lol: patawa ulit, inimagin ko kasi!
anyway about sa tarot na yan mejo trip ko din yan kasi gusto kong hulaan kung magkakatuluyan ba kami nung karas ko salbe!!! :grin: gumagamit ba ang mga witch nyan? nung bata kasi ako pangarap kong maging isang ganap na witch eh. :lol:
Libo ang lecheng alarm clock na yun kaya hindi din ako bibili nun. Iba yata ang witch craft sa tarot reading, pero itatarot pa din kita. :D
salbe hulaan mo din ako minsan ha
K
Salbe gusto ko yang alarm clock na tumatakbo! Wahahahaha.
Bat hindi ka busy ngayon? LAMUNIN KA SANA NG WORK MO LECHE KA BUMILI KA PA NG TAROT BOOK SABI SAYO PANLALAKE MO NALANG YAN! :lol:
Oo! Astig yung alarm clock na may gulong, feeling ko umaga pa lang mababadtrip na ako kakahabol dun. :)
Next week na uli ang kabusyhan ko sa trabaho. Yey! Mas mahal ang lalake kesa sa tarot cards. Chos. :grinnod: :cool:
wow. madam salbe, pahula! hehe.
hula ko sbi ng kapalaran mo suswertihin ka kpg inopen mong comment section mo ngaun.. :lol:
Hula ko lang na hindi nyo mahuhulaan na magbubukas ako ngayon ng koment. Tatarotan din kita. Hindi ka ba inimbitahan ni Shea sa Sabado?
tama ang hula mo. at si shea? galet yata sken un. ewan.. plge nlng me nagagalet saken… :no: at hindi ko mahulaan kung baket…lika nga hulaan moko..
:|
Nag-email ako sows gamit ang email address na nasa koment mo. Sana natanggap mo, higit sana ay magreply ka. :D
at wla po akong natatanggap na email.
:sad:
In fairness, di hamak na mas maasim ka kay Madam Auring, kaya bagay sayo yan. Madam Salbe.
I guess, thanks? :lol: :grin:
salbe. gusto kong magpahula sayo. pero sa tingin ko, props mo lang yan. ang hula mo naman talaga ay ibabase mo sa pagkakilala mo saken.
ewan ko din. kasi ako, un ang gagawin ko. hahaha. cge nga. makapagpahula. gandahan mo ah! :wink:
May binili pa akong libro Kuhrach para makabihasa ang tarotan sa loob ng anim na araw. Huwag mong husgahan ang aking kakayanan. Syet parang totoo. :grin:
eh ate salbe… pwedeng pahula ako… hakhak! :grin:
Wala ka eloiski. Kaya talaga ako nagpakoment ngayon ay dahil para inggitin kita. Sana magpakoment ka na uli. :grin:
ate salbe ang sabi ko pahula ako. ples. hakhak! :grin:
Nabasa ko eloiski. Sige itatarot din kita. :P
Ako manghuhula sayo Eli,
ang hula ko.. lumalandi ka na! AHA! :lol:
hindi! :lol:
wow! nagpapacomment ka sa mismong entry mo..himala..hahaha
ako din, magpapahula..haha
Syempre pa aninipot, ikaw pa! Itatarot din kita. :grin:
Bahala ng si Tapa ang tumarot diyan..Tapa, tarotin mo na si Aning
lagot. sabi ko na nga ba at ang tarotan ay ano…yun na yun!
tapa!!!! psssttt!
Sige nga tarotin mo nga ako?
Maibida ko lang, when I spent my holiday vacation somewhere in the South (tangna kasi bakit nag-eenglish)…hinulaan ako ng manghuhula.
Hulaan mo kung anong hinula sa akin. Tarotin mo..Tarot..ayan..isa pa..tarotin mo na akoooooooooh.
Eto na ang hula ko sa iyo: http://jkulisap.com/2010/06/pasiklaban/comment-page-3/#comment-5438
Sabi mo tama, wala ng bawian. :grin:
Thank you sa pagpromote nito. Mali ang hula mo pero tama ka sa katangahan ko, kasalanan ng mata ko.
Si Vajee, may email sa akin sabi niya Wingman..tapos ung nagpadala ng artikel…akala ko siya ang Wingman…Fishermen pala…so ayon…bakit ko inexplain..wala…para sabihin kong hindi ko entry ‘yon pero huwag namang magkakanser ako ngayon..tama ng Cancer ang zodiac sign ko. Naman
at syempre wag mo ko kalimutan.
sana singganda mo hula.
ano sabi ni Pong?(kunwari di ko nabasa).
Sana magkita tayo toni, para huhulaan kita ng pinakamagandang hula sa balat ng lupa. :grin:
itarot mo din ako! :grinnod:
Itatarot din kita.
Ang saya saya ng koments dito. Puro tarotan. :D
pano yan magpapatarot ako kay salbe… :lol:
Itatarot kita Mae. :lol:
shaks akala ko ako ang base kasi dumeretso ako dun sa koment agad
mali pa nga naisulat ko torotan ahahaha dahil sa sobrang pagmamadali makabeys
salamat naman mam kuhrach sa pagbebeys mo sa akin.
Tarot pala iyon
nakauwi na pala si kuya Roi.
bukas na ang koment ibig sabihin opisyal na na pwedeng magbeys
tatambay ako dito parati kahit may 2 weeks akong inactive
ate salbe ano ang prize namin ni mam kuhrach?
magaling ka palang mag hulahoops ate
Natawa ako ng bongga sa “torotan” mo Pongski! Aber sino ang mas madumi ang utak sa ating dalawa? HULA KO, may itinatago ka ding kalandian. Hula lang Pongski. :lol:
wala po si kuya pong.
pinapasabi niya po na sa sobrang eksayted makabase ay akala niya yun yung taytol tsaka kasi kasi ahahaha
Huwag ka na magpaliwanag pa Pong, basa na kita. :cool:
so 3rd base na lang ako?
Kalokohan ang TAROT na yan!!!!!!!!!!
:lol:
Siraulo lang magpapatarot sayo haha :love:
Inggit ka lang madaming magpapatarot sa akin. Sumama ka sa Sabado itatarot uli kita! :grin:
Cielo, ako siraulo, kasi kahit alam kong huwad si salbe e magpapatarot ako sa kanya.
teka, ano yung swak na swak na hula sayo? malamang mapagusapan ka bukas. hehehe peace!
3rd base kami ni pong! in memory of pong. huhuhu.
Mamimiss ko din si Pong. But wait! Andun sya sa Koment Page. Sorry for the confusion Pong. Alam mo naman ako, magulo! :nod:
2nd base ako..mandaraya k salbe. ahehehehe.. cg cg hulaan m din ako..wahahaha
Huhulaan talaga kita. Huhulaan ko kayong lahat. Walang makakatanggi. :wink:
Base ako! Yehey! Adik. :grinnod: