Kahit hindi gumagawa ng pelikula, ang mga ordinaryong nilalang ang pinakamagaling mag director’s cut. Hindi mo kailangang maging James Cameron o Steven Spielberg. Kung magaling kang magbawas o nag-cut ng kwento, pasok ka sa banga.
Magkano ang ninenok mo?
Sampu.
Weh?
Bente.
Bakit kayo nag-break?
Hindi kami kompatibol.
May babae sya ano? Yung totoo.
Hindi nga kami kompatibol.
Yun lang. Nagkita kami.
Tapos.. Kwento!
Uminom kami. Yun lang, huwag ka na magtanong.
Tapos.. Dali! Hihihihi.
Wala kaming matuluyan kaya nag-motel kami.
Nag-motel kayo.. Hihihi.
Pero natulog lang kami ha? Promise.
Pokpok ka! Itigil mo na ang director’s cut!
Pareho kaming lasing kaya natulog na lang kami.
Kahit kailan hindi ako mapaniniwalang nag-aksaya ng pera ang dalawang malibog na tao para lang matulog sa motel. Nagpapa-virgin samantalang hindi naman virgin. Nakakainis di ba? Nasa kasarapan kayo ng kwentuhan tapos biglang.. CUT!
Eto pa ang isang version ng director’s cut. Kailangan ko din i-cut ang mensahe dahil masyado personal, nakakairita lang.
Ako na yata ang pinakasalbaheng ex-girlfriend dahil ang lakas ng loob kong ipost ang message ng ex ko. Sobrang natawa kasi ako. Okay na sana yung message, walang maling English o hindi nagta-trash talk, hanggang sa makarating ako sa F.A.M.I.L.Y. Imbes na ma-tats ako ay jabonggang natawa ako. Nakakatuwang isipin na minsan sa buhay ko ay sobrang nagmahal ako sa puntong walang tama o mali. Walang matalino, walang bobo. Naniwala akong sa pagmamahal ang kailangan lang ay nagmamahal.
CUT!
Tama ang sabi ni Essy na taasan ko na ang standard ko sa lalake. Sa susunod hindi na ako magbo-boyfriend ng jejemon.
~ JEjejE p0wH. LOl~
___________________________________________________________
Possibly Related Posts:


