Nakailang boplaks na date na ba ako? Nireto ng kaibigan, nireto ng pinsan ko, nireto ng ka-opisina ko, nireto ng magaling kong Mamita, naka-text, naka-chat. Ilan na? Hindi ko binibilang. Hindi ako choosy kaya nga siguro paborito nila akong ireto kung kani kanino. Sa katunayan pinagsasabihan ako ni Essy na taasan ko (kahit konti) ang standard ko sa lalake dahil kahit pang-construction worker lang ang itsura ay pinapatulan ko. Yung ganitong construction worker.
Nakakakilig talaga ang ganitong picture. Hihihihihihi.
Ulitin ko, hindi ako choosy pero huwag na huwag mong sasabihin sa akin ang mga linyang ito sa date. Ang sakit sa bangs!
3. Magkano ang sweldo mo?
May tarantadong nagtanong sa akin nito. Ang sagot ko, Grabe naman, huwag mong itanong yan sa first date. Sabay pa-cute na smile. Pero mapilit ang bruho, ang sabi, Sige na para malaman ko lang kung okay ba ang sweldo ko. Sige range na lang. Para lang matapos na ay nag-quote ako ng range. Akala ko end of discussion na ang sweldo ko, but no! Humirit pa ang ungas ng, Magkano ang ipon mo sa bangko?
Imbestigador? May mga lalaki talagang saksakan ng kapal ng mukha na gusto kong ingudngod ang mukha sa pader. Tae lang, feeling ko naghahanap sya ng sugar mommy. Sabi ko wala akong ipon dahil sa totoo naman, wala akong ipon. Hindi sya naniwala, pinabayaan ko na. Hindi ko kailangan ng lalaking ginagawang pamantayan ang sweldo ng kapareha. Nakikihati naman ako sa bill kapag nagda-date, anong problema?
2. Libre ka sa Thursday? Sumama ka sa prayer meeting namin.
Don’t sell me Christian talk bullshit, I will not buy it. Enough said.
Ang numero unong tanong na nagpasakit sa bangs ko ay:
1. Tuwing kailan ang mens mo?
Gusto kong matumba sa kinauupuan ko at gusto kong bumukas ang lupa at lamunin ng mga orcs ang ka-date ko. Eto lang ha. Hindi naman ako nakikipagdate para makipag-sex. Hindi din naman ako papayag na mukha akong bastusin kaya nya ako natanong ng ganun dahil maayos akong kausap kapag pormalan. Kahit ganito ako kabalahura ay may pagkadalagang pilipina pa naman ako. Nagmamalinis? Medyo lang.
Anong ginawa ko? Nag-smile, kumain ng mabilis at kumaripas ng takbo. The end.
Eto pa ang trivia, friend ko sa FB ang lalake sa eksena #1 at #3. Kapal lang talaga ng mga hinayupak na ito at finirend pa ako. Inaccept ko naman. Sinong mas tanga? Huwag mo ng sagutin.
__________________________________________________________________________
Na-inspire akong gawin ang entry na ito dahil sa post na ito. Yan naman ang huwag nating gawin sa mga lalake. Share ko lang.
__________________________________________________________________________
Busy pa din ako. Naka-draft na ang blogpost na ito noong isang linggo. Ayon sa last na check ko sa RSS Feed ko ay may 319 new blog entry na akong HINDI nababasa. Tae.
___________________________________________________________
Possibly Related Posts:


