Exitan and Tarotan with Marekoys
Ang Marekoys ay grupo na binubuo ng tatlong magagandang dilag: Cielo, Pink at Mae. Samba ako sa tindi ng pagkakaibigan nila dahil noong minsan nagkaroon ng malaking isyu sa kanila ay nalampasan nila ang pagsubok na yon. Kapag naglalaitan sila ng sex life ay para lang silang kumakain ng mani. Siguro tama na ang intro.
Noong Sabado, nag-inbayt ang Marekoys sa bahay nila Mae dahil birthday ng ate ni Mae. Si Pink, kasama si Mark. Si Mae, hinintay si James. Si Cielo ang ka-date ako. Kainan, inuman, videoke at pagkakataon kong magtarot, paano ba naman ako makakatanggi? Nagkamali ako.
Marekoy + Salbehe = Shit.
Ang sarap ng lumpia, ang theory namin ay nilagyan ito ng drugs dahil nakaka-adik. Pagkakain, walang abisong binuksan na ang The Bar Apple. Noon lang ako nakainon ng Apple flavor, mas masarap sa Strawberry. Inayos na din ang Magic Sing, arangkada na. Pagkatapos ng mga ilang kanta (at ilang shots), na-bore na kaming kumanta sa normal na paraan, syempre abnormal ang mga kasama ko, kaya nagsimula ang game.
Game 1. Alam mo yung ginagawa tuwing workshop na pinapakanta ang Happy Birthday song habang nalulunggkot, masaya, tumatalon, etcetera. Parang ganun. Pero dahil Marekoys ang kasama ko kakantahin mo ang napiling kanta habang tumatae at ine-exitan (nilalabasan). Alam ko na kung anong sinisigaw ni Cielo kapag nasa climax sya, alam ko na din pano exitan si Pink. Kaderder. :lol:
Game 2. Alam mo yung game sa Magic Sing na mag-ra-random ng kanta tapos ay magpapataasan ng iskor ang dalawang grupo? Yown. Kadayaan ni Pink alam nya ang kanta na narandom sa kanya. Boooo.
Turn ko na. Random… Taadaa! "Do You Really Want To Hurt Me" by Culture Club. Punyeta! Hindi ko pa yan narinig sa tanang buhay ko. Pero binanatan ko pa din kantahin. Bahala na. Pati Magic Sing ay kaya ko palang bolahin, mantakin mong naka-100 (ehem!) ang iskor ko sa hinulaan kong tono. Na-LSS pa kami sa kantang hindi namin talaga alam ang tono. :D
Ubos na ang The Bar, sinunod ang Tequila. Tarotan na.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan nagtiwala ang Marekoys sa kakayanan kong magtarot. Si James ay nakatatlong tanong pa yata. Malaki na ang improvement ko sa pagtatarot, mas magaling na akong manghula. Konti na lang ang "Ano na nga ba ang ibig sabihin nyan? Nakalimutan ko na. Tandaan mo ang tarot card, i-te-text ko na lang ang meaning." Hindi na din lumalabas ang "Emo shit ka noong past life mo, emo shit ka pa din ngayon. Bukas luluhod ang mga star".
3AM. Sa puntong ito ay konti na lang ang naaalala ko. Tanda ko lang na naubos na ang Tequila at nagre-redhorse na kami. Tanda kong tinawag kong taquila ang tequila. Tanda ko din na gusto kong isawsaw ang lumpiang hawak ko sa redhorse.
Pagkatapos ay blanko.
Kinabukasan sa Facebook, naka-tag na ako. At talaga naman! Ako lang ang itinatag. Taragis. Kahit ako na ang salbahe ay ako pa din ang nasasalbahe. Yes, the joke was on me.
Do you really want to hurt me? Do you really want to make me cry? Lol.
Note to self: (1) Huwag makipagsabayan sa Marekoys dahil meron silang bahay alak sa tyan. (2) Mali ang ilusyon kong pinatatag na ang sistema ko ng Tanduay Ice. (3) Sa susunod ay isama si Sarah para siguradong hindi lang ako ang mababasag.

