Wednesday 21st July 2010

by salbehe

Party mode. Hey Soul Sister in the air!

Mula noong nagpalipad hangin (na naman) sa akin si Mamita ay hindi pa ako umuuwi uli sa Laguna. Hindi naman sa tinatakasan ko si Mamita pero ganun na nga madami din talaga akong ginagawa sa opis, sa katunayan ay dalawang magkasunod na sabado na akong nag-o-OT para lang matapos na ang lintek na project ko. Magkaganun pa man hindi ko napapabayaan ang social life. Ang kakulangan ko sa love life ay binabawian ko ng madaming social life. 

Noong nakaraang Biyernes ay disperas ng birthday ni Arci at despedida party ni Atcheng (pareho kong college friend), ang mga taeng ito ay hindi ako inimbita. Pero hindi ako nasiraan ng loob kaya inimbitahan ko ang sarili ko.

Ang masaya sa house party ay mura. Lalo na kung may birthday katulad nito kasi may instant pulutan na galing sa natirang pagkain. Magpapatak na lang ng bente pesos para sa alak. Oo, bente pesos pa din ang patak gaya noong college. Pahirapan pa din magpatak ng bente pesos, parang mga walang trabaho. Ang disadvantage naman ng house party ay nabubulabog ang kapitbahay lalo na kapag lahat kayo ay masasayang naghaharutan at hindi napapansin na kumakatok na pala ang kapitbahay para sabihing magsusumbong na sya sa guard. Oo, parang college!

Lampas benteng tao ang nasa condo nila pero dalawa lang ang electricfan. Pambihirang init! Eto ang eksena.

typical house party 2

1. May nag-fa-Facebook sa bintana. Kaya sila nasa bintana dahil doon lang may nasasagap na libreng Wifi.
2. May natutulog at ginawang unan ang TV. Si Atcheng.
3. May seryosong nag-uusap. Hindi ko naiintindihan talaga ang kwentuhan pero alam kong seryosong shit ito. Sina Luwi, Macel at Aaron.
4. Sina Ludel at Maan ang nasa tumpok na ito. Kung seryoso ang usapan at walang bahid kabastusan ang eksena dito ay magpapamisa ako.
5. May naglalandian. Si Val at Big Bird. (Pasensya na Val, Big Bird talaga ang naaalala kong pangalan ng boyfriend mo. Nakakarelate ka naman yata. Hihihi.)
6. May nagtatarotan. Syempre ako yan. Lahat ng inuman na inatendan ko nitong nakaraang buwan ay may ganito akong eksena.

Madam Salbehe Dapat stolen shot habang inaayusan nila ako pero madaya ako. :P

Para kumpleto ang epek ay pinahiram ako ng bandana. Achieve na achieve ako sa gabing ito dahil nag-enjoy sila tarot reading ability shit ko. May naniniwala pa sa ganyang hilatsa ng pagmumukha.

Ang nakakalungkot ay hindi ko na tinapos ang inuman, kailangang kong umuwi ng maaga at magpahinga dahil may OT ako kinabukasan. Nag-o-OT nga kasi ako tuwing sabado. Sana mabasa ito ni Mamita.

Photo credit goes to Pearl Magat. (Thanks Darang! Glenn, hinihintay ko pa ang mga picture na nasa pambihira mong camera.)

videokeman mp3
Hey, Soul Sister – Train Music Code

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: