Feed Rss



Jul 15 2010

I _____ Basyang

category: Mapaglarong Isipan author: salbehe

Nasalanta ang probinsya namin (Laguna) pero ni hindi man lang ako nangamusta kay Mamita dahil alam ko na ilang bagyo na ang dumaan sa amin pero nakatayo padin ang apat na pader namin. Isa pa, wala akong pantext kay Mamita. Isa pa uli, paaalalahanan lang nya ako na matagal na akong hindi umuuwi.

Sa kabilang banda, hindi ko man lang naramdaman ang pagdating ni Basyang. I slept through it. Tindi talaga ng ability ko na matulog sa kahit anong sitwasyon (at posisyon). Pagkagising ko, brownout. Keber. Naligo. Nag-uniporme. Pumasok. Pagdating ng MRT, taragis sarado ang MRT! Tumawag ang opismate ko na suspended na din ang work at huwag na daw akong pumasok dahil walang tao sa opis. Imbes mabadtrip napa-Yes! ako. Eto na ang kwento.

Edi syempre uuwi na ako, sumakay ako ng FX na papuntang SM Fairview. Hindi ako taga Fairview, hindi din ako nagkamali ng sinakyan. Gusto ko lang mag-ekperimento kung papaano ako makakauwi sa bahay na iba ang ruta kong dadaanan. Bakit kamo? Gusto ko suungin ang mga bagay na hindi ko pa alam. Gusto ko ng risk at chance at defying gravity. Ilang beses ko na napatunayan ito sa sarili ko. Kung nasa field siguro ako ng Risk Analysis, perfect ako.

Pagdating ko ng SM Fairview, nakadalawang jeep pa ako bago makarating sa lugar ko na kung sa normal na paraan ako umuwi ay wala ng jeep jeep pa. Inabot ako ng dalawang oras na byahe sa eksperimento kong ito (20 minutes lang sa normal na ruta) pero keri lang. Ganun naman talaga kapag nag-ri-risk, hindi ko alam kung maganda o hindi ang kalalabasan (exitan? Lol) pero at least na-try ko.

Pagkatapos ay nag-almusal ako sa Jolibee. Pagdating sa bahay, brownout pa din. Keber. I slept through it. Pagkagising ko ng alas tres ng hapon ay may kuryente na. Nice. Nakapagcheck na ako ng Facebook.

Eto ang latest FB status ni Essy.

Your body is good, but I need cash. Ikaw na!

___________________________________________________________

I-email ang koment dito.

Possibly Related Posts: