Monday 26th July 2010

by salbehe

Maniniwala ka ba kung sasabihin kong kasing dumi ng public cr ang banyo ko bago ko linisan? Maniwala ka. Kung kilala kita ng personal, alam kong bilid na bilib ka sa mga sasabihin ko. Kung bago ka lang napadpad dito, goodluck. Maniwala ka. Please?

Tatlong dahilan kaya tuwing ikatlong buwan lang ako naglilinis ng banyo.
1. Nagtitipid ako sa tubig. May krisis di ba? Nagtitipid din ako ng detergent, sabon at energy.
2. May allergy ako sa paglilinis ng banyo.
3. Hindi naman importanteng sabihin pero isang maliit na factor ay batugan ako.

Alam kong magkakabisita ako this weekend at napakalaking motivation sa akin na maglinis ng banyo dahil noong huling nagpunta ang grupong ito sa bahay ay nilait nila ang buong pagkatao banyo ko. Hindi lang banyo ang hinusgahan nila pati ang carpet ko, kama, lock sa pinto, ilaw, lababo, kalat, wardrobe, at mga alaga kong ipis. Oo, blogger ang mga mapanlait na ito.

Nasubukan ko na ang Domex, Clorox, Mr. Clean, Ariel, Tide at kahit Joy Dishwashing liquid ay nagamit ko na para ipanlinis ng banyo. Mahilig nga kasi akong mag-eksperimento. Noong Sabado sinubukan ko ang Mr Muscle.

Mr MuscleMr Muscle Bathroom and Toilet Cleaner is a concentrated liquid cleaner in a convenient trigger pack. It is specially formulated to remove soap scum and tackle bathroom grime fast and effectively.

Naubos ko ang kalahating bote nyan sa paglilinis. Natuwa naman ako dahil kung ano ang sinabi ni Mr Muscle na kaya nyang gawin ay nagawa nya. Kung totoong tao lang si Mr. Muscle ay pwede ko na syang pakasalan.

Pagkatapos malinisan ang banyo ay nangati na ako. May maliliit na pantal na sa braso, siko, binti at tuhod ko. Sabi na nga ba. Tama ang hinala kong may allergy ako sa paglilinis ng banyo. Punyeta. Nangati ako kay Mr. Muscle!

 

___________________________________________________________________________
Naikwento na ni Kuhracha kung anong shit ang nangyari sa kanya amin sa Madison, dun na lang kayo makichismis sa gimik pagkatapos kong maglinis ng banyo.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: