Semplang
Balak ko na sana magblog ng "wala na akong maisulat kaya magrarandom na lang ako" kung hindi lang ako nadapa kaninang umaga sa gitna ng Makati Ave.
Ganito kasi yun. Late na ako kaya syempre nagmamadali. Walang pinagkaiba sa araw araw na ginawa ng dyos. Bago palang makarating sa Petron (eto ang tamang babaan at sakayan) bumaba na ako ng jeep dahil traffic. Ang siste ay kailangan kong tawirin ang buong Gil Puyat, pagkatapos ay Makati Ave.
Maayos akong nakatawid ng Gil Puyat. Sa Makati Ave, usad pagong na ang traffic kaya kahit naka-Go pa ang stoplight ay nakahinto na ang mga sasakyan. Dahil nakahinto naman ang mga sasakyan, nagsitawiran na ang madlang pipol.
Eto na. Habang tumatawid ay natapakan ng gagong nasa likod ko ang kaliwang tsinelas ko. Hindi nakuntento ang tadhana. Ang isa pang tarantadong nasa likod ko ay natapakan ang kanang tsinelas ko. Putragis. Semplang kaming tatlo to the highest level. Dapa kung dapa. Naikaskas ko lang naman ang dalawang tuhod ko sa gitna ng kalye, nabitawan ko ang bag at payong na hawak ko, nawala ang isang pares ng tsinelas ko.
Hindi ito exaggerated.
Lalake ang dalawang nakatapak sa akin. Dalawang lalakeng tanga, bobo, tarandato, siraulo, motherfuckingshit na yumurak sa aking pagkatao, naka-skirt pa man din ako. Walang konek ito sa totoong buhay. Maubos na sana ang lahi nila. Tinulungan nila akong makatayo, puro "Sorry" ang naririnig ko. Hinanap din nila ang na-misplace kong tsinelas. Imaginin mong naghahanapan kami ng tsinelas sa gitna ng mga sasakyan at mga taong uzi.
Kahihiyan.
Tinamaang ego.
Duguang puso.
Sugatang tuhod.
Kill me now.
Joke. Inom na lang tayo.

