Thursday 12th August 2010
by salbeheHindi ako pwedeng gumimik tuwing Thursday dahil laba day ko ang Thursday. Ang hindi ko sinasabi ay ang depinisyon ng laba day na ang ibig sabihin ay dadalhin ko sa laundry shop ang mga uniform ko.
Noong pumunta sya sa bahay nyo na may kasama, sabi ko ay okay lang pero ang totoo naiilang ako. To the highest level.
Pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kapag sinasabi kong magaling ako dahil alam nilang karamihan sa mga sinasabi ko ay kalokohan. Nalilito din sila kapag sinasabi kong nagba-blog ako dahil ang alam nila ay mahilig lang akong magkwento. Alam nilang nagiging biro ang kwento kahit seryoso.
Hindi totoong may allergy ako sa paglilinis ng banyo. Sobrang natuwa ako sa mga naniwala.
Kapag sinabi kong Nagsimba ako, Magsisimba ako o Be blessed ay shet lang talaga, nagjo-joke lang ako. Ni sa hinagap ay wala akong balak maging makaDiyos. Pongski, sana maliwanag ito.
Tuwing sinasabihan ako na ang salba-salbahe ko sa ex ko kapag na-fe-feature sya dito ay tumatawa lang ako, pero ang totoo ay nakakalungkot. Walangya naman kasi, ako ang kaibigan nyo hindi yung ex ko!
Noong sinabi kong namimiss kita, char lang yun. Ayaw kong sumama ang loob mo, kahit papaano ay may pinagsamahan tayo.
Jhet, i know what you did last summer Monday. Pupusta akong kinakabahan ka habang binabasa ito. Darang, bwahahaha.
Kapag sinasabi kong Busy ako tuwing nangangamusta ka ay hindi naman talaga ako busy. Dahilan ko lang yan para hindi bisitahin ang blog mo. Magaling kang magsulat pero ang nakakairita ay yung pinapaalalahan mo ako lagi na bisitahin ang blog mo. Yung libog na naramdaman ko sa iyo noon (kung meron man) ay wala na. Manigas ka, lalong nakakawalang gana pumunta sa blog mo.
Nung sinabi kong ayaw ko, ang totoo ay gusto ko. Nag-inarte lang ako. Ito ang pinakataeng damubs na ginawa ko sa buhay ko ngayong linggo buwan taon. Bahala na. Tae na kung tae.
Trying hard ako na mag-emo kaya kung “Hahaha!” ang matatanggap ko, “k” lang ang i-re-reply ko. Kei? Kei.

