Hindi na Virgin si Vajarl

by salbehe on August 9, 2010

Ang kwento sa ibaba ay halos gawa ni Kuhracha, inedit ko lang.

Noong Sabado nagkita kami nila Kuhrach, Duking at Vajee sa may Carmona exit, Jolibee. Pagkatapos mag-diner, nag-ikot kami para humanap ng maiinuman. Parang ghost town ang Paseo de Carmona, umuulan, madilim, halos walang tao. Noong time na ito natutuwa na akong magpaikot-ikot na walang pupuntahan dahil alam kong ang mga ganitong lakad, yun bang walang direksyon, ay syang pinakamasaya.

Kwentong malupet ito!

Nakakita kami ng medyo magandang pwestuhan. Hindi masyadong maganda ang ambiance pero mura naman ang beer at may libreng videoke. Hindi ko alam kung bakit importante ang may videoke samantalang wala naman pala kaming balak kumanta. Pagkatapos ng isang bucket ay niyaya kami ni Kuhrach sa suki nyang beer house na may sumasayaw na nude girls. Syet. Eksayted kami ni Kuhracha. Pinilit lang namin si Vajee at Duking. Imaginin mong pinipilit namin si Duking na feeling ko ay hindi lang makatanggi sa amin.

Hindi na kami nagpaduday pa, binilisan ang inom, sumakay ng tricycle at nagpahatid kami sa San Pedro. Natunton namin ang Scorpio at Miss Universe, sa Miss U kami pumasok.

Madilim, maingay, may mangilan-ngilan na kalalakihan. Bukod sa spaghetti strap ni Kuhrach at mini skirt ko, labas na ang kaluluwa ng mga babaeng nandon. Ang disente namin ni Kuhracha, nakakapanibago. Binigyan kami ng beer. Kinain namin ng patago ang chicharong dala ko.

Tapos ayan na.

Tumugtog.

May lumabas na babae. Naka sexy na damit. See through. Gumiling. Shetness. May mga babaeng mas magaling pa akong sumayaw, kulang lang ako sa praktis. May mga babae namang gusto kong bigyan ng masigabong palakpakan pagkatapos ng magandang performance. Sa mga babaeng ito kami naiinggit ni Kuhrach. Sila na ang magaling!

Ang may pinakamalaking impak ng pagpasok namin sa beerhouse ay si Vajee dahil bukod sa porn collection nya, nakakita na sya ng hubad na babae, gumigiling pa. Yun nga lang, walang epekto sa kanya. Bwahaha!

Ewan ko kung anong epekto kay Duking, hindi ko tiningnan kung tinayuan sya. Hindi importanteng sabihin, napansin ko lang na madalas ang pagpunta nya sa cr.

Habang lumalalim ang gabi, napaparami ang inom, paulit-ulit na pagsasayaw, paghuhubad, pang-ma-manyak ng mga lalaki sa babae, naumay na kami. Dahil takot magbyahe ng alas tres ng madaling araw ang dalagang pilipinang kasama ko pag-uwi (si Vajee), nagpasya kaming mag-Sogo. Kamusta naman ang adventure?

First time ni Vajee (si Vajee talaga ang bida) pumasok sa motel. Sa sobrang tuwa nya, para syang nasa field trip na ultimo elevator ay piniktyuran nya.

Image0170

Image0173

Image0175

Image0177

Image0179

Image0181

Image0180

Yan ang mga kuha ni Vajee. O di ba? Parang nag-do-document?

Dalawang econo room ang kinuha namin (ayaw pumayag ng cashier na sa isang room lang kaming apat), pero sa isang room (hence isang kama) lang kami nagsiksikan. Nanood ng porn, tapos natulog. Ngayon lang ako naniniwala sa mga kwentong nag-Sogo pero walang nangyari. Hindi ko lang akalain na mapapatunayan ko dahil yun mismo ang nangyari sa amin. Wala man lang nangyaring orgy.

Shetness.

Bago umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa simbahan dahil naging makasalanan ako noong gabing yon. Binabagabag ako ng aking konsensya.

(Ang hirap pala mag-upload ng 189 MB na video. Ang nakakaiyak pa ay wala naman sex, puro harutan lang. Sorry sa mga naghintay, my bad.)

(Eto ang kwento ni Kuhracha. Eto naman ang version ni Vajarl.)

100 comments

Sige na! Comments on.

by salbehe on August 9, 2010 at 5:23 pm. #

May hindi ako naikwento. Sinabi ko sa kanila na hindi ako sanay uminom ng beer. I lied. Bwahahahaha. Ayaw ko lang mawala ako sa wisyo katulad noong nangyari sa last na inom namin sa Madison. :cool:

by salbehe on August 9, 2010 at 5:26 pm. #

now i know. harharhar :grin:

by kuhracha on August 9, 2010 at 7:23 pm. #

nakalimutan mo beys kami ni mam kuhrach!

by Pong on August 9, 2010 at 7:43 pm. #

pasensya naman pong. honga. base tayo!

by kuhracha on August 9, 2010 at 7:57 pm. #

MAPAGPANGGAP! TSANSINGERA!

by Vajarl on August 9, 2010 at 10:44 pm. #

Walastek, wala nga akong natsansingan! Pero may na-meet akong gro sa cr. Friendly ako bakit ba.

by salbehe on August 10, 2010 at 8:54 am. #

Shet! Sinungaling ka salbe! hahahahha. Style mo pala un ha! Shet! shET! Hahahaha.

by kuhracha on August 9, 2010 at 5:31 pm. #

Hindi ko nga akalain na maniniwala ka. :grinnod:

by salbehe on August 9, 2010 at 5:36 pm. #

wahahaha!may dayaan pa oh.

kulet ng kwento. bidang bida si vajee. hehehe

by beeftapa on August 9, 2010 at 5:49 pm. #

Haha. Nakakatuwa naman yung adbentyur niyo Ma’am.
Gusto din namin itry yan ng mga kaibigan ko eh, magsosogo kaming lahat ng sama-sama. Bawal naman pala yung isang room lang. Tsk tsk. Sayang. Haha.

Ang cool ng gimik niyo. Nagpunta pa ng Miss U. :lol:

by Yow on August 9, 2010 at 5:54 pm. #

Wala lang malaking room, yung Econo Room na lang ang available. Pero sabi ni Duking may malaking room daw sa Sogo na pwede mag-accommodate ng maraming tao. :)

by salbehe on August 9, 2010 at 9:25 pm. #

ahihi…ang exciting nman ng inyong deyt na apat….

hmmmm…at bakit parang may sounds ng panghihinayang sayo at wala man lang nangyaring orgy.??hahahaha joke!

nakaka excite naman yung (sex scandal)next post mo bukas… :cool:

by IKAY on August 9, 2010 at 6:08 pm. #

Ang sex scandal ay si Salbe ni ra ride ang sanitized inidoro. Gusto mo pa mapanood ate? :lol:

by Vajarl on August 9, 2010 at 10:45 pm. #

nyahahaha :lol: oo nman kuya…gusto kong makita kung papano sakyan ni salbe ang inidoro…malamang may bahid malisya yun…ewww! joke! :grinnod:

by IKAY on August 9, 2010 at 11:44 pm. #

Ikay, huwag ka maniwala kay Vajee. Syet. Parang ayaw ko na tuloy ilabas ang video. :wow:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:14 am. #

salbe perstaym sa SOGO ng walang nangyari? wahahaha

pati beerhouse di mu pinalampas ahh hakz

by zarah on August 9, 2010 at 6:27 pm. #

Perstaym ko din mag-Sosgo. Period. :roll:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:14 am. #

dapat may pictures! :p

by Barry on August 9, 2010 at 6:34 pm. #

Bawal ang picture taking sa loob ng beer house. Kill joy sila. :nod:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:15 am. #

Oh bakit may comments section ‘to? Hahaha. Special! Dali yung video! Magre-rate ako ng entries bukas ko-computer ako!

by Yin on August 9, 2010 at 7:24 pm. #

Kasi gawa naman talaga ni Kuhrach ang kwento. Pinasa lang sa akin ang pagkukwento. At dahil nga sa kanya naman talaga ito, pinabuksan nya ang koment. Wala na akong nagawa. Inaapi naman talaga nila ako. Huhuhuhu. :no:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:17 am. #

aba vajee, hows d experience? ehehe. :cool:

next tym pegasus nmn! :lol:

by sows on August 9, 2010 at 7:46 pm. #

Vajee, yuhuuu. Para sa iyo ang tanong na ito. :grin:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:17 am. #

Sows, tara sa Pegasus. Tayo sasayaw. Hahaha.

by Vajarl on August 10, 2010 at 6:20 pm. #

mukhang malakas na ang loob ngayon ni vajee bb. salbe, nag-aaya na sya oh… sama ako.. ehehe :lol:

by gnehpalle02 on August 18, 2010 at 2:01 pm. #

Hahaha, putik na ‘yan oh. Panalo! Anong ginawa niyo sa virgin eyes ni JC? XD

Bakit? Nag-eekspek ka ba ng motel orgy kasama si JC? Hahaha. :P Wa-epek.

by scorpiorising on August 9, 2010 at 7:48 pm. #

ERIZ WAKAMAGULO! Haha. Nashock ako sa monster vajayjays ng mga sumasayaw! Feeling ko nananakmal sila. Hahaha.

by Vajarl on August 9, 2010 at 10:47 pm. #

bwahahahahaha! di ako makagetover sa monster vajayjays na nananakmal. hay. ahahahaha!

by kaye on August 10, 2010 at 9:26 am. #

Una, lumelevel up ka na ate salbe (sa koment mo may be blessed na, tapos may church na naman ngayon) magandang senyales!

2nd, SOCO: Hindi nagsisinungaling ang mga ebidensya. Natungahayan po ninyo kung ano ang posisyon ni kuya vaj, pero nawawala ang police line.

3rd, nagiging sunod-sunod at heksayting ang mga get together. Pag-uwi ko kita tayo ha. Hanap ako ng place yung solitude, yung makakapag reflect tayong lahat, parang retreat lang ahahaahahah

Be blessed!

yehey sana parating bukas mga comments!

by Pong on August 9, 2010 at 7:50 pm. #

Una, ngayon lang bukas ang koment ko. Special request lang ito.

Pangalawa, si Duking ang nakasalampak sa kama dahil sa aming apat sya ang basag. Bakit sa tingin mo hindi sya nagpaparamdam dito? Dahil hindi lang pala sya basag. Basag na basag.

Pangatlo, adik ka. Pamatay libog ang trip mo Pong.

BWAHAHAHHA. I love you Pongski. :grinnod: :lol: :love:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:22 am. #

isa ka pa, pong. pinahagalpak mo ko ng bonggang bongga. gusto kong mawitness si salbe sa isang place of solitude kung saan makakapagreflect siya. palagay ko, libingan ang pupuntahan nito. hahaaha! :lol:

by kaye on August 10, 2010 at 9:28 am. #

@ate salbe
1. kailangan araw-arawin na ang pagbubukas ng comments
2. kaya pala nawawala si kuya duking dito
3. ahahahahahh

@ate kaye
ahahahahah oo may alam ka bang place na pwede para sa grand EB na yun? tapos hanbang umiiyak si ate salbe kakantahan niyo siya ni kuya bong nung mga pampa konsensya este pampa-uplift ng feeling parang damang dama niya. ahahahaah

by Pong on August 10, 2010 at 12:21 pm. #

adik ka pong. asa pang mapapunta mo si salbe sa ganyan.

by kuhrach on August 10, 2010 at 12:23 pm. #

sige na ako na ang adik ahahah
basta hindi naman natin sasabihin na retreat iyon diba
ahahahah
kumusta mam kuhrach
namiss ko sharing time natin busy ka na kasi huhuhuhuh

by Pong on August 10, 2010 at 1:26 pm. #

Hindi ako yang nakahiga Pongkers! Mapagbintang! Ipapahuli kita sa SOCO tapos papanuorin ka nila ng nude girls! Hahahahaha. Torture yon pramis. :lol:

by Vajarl on August 10, 2010 at 6:19 pm. #

ibig sabihin si kuya duks yun?
akala ko kasi ikaw pareho kayong nakagreen eh (see pic as per mam kuhrach site)

by Pong on August 10, 2010 at 7:02 pm. #

kulang! tsk tsk tsk…

nasan yung mga pares ng mapupulang tsinelas na nakabalot ng plastic?

nakilala nyo ba si Gus Corpuz? yung namimigay ng free load??

by Super Balentong on August 9, 2010 at 8:56 pm. #

Aba aba, saang Sogo may free load? :wow:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:25 am. #

@sir balentong
suki ka yata ng SOGO ahahahaha

by Pong on August 10, 2010 at 12:17 pm. #

kahit saang sogo, meron yan.. apapak ka ba ng nakayapak sa sahig? e kung may maapakan kang engr na naudlot?

pong, hindi ako suki nun. bakit pa mangungupahan pa kung kaya naman ibahay na.

by Super Balentong on August 10, 2010 at 5:32 pm. #

lahat may free load, kapag tinext mo yung feedback

by Super Balentong on August 10, 2010 at 5:40 pm. #

Akala ko walang tao sa bahay na ito kasi parating nakasara ang pintuan. Taga NSO po ako echos! Magandang araw po Miss Salbe.

by WP on August 13, 2010 at 9:29 pm. #

Hindi ko naisipan mag tsinelas haha. At talaga lang? May libreng load? Ikaw na! Ikaw na ang suki sa Sogo! Hahaha

by salbehe on August 10, 2010 at 5:47 pm. #

@ate salbe
oo siya na siya ang suki ng sogo!
pati perks and freebies alam ni sir super balentong!
kaya alam na!

@super balentong
ahahaahh post mo yun hanep ka talaga

matindi ka talaga!
sakub la keka! eheehhe

by Pong on August 10, 2010 at 7:00 pm. #

bidyo ng mga babaeng hubad na gumigiling o hindi totoong nangyari ang lahat ng ito? :p

by lio loco on August 9, 2010 at 10:25 pm. #

Sige Lio. Ipagpalagay na lang natin na hindi nangyari ang lahat ng ito. Hihihihi. :cool:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:25 am. #

Yung kapatid ko, kasama ang dalawa niyang kabarkada, pumasok din sa motel, yung Marina sa may Morayta. Hindi raw pwede ang tatlo sa iisang kwarto. May extra charge ng 100 ang excess sa 2. wahahahaha! Nadevirginize din ang kanilang mga inosenteng mata sa in-house movies! :)))

Wala lang,nakisawsaw lang sa usapan. (Nakisawsaw? Ay bastos. :P)

by Karla on August 9, 2010 at 10:37 pm. #

marina? alam ko to. lagi ako dito..lagi akong napapadaan pagpapasok ng school. >:]

by goyo on August 10, 2010 at 9:24 am. #

Pa-virgin! :P

by salbehe on August 10, 2010 at 9:28 am. #

Sa Sogo naman, P120 ang extra person. May charge sa extra person pero wala naman ibibigay na extra bed. Tae lang di ba? :cool:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:27 am. #

ALAM NA! :)))

mas heksayting pag sa iisang kama lang. :)))

by Karla on August 12, 2010 at 1:58 am. #

PANGARAP KONG MAKAPASOK SA GANITONG LUGAR PARA LANG MAKI-UZIE SA MGA “OOOHHHs” at “AAAAHHHs” na posibleng marinig. :)))

by Karla on August 12, 2010 at 2:10 am. #

POTEK YOU. Ang image ko Salbe! kagalang galang ako! Hahahahahaha.

Pero nag enjoy ako ng bongga sa SOGO. Panalo much. Haha. Parang apartment lang pala yun noh? Parang condo. Parang condo mo Salbe, maraming nagsesex. :lol:

by Vajarl on August 9, 2010 at 10:49 pm. #

vajee..kagalang-galang ka pa pala sa lagay na yan?…hahahaha

by aninipot on August 10, 2010 at 8:19 am. #

May inaalagaan akong rePUTAsyon! Ay wait, namilantik ang pinky ko. Haha.

by Vajarl on August 10, 2010 at 9:07 am. #

Sabi ko sa iyo HUWAG MO AKONG PAGKWENTUHIN! Mapilit ka. Atsaka excuse me… kahit i-check mo ang condo ko ang tanging lalaki lang dun ay yung hermit crab ko. :cool:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:34 am. #

Whaaaaa!!! sobrang inggit ako sama ako Salbe gusto ko na umuwi iuwi nyo nako sa Pilipinas gusto kong makapasok sa SOGO ahahahha

by Sphere on August 10, 2010 at 1:25 am. #

Sphere uwi ka na, now na! Kontakin mo si Kuhrach kasi sya ang pinakamasipag mag inbayt, hindi nga ako nag-iinbayt kundi sarili ko lang dinadala ako. :grin:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:38 am. #

dati mas sikat ang anito kaysa sa sogo (nasa kanta pa ni andrew e.)

yun lang nagconvert na ang anito. bawal pumasok kapag walang marriage license o patunay na mag-asawa kayo (like pictures o id).

saka dinaan ng sogo ang popularity sa dami ng branches nito. biruin mo pati sa may kanto lang ng subdivision sa amin meron na silang branch tae. ni hindi nga commercialized yun area namin.

by cheese on August 10, 2010 at 10:23 pm. #

year 2007, nakapasok ako ng anito na di na kami hiningan ng kahit anong proof of purchase ng kasal. sa may pasay ata un.

by kuhracha on August 11, 2010 at 7:51 am. #

ahahha.. ang saya naman.. naiingit ako ng todo.. kainis.. kung kasama ako dun.. ahmm.. pagkakataon ko na kay Vadjee!! :lol:

by lee mi on August 10, 2010 at 5:53 am. #

HANSAKIT SA ULO AATTTTEEE! Hahaha. Flying kiss muna kita! Amuah! :D

by Vajarl on August 10, 2010 at 8:11 am. #

wow.. pag uwi ko.. collect ko lahat ng kiss!!.. :)

by leemi on August 10, 2010 at 2:04 pm. #

Lee Mi, sana andun ka nga para may nakita naman akong aksyon! :P

by salbehe on August 10, 2010 at 9:39 am. #

nakupo naman.. takot ako baka upload mo rin dito.. :lol:

by leemi on August 10, 2010 at 2:08 pm. #

wew. nakakamiss mag-SOGO. hohohoho.

by goyo on August 10, 2010 at 9:25 am. #

Gow Goyo! Every corner has a Sogo. :grin:

by salbehe on August 10, 2010 at 9:50 am. #

haha.pa-virgin ako? Lol. panget sa marina, tapat ng school, nakakahiya pag nakita ng mga classmates at prof.hahaha.

Wala na kaming time magbonding sa sogo e. TIGANG ako. Hahaha.

by goyo on August 11, 2010 at 8:17 am. #

hahahaha! nabasa ko na tong kwento na to kahapon.

bat di mo nilagay yung conversation ninyo tungkol sa VIP room kung saan tinanong pa ni vajee kung ano daw ang ginagawa dun? ano pa, e di nagtotong its. hahahha@ Vaj, talaga.

kow buti pala at di kami nakapunta ni daddy bong. malamang nagenjoy siya ng bonggang bongga. hahahaha!

by kaye on August 10, 2010 at 9:32 am. #

Ah yung kwentong yun, baka kasi sabihin ni Vajee masyado ko syang nilalait. Friends pa naman kami. Atsaka sila ni Kuhrach ang nag-uusap nyan, hindi ko din naman alam kung anong ginagawa sa VIP room.

Oo nga, sa tingin ko mag-eenjoy din si Bong kasi sobrang nag-enjoy si Duking. Tumatayo pa nga sya kapag may babaeng nag-i-isplit para mas lalo nyang makita ang vajayjay.

BWAHAHAHAH!

by salbehe on August 10, 2010 at 9:49 am. #

sa tingin ko, mageenjoy cia momi kaye. lalo na sa susunod nameng adventure: gaybar! pumayag si duking na sumama ulet samen. oha. nakakataas ng kilay. :nod:

by kuhrach on August 10, 2010 at 12:25 pm. #

ahahaha! mali kayo dyan! parehong girly club at gaybar napasok ko na! kaya wala nang thrill! si vaj alam ko matutuwa sa gaybar! me alam ako kung san!

sayang ung isang room… sana tinawagan nyo kami para nagamit… dun naman kami matutulog! :lol:

by bongkito on August 27, 2010 at 1:54 pm. #

Mali ka Mommy Kaye! Hindi sila nag totong its don! Naglalaro sila ng Sasara ang bulaklak bubuka ang bulaklak. Hahahaha.

AAAAAT! Nasa likod lang namen ang VIP rooms! Kumustasa namonsters!

by Vajarl on August 10, 2010 at 6:17 pm. #

wala kayong naririnig sa VIP room? waahahaha! chismosa!

@Kuhrach, join ako sa gaybar. bwahahahaha!

by kaye on August 11, 2010 at 9:55 am. #

kasama ba ako o gusto nyo kayo lang para mas masaya? ok lang naman.:cool:

by bongkito on August 27, 2010 at 1:55 pm. #

At talagang may menu pa pati ang porn channels! LOL. Dapat sinama nyo sa Sogo yung babaeng sumasayaw dun sa pinuntahan nyo.

by Tim on August 10, 2010 at 11:05 am. #

Si Kuhrach, saulo ang porn channel. Wala lang. :cool:

by salbehe on August 10, 2010 at 5:49 pm. #

hona, hona. ako na ang suki noon. ako na ang stockholder noon. nagbago na po aku. :nod:

by kuhracha on August 11, 2010 at 7:53 am. #

uy kakaiba na sila ah! dati huhulaan mo pa kung anong channel yung porn shows nila, ngayon talagang may lantarang nakalaminate na signage ha para alam mo agad kung san ang “tirahan.” at dalawa pa, US/Europe at Asian! asteeg!!! hahahah so sang channel ang tinulugan nyo?!? nyahahah!

by bongkito on August 27, 2010 at 2:04 pm. #

galing magkwento! ayos!!! :grin:

by hoshi on August 10, 2010 at 11:34 am. #

Ewan ko ba ayaw ko naman ikwento ito pinilit nila akong magkwento tapos ito silang puro reklamo. Ah, salamat pala Hoshi! :wink:

by salbehe on August 10, 2010 at 5:50 pm. #

ang sakit ng tiyan ko kakatawa. dito muna ako tatambay. natulog ata si kua jkul eh. hehehe. sama ako sa grand EB ha. :grinnod: :grinnod: :lol:

by -=cuteberl=- on August 10, 2010 at 12:55 pm. #

Kapag ang grand EB ay yung ideya ni Pong, tae lang, sa bahay na lang ako. Bwahahaha. :grinnod:

by salbehe on August 10, 2010 at 5:51 pm. #

ilabas niyo si kuya duking!
nasaan na siya?

by Pong on August 10, 2010 at 2:07 pm. #

Paduday pa si Duking, ayaw magparamdam. :P

by salbehe on August 10, 2010 at 5:51 pm. #

ikaw ang magaling sumayaw diba? hahaha.. for sure super exicted yan gabing yan!

by deng on August 10, 2010 at 3:59 pm. #

Super talaga. Sabi nga ni Cielo (Cielo I miss you na!):

Aanuhin mo ang katabi kung wala naman nangyayari?

Si Vajee ang katabi ko. Tae. Kapag may nangyari magpapakamatay na ako. Bwahahahahha. :grinnod: :lol:

by salbehe on August 10, 2010 at 5:53 pm. #

POTAENAYOU SALBE. Hahaha. Teka Salbe, diba may pekpek shorts project ka? Pang long legged people yun! :lol:

by Vajarl on August 10, 2010 at 6:16 pm. #

[...] ko na tipong naghahang na ang wordpress sa haba. Kaya kung gusto mo ng buong kwento, punta ka dito: Hindi na Virgin si Vajarl. May kwento pa dyan tungkol sa pag SOGO namen after. OO. FIRST TIME KO SA [...]

by Nude Girls Bar | Vajeegum on August 11, 2010 at 9:59 am. #

wahahaha… hangkulet! da best talaga itong si vajackula. :)

by timangkey on August 11, 2010 at 10:34 am. #

wala lang. pahabol na comment bago magsara. :D

by apollo on August 12, 2010 at 11:01 am. #

WALANG KWENTA! WALA KASING ORGY!

by Nuno on August 13, 2010 at 9:46 am. #

lols para kay tagabundoks

by cheese on August 13, 2010 at 9:16 pm. #

hahaha… wala kaming work ngayun.. kaya babad sa blog na to…
kakalungkot naman… nag usap lang kayo sa SOGO hahaha

by Sean on August 13, 2010 at 9:24 pm. #

@ Batang Salbahe..!
bakit off ang comment sa…
emo post mo..?
ramdam na ramdam ko nga eh..!
gustong gusto ko siya..!
anyway..,
musta naman..? :nod:

by Daniel P. Yuson Jr. on August 14, 2010 at 5:41 pm. #

ganda sana makasabay si Pong ng uwi… ala lang!

pakidm pag meron na bidyo.

by toni on August 16, 2010 at 12:20 pm. #

hoi salbehe.. palagay ko magkakasundo tayu haha. may ganyan dn akong story haha maipunlish na nga hehe :) lab it tae… katuwa :)

by keko on September 19, 2010 at 10:48 pm. #

Teka, naaliw ako dito, bukod sa kwento, may mga pagkikita kita palang nagaganap sa mga bloggers. katuwa naman..
:)

by ohyesek on December 29, 2010 at 5:34 pm. #

[...] hindi yan ang kwartong tinulugan ng apat sa sogo. [...]

by 302 | oh my doodles! on January 17, 2011 at 7:33 pm. #