Monday 2nd August 2010
by salbeheKung may pamilyang mas magaling at mas mahilig mag-pressure kesa sa pamilya ko, I want to meet you.
Nitong nakaraang weekend ay nangahas na akong umuwi sa Laguna. Wala na kasi akong maimbento pang dahilan para iwasan si Mamita pero sinigurado kong uuwi din ang dalawa kong kapatid (Essy at Emon) para hindi lang ako ang mapagtuunang pansin ni Mamita. Ang lalim ng Tagalog ko, syet.
Para makaiwas sa single-life-question-and-answer-portion ay pinagdiskitahan namin ang career ni Emon. Recap muna. Si Emon ay consistent honor student, mabuting anak, masipag, etcetera. Fourth year na sya sa kursong B.S. Biology sa UPLB na kalimitang pre-course sa mga gustong mag-doktor. Pero malayong magdoktor si Emon, gusto lang namin syang magdoktor dahil iniisip naming lifetime investment kapag nagdoktor ang isa sa amin. Kaya karaniwan na ang ganitong usapan:
Mamita/Papito/Essy/Salbehe/O kahit sinong kamag-anak: Emon, mag-do-doktor ka?
Emon: Hinde.
Others: Dapat mag-doktor ka.
Emon: Pressure!
Habang nagtatanghalian, tinanong namin si Emon kung anong balak nya pagkatapos grumaduweyt kung hindi sya mag-do-doktor. Sabi nya ay magtatrabaho sya sa Industry. Syempre makulit kami, ang follow up question ay, Anong industry?
Ang sagot ni Emon, Dun sa gumagawa ng beer, nagpa-pack ng gatas, o kaya nagya-Yakult.
Taas bigla ang energy namin ni Essy, Sige sa San Miguel tapos may libre kaming beer! Nakangisi na kami dahil sa lifetime supply ng beer.
Si Mamita? Nakasimangot.
Sa tingin ko hindi pa dito nagtatapos ang usapang pagdodoktor ni Emon. Natutuwa ako dahil wala sa akin ang center of attention. Hihihihi.
And yes, I already told Mamita that I’m into blogging. Pinagtawanan lang nya ang semplang ko.
_________________________________________________________________________
Maraming salamat sa lahat ng nag-la-Like! Like ko din kayo. Like crazy. :lol:

