It’s one of the best feelings in the world, knowing that someone misses you.
Kapag nag-uusap kami ni Emon (bunsong kapatid) sa Facebook, ano pa bang ine-expect mo? Edi kalokohan.
Emon: nasa las pinas daw si Mamita. alam mo ba yun?
Salbehe: hindi. bakit daw?
Emon: ewan. nasa sta. cecilia daw sya ngayon kasama yung mga kamag-anak nya galing sa cagayan…
Salbehe: ahhh.. bakit sa iyo nagsabi?
Emon: reason no. 1: paboritong anak ako
Emon: reason no. 2: tinext ko kasi kailangan ko ng barong tagalog.
Conceited! Ikaw na ang paboritong anak!
Emon: tanong ni Mamita kung kelan ka raw uuwi
Salbehe: tumawag sya kamo
Salbehe: gusto ko sya makausap
Salbehe: namimiss ko na sya
Emon: SINUNGALING!
Okay payn, nagtitipid lang ako sa load.
Feel na feel kong na-mi-miss na ako ni Mamita dahil kaninang umaga lang ay naka anim na text message sya para lang paalalahanan ako na mag-Off lotion, uso na naman daw ang dengue. Noong bata pa kasi ako, nagkaroon ako ng dengue fever at yun ang pagkakataong nakalimutan ni Mamita ang pangalan nya dahil sa sobrang pag-aalala sa akin.
Kaya #1 sa grocery list ko ang Off Lotion. #2 ay load, dahil hindi pa ako nagre-reply na tawagan nya uli ako dahil na-mi-miss ko na sya.

