Thursday 5th August 2010

by salbehe

Ako ang babaeng hindi nadala
Sa hagupit ng tadhana
Nadapa, nasugatan, duguang underwear
Walang kokontra
Pusong hindi alintana
Ga-Ondoy man ang tumira
Kung umasta’y bonggang jabongga
Utak pulboron pala.

Huwag tawaging puta
Huwag husgahang pokpok
Hindi pinagkakakitaan
Ang pagmamahal kong
Sing-tamis ng wine
Sin-tatag ng sunshine
Sinta.

Tuwid ang paa
Tigas ang tuhod
Kung mata’y tirik
Lawakan pa ang pagbuka
Ng kamalayang malaya
Gagawa ng paraan
Maisingit lang ang tema.

Punyetang kontes ito
Sapilitan ang suporta
Ano ang resulta?
Wala na nga
Wala.

Ang tae tae ko lang talaga
Gumawa ng tula
Sa pag-ibig pa kaya?

__________________________________________________________________________
Sa mga blogger na magiging hurado ng kontes na ito, kapag mababa ang iskor ko ay isa lang ang ibig sabihin nun – hindi nyo naintindihan ang tula ko. Ayaw kong sabihan kayong bobo dahil hindi ako mapanghusga. Si Vajarl lang ang mapanghusga.

BUKAS ANG KOMENT para sa mga panlalait nyo. Bring it on! :)

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

139 Responses to “Pag-ibig”

  1. [...] Emo Post of the Year – Pag-ibig ni Salbehe May post na pinadugo ang puso sa kaemohan, pero walang panama ang duguang [...]

  2. Picanturbo says:

    All i can say is WTF after i read the line “duguang underwear”. Two thumbs up for you sal :nod:

  3. yin says:

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    kidnapin na lang natin si kulisap. alam ko kung saan siya dumadaan.

  4. cheese says:

    WTF FTW GJ LOL

  5. bongkito says:

    okay na salbe e! nadala mo na ko tapos biglang may tae sa dulo?!? anu yun?!? hahahah :lol:

    ano na vhalita sa yo?

  6. definella says:

    panalo sa lyrics
    kumakanta habang tumutula :)

  7. Sphere says:

    may nakapagsabi sakin dati na pwede ka naman daw magmahal ng hindi ka nagagalusan, nadadapa o nasasaktan hanggang ngayon hinahanap ko ang nagsabi nyan sakin at itanong sa kanya kung marunong ba syang magmahal o di kaya eh nakaranas na ba syang magmahal at mahalin?

  8. Pong says:

    ikaw na, ikaw na ang pinakamaraming koment sa lahat ng mga entries
    ikaw na

    ate salbe!

  9. etchosera says:

    ang ganda ng tula un nga lang bigla nag mura sabay tae hahaha.

    adik ka talaga salbe

  10. Benh says:

    hello! nagbasa at nagbigay puntos! ingat po!

    • salbehe says:

      Sana mataas ang ibinigay mo sa aking puntos. Ano kasi.. kailangan ko ng relo sa tatay ko dahil birthday nya ngayong Agosto. (Paawa) :no:

  11. Daniel Yuson says:

    @ Salbahe..!
    bad girl ka..!
    see you at the…
    principal’s office after this okay..?
    hahahahhahahahahahahhaha..!
    nagulantang ako sa tula mo..!
    but i love it though..!
    and yes..!
    naintindihan ko naman siya..!
    hahahahahhahahahahha..!
    kung ito ay…
    tula ng estudyante ko..,
    i’ll give you a grade of..:
    90 %..!
    for the gulat factor..! ;)

    • salbehe says:

      Hi Daniel. Hindi naman ako bad girl, hindi lang ako mapagpanggap. Buti na lang hindi mo ako estudyante kasi mas gugulatin pa kita. Salamat sa pag-iwan ng koment! :wink:

  12. arny says:

    :grinnod: pwedeng bumoto ng isang milyon dito?

  13. lio loco says:

    aling pag-ibig pa ang hihigit kaya/ sa pagkadalisay at sa pagkadakila?

    yung tula mo salbehe, parang tula lang ni pareng andres bonifacio. teka si andres bonifacio ba un? o si pareng pepe rizal? di ko na maalala.

    basta, ang kyut ng entry mo sa pag-ibig pakontes shit ni ser jakul. hehe. :p

  14. unni says:

    boom
    napatawa ako sa tula hehee
    habang binabasa ko ito nilalagyan ko ng tono lols~~
    you rock salbehe hehe

  15. hahaha, nice one salbe! napaliyad ako! panalo, thumbs up!

  16. Pong says:

    ate salbe
    inijan mo ako sa videoke
    ahahaha
    napaawit ako sa pagibig mong sing tamis ng wine sintatag ng sunshine
    sing linis pero di sing mahal

    ano kasi eh
    kasi eh
    kasi eh

    salamat at open na koments para dito sana magtuloy tuloy na ito

    dadating din siya ate salbe
    yun nalang muna!
    be blesssed pO!

  17. Tubi says:

    hangkulet! :lol:

    kakaiba to sa mga nabasa ko.

    teka mabasa nga ulet :lol:

    sa isang banda, nakakatuwa na nakakatawa din kasi minsan ang lab.
    (lalo na pag naaalala ko ang mga katangahang ginawa ko) :lol:

  18. greta says:

    palong palo!nakakatouch kahit barubalan na! :nod:

  19. [...] 11.Salbehe na Medusa pa, Karimlan 12.Metaporista [...]

  20. Roy says:

    ang ganda! buti na lang hindi ako hurado, kundi biased na ako dito hahaha…

    napadaan lang po, pero mukhang mapapabalik ulit :)

  21. arnie says:

    ayus panalong panalo na ang iyong tula…hehehe angkop na angkop sa temang pag-ibig..hahahaha

  22. zarah says:

    wahahaha pabasa mo toh sa magiging boyps mo salbe hehe para maaliw hekz

    ganda ng tula bagong talent hehe.. teka nabobo ata ko diko nagets hehehe lolz :lol:

    • salbehe says:

      Zarah! Good to see you sa MRT noong isang araw. Saan ka na pumupwesto? Huwag sa Aurora bridge, last na punta ko dun madami ng ka-kompetisyon. Ahhh nga pala, saan ang punta mo? :lol: :love:

      • zarah says:

        wahahaha salbe.. di ko ba nasabi sau na SAUYO ang punta ko?? haha yan na ang bago kong ruta.. lolz :grinnod:

        hekz bitin ang kwentuhan natin ng pagkadapa mo ehh.. :lol:

  23. J. Kulisap says:

    Potek. Kagabi nasa sasakyan ako, minimemorize ko ang tula mo. Leche.
    Sabi ko bakit duguang underwear? May regla o dahil dumugo sa unang yarian? Jabongga. Family

  24. goyo says:

    pamura ako please?! Tang inang duguang underwear yan! Hahahahaha!

    • salbehe says:

      Palasak na kasi ang “duguang puso”, hello? may dugo naman talaga ang puso. Ang underwear minsan lang dinudugo, kapag may regla. Bwahahahahaha!
      (copy-paste hehe)

  25. IKAY says:

    paak! paak! win na win na itech! hehehehe
    :grinnod:

  26. Jon Cabron says:

    ‘alangya nagiisip pa naman ako sumali sana d’yan… ‘wag na lang.
    seryoso, ang galing mo. :nod:

  27. Benh says:

    hello po! Done reading your poem. Nice entry po! :)

  28. joyo says:

    bwahahahaha salbe panalo ko na! alabet! :lol:

  29. Karla says:

    FTW po ito! :D

    Nalito tuloy ako kung sino ang tunay na makata, ikaw ba o ang Aegis? Sintaaa!

  30. len says:

    wow pumapagibig.. hehehe :grin:

    saka wow, may comment section na here.. hehe

  31. Yow says:

    Haha. Wow. Ngayon lang ako nakaexperience na pwede yung comment. Nakakatawa yung tula mo. Hahaa. Contest pala ito? Kaya pala puro ganun ang nababasa ko. Haha. Like! :lol:

  32. romeo says:

    nice tula, hindi ka dapat madala sa pag ibig, ang saya kaya.

  33. Vajarl says:

    BOHAHAHAHAHAHAHAHA.

    Ok na ba ang comment na to? Lolmuch.

  34. ajlation says:

    wahahaha,,fresh na fresh pa pala ito

    haha ate salbe ayus…gusto ko to :lol:

    • salbehe says:

      Yeah, fresh na fresh. Kasing fresh ng mga isda sa palengke.

      Salamat sa pagbisita ajlation! :) May entry ka na ba? Hindi ko pa yata nababasa.

  35. kayedee says:

    magnda xa salbe kung tinuloy mo lang a sineryoso =)

  36. [...] ang salitang yan^^) habang nagbabasa ng mga lahok, nag rema sa akin ang mga katagang iniwan ni ate salbe sa lahok ni badet (promotion ito haha) “…Katulad ng pag-ibig, ito ay hindi hinuhusgahan [...]

  37. Nuno says:

    taenaman.tinayuan ako ng balahibo. LOL :lol:

  38. gnehpalle02 says:

    ang kulit bb. salbe cute… mukhang magandang laban ang mangyayari. :lol:

  39. kuhracha says:

    oo nga pala. may bayad ang pokpok. ang di mapagkait ng pagmamahal eh malibog. :grin:

  40. sows says:

    tae. sau ko yan nakuha.

    kaloka ang mga huhusga sa tula mo. may pagbabanta.
    :cool:

    • salbehe says:

      Tae, sa kubeta yan nakukuha. Hahahaha. Wala na kasing manghusga, hayaan na lang natin si Vajee lang ang mapanghusga. :nod: :grinnod:

  41. yakee says:

    ate nakakatawe siya hehehe i liked. :grinnod:

  42. badet says:

    kulit ni ms. salbe :)

    hehe

    nga pla. panu po makakakuha ng blog badge nyo? :) tenx :lol:

    • salbehe says:

      Salamat sa pagdaan badet. Wala akong badge na pinamimigay, ewan ko ba bakit nagkaroon ng badge ko yung ibang blogger, kasuhan ko sila eh! Hahaha. Joke lang. Sige gagawa na ako ng badge para sa iyo. :wink:

      • badet says:

        ahehehe :)
        cge po ms. salbe, hihintayin ko poh ah?
        may nakita nga poh akong badge nyo kaya ko natanong.. hehe
        buti naman nagpaalam ako, haha bka makasauhan din ako! ehehe :lol:

  43. daddy kuri says:

    ang pag-ibig matamis, masarap, masakit, nakakaadik.

    perfect 10. salbehe FTW!

  44. toni says:

    pasaway ka talaga Salbe.

    haymishu!

    • salbehe says:

      PAsaway ka din toni! Hindi na lang ako nagpakoment hindi ka na din nagparamdam. Lurker na lurker talaga ang dating mo! Minsan nga magbubukas ako ng koment para makausap ka kasi miss na miss na miss na din kita. Like crazy. :blush:

  45. kaye says:

    ahahahha! napakanta naman ako in fernez. rakenrol ka talaga, salbe!

  46. kikilabotz says:

    ikaw na po ang panalo salbe..ikaw a. bwahahahahah

    • salbehe says:

      Eto kikilabotz taeng tula, yung sa iyo ay tae talaga. Sa aspetong tae mas panalo ka. :grinnod: :lol:

      Hello hello! Salamat sa pagbisita!

  47. geylii says:

    ahahaha ! pinatawa mo na naman ako teh haha ! pag nagkita tayo sampolan mo nga ako ng mga ganyang banat mo. haha! kala ko pagibig tema ni kuya maiinlove ako o kaya maddepress ako sa mga ibabahaging kwento. haha! kaiba ka

  48. J. Kulisap says:

    Dont worry, samahan kitang mamili sa divisoria, anong tatak ng relo ang gusto mo? O kaya, swipe ka sa credit card mo, trip mo naman yan.

    Maganda ang tula.Nandun sa duguang underwear at paninigas ng tuhod ang sagot sa pag-ibig. Basagan at bangasan

    • salbehe says:

      Gusto ko yung Item#: 11924947. Black PVD Case, Quartz Movement, Men’s, Black Dial, Black PVD Bezel, Black Rubber Strap, Mineral Glass, Italian Design, Large Dial Watch, Tang Buckle, Water Resistance 30 meters.

      Wala nyan sa Divisoria at ayaw ko na gumamit ng credit card.

      Palasak na kasi ang “duguang puso”, hello? may dugo naman talaga ang puso. Ang underwear minsan lang dinudugo, kapag may regla. Bwahahahahaha!

  49. essy says:

    ampness! romantikong bastos! :lol:

  50. jongskie says:

    ibig ba sabihin nito bobo ako? di ko kasi na gets… LOL… :lol:

  51. beeftapa says:

    ang kulet tlga! hahaha
    barubal man pagkakasabi, gusto ko ung pangalawang stanza, hindi pinagkakakitaan.

    pero parang mas ok ata yung tuwid ang paa at tigas ang tuhod! panalo sa banat! hahaha

  52. J. Kulisap says:

    Kapag pinakamababang grado ang nakuha ni Salbe,wala na nga..wala.

    Salamat Salbe.

    Salamat.

  53. superlolo says:

    Kung di papasukin ang masalimuot na mundo ng Pag-ibig ay di makakamit ang tunay na kaligayahan na dulot ng tunay na pagmamahalan. Gusto ko ang iyong pagmamahal:

    “Sing-tamis ng wine….Sin-tatag ng sunshine”

    • salbehe says:

      “Sintaaaa..” Kanta po yan superlolo. Paborito ko yan ngayon. Hihihihi. Salamat po sa pag-iwan ng koment. Namiss ko ang koment. :grin:

  54. -=cuteberl=- says:

    di man ako ang base. tawa naman ako ng tawa. nice poem. lalo na ung line na ito:

    Ang pagmamahal kong
    Sing-tamis ng wine
    Sin-tatag ng sunshine
    Sinta.

    Parang kumanta lang sa videoke. hehehe. great job.

  55. lambing says:

    hahahaha ang galing galing wuhooooo

    ang sakit sa tyan salbe

    anong magagawa nila ganyan talaga kapag nagmamahal apir! :lol:

  56. aninipot says:

    wahahaha, tantado nga pero ang ganda…hahahaha

  57. cielo says:

    p@kingSh#t! hahaha

    gusto ko yung duguang underwear..

  58. kuhracha says:

    base!

The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: