Pag-ibig
by salbehe on August 5, 2010
Ako ang babaeng hindi nadala
Sa hagupit ng tadhana
Nadapa, nasugatan, duguang underwear
Walang kokontra
Pusong hindi alintana
Ga-Ondoy man ang tumira
Kung umasta’y bonggang jabongga
Utak pulboron pala.
Huwag tawaging puta
Huwag husgahang pokpok
Hindi pinagkakakitaan
Ang pagmamahal kong
Sing-tamis ng wine
Sin-tatag ng sunshine
Sinta.
Tuwid ang paa
Tigas ang tuhod
Kung mata’y tirik
Lawakan pa ang pagbuka
Ng kamalayang malaya
Gagawa ng paraan
Maisingit lang ang tema.
Punyetang kontes ito
Sapilitan ang suporta
Ano ang resulta?
Wala na nga
Wala.
Ang tae tae ko lang talaga
Gumawa ng tula
Sa pag-ibig pa kaya?
__________________________________________________________________________
Sa mga blogger na magiging hurado ng kontes na ito, kapag mababa ang iskor ko ay isa lang ang ibig sabihin nun – hindi nyo naintindihan ang tula ko. Ayaw kong sabihan kayong bobo dahil hindi ako mapanghusga. Si Vajarl lang ang mapanghusga.
BUKAS ANG KOMENT para sa mga panlalait nyo. Bring it on! :)


139 comments
Base! :P
by salbehe on August 5, 2010 at 12:00 pm. #
pa uso? :lol:
by jongskie on August 5, 2010 at 1:21 pm. #
base!
by kuhracha on August 5, 2010 at 12:07 pm. #
tawa ako ng tawa salbe. :lol: di ako maciadong bobo kaya sa tingin ko naintindihan ko.
by kuhracha on August 5, 2010 at 12:09 pm. #
Salamat Kuhrach. :love: Huwag masyadong mag-isip para maintindihan ang tula.
by salbehe on August 5, 2010 at 12:56 pm. #
p@kingSh#t! hahaha
gusto ko yung duguang underwear..
by cielo on August 5, 2010 at 12:16 pm. #
Wag ka na kumontra cielo. :P
by salbehe on August 5, 2010 at 12:56 pm. #
wahahaha, tantado nga pero ang ganda…hahahaha
by aninipot on August 5, 2010 at 12:35 pm. #
Sinong nagsabing tantado? Tantado din sya. :grinnod:
by salbehe on August 5, 2010 at 12:58 pm. #
hahahaha ang galing galing wuhooooo
ang sakit sa tyan salbe
anong magagawa nila ganyan talaga kapag nagmamahal apir! :lol:
by lambing on August 5, 2010 at 12:42 pm. #
Salamat Lambing :cool: Anong ibig mong sabihin? Hahaha.
by salbehe on August 5, 2010 at 12:59 pm. #
di man ako ang base. tawa naman ako ng tawa. nice poem. lalo na ung line na ito:
Ang pagmamahal kong
Sing-tamis ng wine
Sin-tatag ng sunshine
Sinta.
Parang kumanta lang sa videoke. hehehe. great job.
by -=cuteberl=- on August 5, 2010 at 12:47 pm. #
Ma-praktis nga yan at makanta sa susunod na videoke galore! :nod: Salamat sa pagbisita cuteberl.
by salbehe on August 5, 2010 at 1:01 pm. #
oist! sige magkabugan kayo ni kuhrach sa pagkanta nito. hahaha! :lol: :grinnod:
by kaye on August 5, 2010 at 1:58 pm. #
ang totoo, napakanta ako momi kaye nun nabasa ko. :nod:
by kuhracha on August 5, 2010 at 3:22 pm. #
Napakanta ka? Epektib! :P
by salbehe on August 5, 2010 at 5:18 pm. #
Si Kuhrach ba ang ka-tandem ko? Huwag na. Balik na lang ako sa Kokomo. :love:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:17 pm. #
Kung di papasukin ang masalimuot na mundo ng Pag-ibig ay di makakamit ang tunay na kaligayahan na dulot ng tunay na pagmamahalan. Gusto ko ang iyong pagmamahal:
“Sing-tamis ng wine….Sin-tatag ng sunshine”
by superlolo on August 5, 2010 at 12:49 pm. #
“Sintaaaa..” Kanta po yan superlolo. Paborito ko yan ngayon. Hihihihi. Salamat po sa pag-iwan ng koment. Namiss ko ang koment. :grin:
by salbehe on August 5, 2010 at 1:04 pm. #
Kapag pinakamababang grado ang nakuha ni Salbe,wala na nga..wala.
Salamat Salbe.
Salamat.
by J. Kulisap on August 5, 2010 at 12:59 pm. #
Gusto ko ng relo Jakul. Kapag hindi naibigay sa akin yun, tae lang. Tae. :grin: :lol:
by salbehe on August 5, 2010 at 1:08 pm. #
ang kulet tlga! hahaha
barubal man pagkakasabi, gusto ko ung pangalawang stanza, hindi pinagkakakitaan.
pero parang mas ok ata yung tuwid ang paa at tigas ang tuhod! panalo sa banat! hahaha
by beeftapa on August 5, 2010 at 1:25 pm. #
Barubal ba? Pasensya na. Mahinhin ako sa personal, maniwala ka. :roll:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:19 pm. #
Kung mahinhin ka sa personal, ako ang totoong maria clara. :grin:
by kuhracha on August 5, 2010 at 5:27 pm. #
Pucha nagkakatantaduhan sa comments section mo Salbe! Email nalang ule! Haha.
by Vajarl on August 6, 2010 at 9:03 am. #
kaya pala sinasara ni salbe tong comment section, nagkakalokohan. hahaha
by beeftapa on August 7, 2010 at 12:41 pm. #
Ta-maaa! :grin:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:03 pm. #
ibig ba sabihin nito bobo ako? di ko kasi na gets… LOL… :lol:
by jongskie on August 5, 2010 at 1:29 pm. #
Huwag ka masyadong mag-isip jongski. Yun lang.
Ahh.. teka! Baka kasi masyadong kang inlab kaya hindi ka na makapag-isip! :cool:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:20 pm. #
baka ganun nga? hmmmmmmm dahil inlab ako, diba dpat mas gets ko? AHAHAH :lol:
by jongskie on August 7, 2010 at 3:25 pm. #
ampness! romantikong bastos! :lol:
by essy on August 5, 2010 at 1:30 pm. #
Parang ikaw. :nod:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:21 pm. #
Dont worry, samahan kitang mamili sa divisoria, anong tatak ng relo ang gusto mo? O kaya, swipe ka sa credit card mo, trip mo naman yan.
Maganda ang tula.Nandun sa duguang underwear at paninigas ng tuhod ang sagot sa pag-ibig. Basagan at bangasan
by J. Kulisap on August 5, 2010 at 1:34 pm. #
Gusto ko yung Item#: 11924947. Black PVD Case, Quartz Movement, Men’s, Black Dial, Black PVD Bezel, Black Rubber Strap, Mineral Glass, Italian Design, Large Dial Watch, Tang Buckle, Water Resistance 30 meters.
Wala nyan sa Divisoria at ayaw ko na gumamit ng credit card.
Palasak na kasi ang “duguang puso”, hello? may dugo naman talaga ang puso. Ang underwear minsan lang dinudugo, kapag may regla. Bwahahahahaha!
by salbehe on August 5, 2010 at 5:25 pm. #
nakalimutan mo ‘yung kapag nawasak ang hymen. hihihi!
by lio loco on August 7, 2010 at 2:12 pm. #
ahahaha ! pinatawa mo na naman ako teh haha ! pag nagkita tayo sampolan mo nga ako ng mga ganyang banat mo. haha! kala ko pagibig tema ni kuya maiinlove ako o kaya maddepress ako sa mga ibabahaging kwento. haha! kaiba ka
by geylii on August 5, 2010 at 1:44 pm. #
Salamat naman napatawa kita geylii. Salamat din sa mga promotion mo, na-tats naman ako. :blush:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:28 pm. #
gagawin ko ang lahat, mailibre mo lang po ako hahahaha ! excited na kuu
by geylii on August 6, 2010 at 1:53 pm. #
ikaw na po ang panalo salbe..ikaw a. bwahahahahah
by kikilabotz on August 5, 2010 at 1:53 pm. #
Eto kikilabotz taeng tula, yung sa iyo ay tae talaga. Sa aspetong tae mas panalo ka. :grinnod: :lol:
Hello hello! Salamat sa pagbisita!
by salbehe on August 5, 2010 at 5:29 pm. #
ahahahha! napakanta naman ako in fernez. rakenrol ka talaga, salbe!
by kaye on August 5, 2010 at 1:57 pm. #
lam mo ate Kaye, kung anong seryoso nong ginawa mo sya namang kulet nitong ke Salbe.
by toni on August 5, 2010 at 2:06 pm. #
hahaha! sanay na ko diyan, ading. walang normal basta si salbe ang sumulat. ahahahha!
by kaye on August 10, 2010 at 9:06 am. #
@Kaye, napakanta ka din? Epektib talaga! Pero ang totoo nyan, ganyan ang pag-ibig ko, matamis at matatag. Sinta. :grin:
@Toni, kelan ba ako nagseryoso? Chos ka! :cool:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:33 pm. #
teka Be, anong kanta yan? di ko magets? sorry unfamiliar lang.
by bongkito on August 9, 2010 at 2:39 pm. #
pasaway ka talaga Salbe.
haymishu!
by toni on August 5, 2010 at 2:03 pm. #
PAsaway ka din toni! Hindi na lang ako nagpakoment hindi ka na din nagparamdam. Lurker na lurker talaga ang dating mo! Minsan nga magbubukas ako ng koment para makausap ka kasi miss na miss na miss na din kita. Like crazy. :blush:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:36 pm. #
ababaaa! at pano mo nga ko mararamdaman eh niclose mo koment, parati kaya ako nadaan dito.
by toni on August 7, 2010 at 11:55 am. #
ang pag-ibig matamis, masarap, masakit, nakakaadik.
perfect 10. salbehe FTW!
by daddy kuri on August 5, 2010 at 2:04 pm. #
FTW = FaTaWa lang po. :grin:
daddy kuri, sali ka din sa kontes, mukhang madami kang pag-ibig ngayon. :cool:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:40 pm. #
kulit ni ms. salbe :)
hehe
nga pla. panu po makakakuha ng blog badge nyo? :) tenx :lol:
by badet on August 5, 2010 at 2:26 pm. #
Salamat sa pagdaan badet. Wala akong badge na pinamimigay, ewan ko ba bakit nagkaroon ng badge ko yung ibang blogger, kasuhan ko sila eh! Hahaha. Joke lang. Sige gagawa na ako ng badge para sa iyo. :wink:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:42 pm. #
ahehehe :)
cge po ms. salbe, hihintayin ko poh ah?
may nakita nga poh akong badge nyo kaya ko natanong.. hehe
buti naman nagpaalam ako, haha bka makasauhan din ako! ehehe :lol:
by badet on August 5, 2010 at 11:19 pm. #
ate nakakatawe siya hehehe i liked. :grinnod:
by yakee on August 5, 2010 at 2:53 pm. #
Salamat Yakee. Gusto ko din yung gawa mo, nakakainggit. :no: Ang gagaling nyo!
by salbehe on August 5, 2010 at 5:45 pm. #
tae. sau ko yan nakuha.
kaloka ang mga huhusga sa tula mo. may pagbabanta.
:cool:
by sows on August 5, 2010 at 3:23 pm. #
Tae, sa kubeta yan nakukuha. Hahahaha. Wala na kasing manghusga, hayaan na lang natin si Vajee lang ang mapanghusga. :nod: :grinnod:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:46 pm. #
oo nga pala. may bayad ang pokpok. ang di mapagkait ng pagmamahal eh malibog. :grin:
by kuhracha on August 5, 2010 at 3:25 pm. #
No further comment. :P
by salbehe on August 5, 2010 at 5:47 pm. #
ang kulit bb. salbe cute… mukhang magandang laban ang mangyayari. :lol:
by gnehpalle02 on August 5, 2010 at 3:34 pm. #
Makulit lang ang tula ko gnehpalle02, sana may laban nga. :no:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:53 pm. #
taenaman.tinayuan ako ng balahibo. LOL :lol:
by Nuno on August 5, 2010 at 4:42 pm. #
Balahibo lang ang tumayo? Baka may ibang kumislot. :grinnod:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:53 pm. #
[...] ang salitang yan^^) habang nagbabasa ng mga lahok, nag rema sa akin ang mga katagang iniwan ni ate salbe sa lahok ni badet (promotion ito haha) “…Katulad ng pag-ibig, ito ay hindi hinuhusgahan [...]
by saan matatagpuan ang PAG-IBIG? « Saving Grace on August 5, 2010 at 4:46 pm. #
Ulitin ko lang, salamat sa promotion! :love:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:54 pm. #
magnda xa salbe kung tinuloy mo lang a sineryoso =)
by kayedee on August 5, 2010 at 5:22 pm. #
Kung tinuloy ko itong seryoso, syet hindi na ako yun. :wink:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:55 pm. #
Maisingit ko lang din, seryoso ako sa tulang yan. Hindi lang halata. :grin:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:57 pm. #
wahahaha,,fresh na fresh pa pala ito
haha ate salbe ayus…gusto ko to :lol:
by ajlation on August 5, 2010 at 5:24 pm. #
Yeah, fresh na fresh. Kasing fresh ng mga isda sa palengke.
Salamat sa pagbisita ajlation! :) May entry ka na ba? Hindi ko pa yata nababasa.
by salbehe on August 5, 2010 at 5:58 pm. #
BOHAHAHAHAHAHAHAHA.
Ok na ba ang comment na to? Lolmuch.
by Vajarl on August 5, 2010 at 5:37 pm. #
Okay na Vajee, huwag ka na magkoment pa. Yung mga ganyang tipo lang ng koment ang habol ko sa iyo. :grin:
by salbehe on August 5, 2010 at 5:59 pm. #
nice tula, hindi ka dapat madala sa pag ibig, ang saya kaya.
by romeo on August 5, 2010 at 5:58 pm. #
Hindi naman ako nadadala sa pag-ibig, baka pag-ibig pa magsawa sa akin. :cool:
by salbehe on August 6, 2010 at 11:58 am. #
Haha. Wow. Ngayon lang ako nakaexperience na pwede yung comment. Nakakatawa yung tula mo. Hahaa. Contest pala ito? Kaya pala puro ganun ang nababasa ko. Haha. Like! :lol:
by Yow on August 5, 2010 at 7:29 pm. #
Kontes nga ito Yow! Sali na para lalong magkagulo. :love:
by salbehe on August 6, 2010 at 11:58 am. #
wow pumapagibig.. hehehe :grin:
saka wow, may comment section na here.. hehe
by len on August 5, 2010 at 10:40 pm. #
Ngayon lang bukas ang koment Len, espesyal edition din kasi ito, parang yung pakontes ni Jakul. :nod:
by salbehe on August 6, 2010 at 11:59 am. #
FTW po ito! :D
Nalito tuloy ako kung sino ang tunay na makata, ikaw ba o ang Aegis? Sintaaa!
by Karla on August 6, 2010 at 3:23 am. #
Syempre ang Aegis. Ang tae kaya ng tula ko. :roll:
by salbehe on August 6, 2010 at 11:59 am. #
bwahahahaha salbe panalo ko na! alabet! :lol:
by joyo on August 6, 2010 at 5:09 am. #
Joyo, alam mo naman ako, parang adik katulad mo! :P
by salbehe on August 6, 2010 at 12:00 pm. #
hello po! Done reading your poem. Nice entry po! :)
by Benh on August 6, 2010 at 6:37 am. #
Nabasa ko na din ang entry mo Benh, ang ganda ng mga binitawan mong salita. :wink:
by salbehe on August 6, 2010 at 12:04 pm. #
‘alangya nagiisip pa naman ako sumali sana d’yan… ‘wag na lang.
seryoso, ang galing mo. :nod:
by Jon Cabron on August 6, 2010 at 7:17 am. #
WOW! Jon Cabron! Salamat sa pagbisita. Sumali ka, magugulantang ka sa mga pag-ibig nila. :cool:
by salbehe on August 6, 2010 at 5:26 pm. #
paak! paak! win na win na itech! hehehehe
:grinnod:
by IKAY on August 6, 2010 at 8:22 am. #
Ikay kapag hindi ako nanalo magwelga tayo! Dali na para may kasama ako. :grin:
by salbehe on August 6, 2010 at 5:27 pm. #
:lol: cge cge isasama ko mga cameleo d2 at mga tupa…hehehehe :P
by IKAY on August 9, 2010 at 4:49 pm. #
pamura ako please?! Tang inang duguang underwear yan! Hahahahaha!
by goyo on August 6, 2010 at 8:34 am. #
Palasak na kasi ang “duguang puso”, hello? may dugo naman talaga ang puso. Ang underwear minsan lang dinudugo, kapag may regla. Bwahahahahaha!
(copy-paste hehe)
by salbehe on August 6, 2010 at 5:30 pm. #
Potek. Kagabi nasa sasakyan ako, minimemorize ko ang tula mo. Leche.
Sabi ko bakit duguang underwear? May regla o dahil dumugo sa unang yarian? Jabongga. Family
by J. Kulisap on August 6, 2010 at 8:46 am. #
Minimemorize mo? Na-tats naman ako. FAMILY na din. :lol:
by salbehe on August 6, 2010 at 5:32 pm. #
wahahaha pabasa mo toh sa magiging boyps mo salbe hehe para maaliw hekz
ganda ng tula bagong talent hehe.. teka nabobo ata ko diko nagets hehehe lolz :lol:
by zarah on August 6, 2010 at 9:45 am. #
Zarah! Good to see you sa MRT noong isang araw. Saan ka na pumupwesto? Huwag sa Aurora bridge, last na punta ko dun madami ng ka-kompetisyon. Ahhh nga pala, saan ang punta mo? :lol: :love:
by salbehe on August 6, 2010 at 5:36 pm. #
wahahaha salbe.. di ko ba nasabi sau na SAUYO ang punta ko?? haha yan na ang bago kong ruta.. lolz :grinnod:
hekz bitin ang kwentuhan natin ng pagkadapa mo ehh.. :lol:
by zarah on August 9, 2010 at 6:25 pm. #
ayus panalong panalo na ang iyong tula…hehehe angkop na angkop sa temang pag-ibig..hahahaha
by arnie on August 6, 2010 at 10:19 am. #
Salamat Tito Arnie (makiki Tito na din). :blush:
by salbehe on August 6, 2010 at 5:37 pm. #
ang ganda! buti na lang hindi ako hurado, kundi biased na ako dito hahaha…
napadaan lang po, pero mukhang mapapabalik ulit :)
by Roy on August 6, 2010 at 1:37 pm. #
Sumali ka sa kontes Roy para maging instant hurado ka. Dali! Dagdag sa score ko. :love:
by salbehe on August 6, 2010 at 5:46 pm. #
[...] 11.Salbehe na Medusa pa, Karimlan 12.Metaporista [...]
by Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin on August 6, 2010 at 5:24 pm. #
palong palo!nakakatouch kahit barubalan na! :nod:
by greta on August 6, 2010 at 10:20 pm. #
Salamat greta sa pagbista. Natats ako. Balik ka uli. :love:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:06 pm. #
hangkulet! :lol:
kakaiba to sa mga nabasa ko.
teka mabasa nga ulet :lol:
sa isang banda, nakakatuwa na nakakatawa din kasi minsan ang lab.
(lalo na pag naaalala ko ang mga katangahang ginawa ko) :lol:
by Tubi on August 6, 2010 at 10:21 pm. #
Hi Tubi. Sasang-ayon ako sa iyo. Nakakatuwa. Kakakatawa. Nakakabastos. Nakakasuka. Nakakabobo. Nakakatae. :cool:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:07 pm. #
ate salbe
inijan mo ako sa videoke
ahahaha
napaawit ako sa pagibig mong sing tamis ng wine sintatag ng sunshine
sing linis pero di sing mahal
ano kasi eh
kasi eh
kasi eh
salamat at open na koments para dito sana magtuloy tuloy na ito
dadating din siya ate salbe
yun nalang muna!
be blesssed pO!
by Pong on August 6, 2010 at 11:50 pm. #
be blesssed din pong!
(bigla ka noh? Haha)
by salbehe on August 9, 2010 at 1:08 pm. #
Thank you LORD!
kuya vajjjjjjjjjjj
mam kuhrachhhhhhhhhh!
kuya kulisap!!!!!!!!!
kahit hindi ako manalo sa kontest sapat na to!
by Pong on August 9, 2010 at 5:17 pm. #
hahaha, nice one salbe! napaliyad ako! panalo, thumbs up!
by Super Balentong on August 7, 2010 at 12:13 am. #
Sana nakita ko ang mismong pagliyad mo. Yun ang mas panalo. :grinnod:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:09 pm. #
boom
napatawa ako sa tula hehee
habang binabasa ko ito nilalagyan ko ng tono lols~~
you rock salbehe hehe
by unni on August 7, 2010 at 10:15 am. #
Salamat unni! Friend na ba tayo sa Plurk? Add mo ako. Magtaehan tayo dun. HIhihi. :lol:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:10 pm. #
aling pag-ibig pa ang hihigit kaya/ sa pagkadalisay at sa pagkadakila?
yung tula mo salbehe, parang tula lang ni pareng andres bonifacio. teka si andres bonifacio ba un? o si pareng pepe rizal? di ko na maalala.
basta, ang kyut ng entry mo sa pag-ibig pakontes shit ni ser jakul. hehe. :p
by lio loco on August 7, 2010 at 2:01 pm. #
Kyut. Yan ang pinaka-kyut na adjective na naibigay sa tula ko. :love: Salamat Lio!
by salbehe on August 9, 2010 at 1:11 pm. #
:grinnod: pwedeng bumoto ng isang milyon dito?
by arny on August 7, 2010 at 6:52 pm. #
Kung pwede lang ang ganyan arny! Nanghakot na ako ng mga kaibigan ko para bumoto ng sapilitan. :cool:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:15 pm. #
@ Salbahe..!
bad girl ka..!
see you at the…
principal’s office after this okay..?
hahahahhahahahahahahhaha..!
nagulantang ako sa tula mo..!
but i love it though..!
and yes..!
naintindihan ko naman siya..!
hahahahahhahahahahha..!
kung ito ay…
tula ng estudyante ko..,
i’ll give you a grade of..:
90 %..!
for the gulat factor..! ;)
by Daniel Yuson on August 7, 2010 at 7:17 pm. #
Hi Daniel. Hindi naman ako bad girl, hindi lang ako mapagpanggap. Buti na lang hindi mo ako estudyante kasi mas gugulatin pa kita. Salamat sa pag-iwan ng koment! :wink:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:17 pm. #
hello! nagbasa at nagbigay puntos! ingat po!
by Benh on August 8, 2010 at 10:58 am. #
Sana mataas ang ibinigay mo sa aking puntos. Ano kasi.. kailangan ko ng relo sa tatay ko dahil birthday nya ngayong Agosto. (Paawa) :no:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:18 pm. #
ang ganda ng tula un nga lang bigla nag mura sabay tae hahaha.
adik ka talaga salbe
by etchosera on August 8, 2010 at 1:15 pm. #
Naman etchosera! Pareho pareho tayong adik, iba iba lang ng level. Mas adik ka! Bwahahahah! :grinnod:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:19 pm. #
ikaw na, ikaw na ang pinakamaraming koment sa lahat ng mga entries
ikaw na
ate salbe!
by Pong on August 8, 2010 at 4:29 pm. #
Sinasamantala lang nila ang bukas kong koment dahil sa susunod sarado na uli. Salamat sa pagkokoment ninyong lahat! :nod:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:20 pm. #
may nakapagsabi sakin dati na pwede ka naman daw magmahal ng hindi ka nagagalusan, nadadapa o nasasaktan hanggang ngayon hinahanap ko ang nagsabi nyan sakin at itanong sa kanya kung marunong ba syang magmahal o di kaya eh nakaranas na ba syang magmahal at mahalin?
by Sphere on August 8, 2010 at 8:25 pm. #
Sinong nakapagsabi nyan sa iyo Sphere? Ipapa-salvage natin. :wink:
by salbehe on August 9, 2010 at 1:21 pm. #
grade 1 palang ata nag sabi sa iyo nyan sphere
by cheese on August 10, 2010 at 2:04 am. #
panalo sa lyrics
kumakanta habang tumutula :)
by definella on August 9, 2010 at 1:14 am. #
Maraming salamat sa pagbisita definella! Pwede ding tumutula habang kumakanta. :grin:
by salbehe on August 10, 2010 at 5:42 pm. #
okay na salbe e! nadala mo na ko tapos biglang may tae sa dulo?!? anu yun?!? hahahah :lol:
ano na vhalita sa yo?
by bongkito on August 9, 2010 at 2:41 pm. #
Dahil taeng tula yan. Balita? Naman Bong! Hindi ako TV Patrol, wala akong balita. Hahaha. Just kiddin’. :love:
by salbehe on August 10, 2010 at 5:43 pm. #
WTF FTW GJ LOL
by cheese on August 10, 2010 at 2:03 am. #
Natanga ako cheese. Ano yung GJ? :wow:
by salbehe on August 10, 2010 at 5:44 pm. #
good job :D
by cheese on August 10, 2010 at 10:10 pm. #
pwede rin Gloria Jeans hehe
by cheese on August 10, 2010 at 10:10 pm. #
NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.
NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.
(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)
kidnapin na lang natin si kulisap. alam ko kung saan siya dumadaan.
by yin on August 10, 2010 at 4:04 pm. #
Salamat Yin. :blush: Pabor ako sa suggestion mong kidnapin si Jakul tapos gawin nating sex slave. Bwahahaha.
by salbehe on August 10, 2010 at 5:45 pm. #
All i can say is WTF after i read the line “duguang underwear”. Two thumbs up for you sal :nod:
by Picanturbo on September 2, 2010 at 8:35 am. #
[...] Emo Post of the Year – Pag-ibig ni Salbehe May post na pinadugo ang puso sa kaemohan, pero walang panama ang duguang [...]
by TABA – The Annual (Kalsada) Blog Awards | A B N K K blog N P L A Ko?! v2.0 on January 4, 2011 at 4:37 pm. #