Tuesday 24th August 2010
by salbeheMga gusto kong ulitin/balikan:
1. Kung babalik ako sa college, hindi ako magdadalawang isip na mag-aral uli sa University of the Philippines Los Banos, na mas kilala sa tawag na Elbi. Ang mga estudyante dito ay ma-e-el at ma-bi-bi. Kung malibog at bastos ang nasa isip mo, nagkakamali ka. (Related post: My UPLB Experience)
2. Kung may pagkakataon, gusto ko uling ipabugbog si Donald kay Leya.
3. Sa Uulitin ng Mojofly. (Related video from YouTube)
4. Gusto kong balikan ang panahon na mas matangkad pa ako kay Essy.
5. Kumain ng blueberry white chocolate chip cheesecake frozen yogurt sa Pancake House.
6. Gusto ko basahin uli ang If Tomorrow Comes ni Sidney Sheldon, kung alam ko lang kung kanino ko kukunin ang kopya ko. Kung ikaw ang humiram ng libro kong ito sana napasama ka na sa bus hostage drama sa Quirino Grandstand. Sana marunong kang magsauli, hayuf ka!
7. Kahit barok mag-English ang blogger na hindi ko papangalanan dahil nakaka-asar ako (linya na naman ito ni Kuhracha na kinokopya ko na naman), binabalikan ko pa din ang blog nya para ma-realize ko na hindi pa ako ang pinakabobo sa blogosphere.
8. Lakwatsera ang karamihan sa mga kaibigan ko, at syempre nahawa na ako. Kung may isang lugar na gusto kong balikan sa lahat ng mga naging lakad namin, ito ay ang Calaguas Island. (Related photos from my Multiply account.)
9. Gusto ko uli ma-experince yung may kasamang manood ng porn mag-movie marathon.
10. Mag-bloghop at sumagot ng email. Dalawang bagay na madalang ko na gawin dahil major major busy ako. I. Am. Sorry.

