Tuesday 17th August 2010
by salbeheNoong Sabado, nagplano si Mark (not THE ex) ng surprise videoke birthday party para sa kanyang girlfiend na si Pink. Noong umalis ako ng bahay ng Sabado, hindi naman ako na-surprise na umuwi na ako ng Linggo. Like duh. Panickers kaya ang kasama ko.
Busy ako ngayong linggo kaya bullet type ang kwento.
- Ang sweet talaga ni Mark (ni Pink) kahit hindi nagsasalita. Yang si Mark kasi ilang beses pa lang akong kinakausap sa buong panahon na magkakilala kami. Magugulat pa ako kapag kakausapin nya ako dahil wala naman talaga syang kinakausap kundi si Pink.
- Kaya pala namin sirain ang planong surprise birthday party.
- Excited akong sumigaw ng “Surprise!“, mga limang minutong advance. Comedy.
- Chorus part lang ng New York Empire State of Mind Part II ni Alicia Keys ang masayang kantahin.
- Kahit alam kong sweet talaga ang kaibigan kong ito, ibang-iba pa din talaga ang sweetness na ibinibigay nya sa kanyang fiancee. Ikaw na ang may fiancee!
- Hindi ko alam kung bakit birit ng birit si Cielo samantalagang wala naman tong problema. Anyare?
![]()
- Walang kumokontra (ever) sa susunod kong statement. Gumaganda ang boses ko kapag nakakainom.
- Noong kinanta ni Cielo ang I Try ni Macy Gray, tawa ng tawa si Pink. Ngayong napakinggan ko na ang kantang yan, natatawa na din ako kay Cielo. Ginagaya ba naman ang boses ni Macy Gray edi ang sarap i-choke. :lol:
- Mas masarap at mas madali uminom ng beer kapag naka-straw.
- Madami pa din akong nauuto naniniwala sa tarot card reading ability shit ko.
- Maaga pa ang ala una ng madaling araw para umuwi, buti na lang bukas pa ang Madison Central.
- To date, wala akong kakilalang gay na hindi bumobongga ang lablayp maliban kay Vajarl. I’m so inggit happy for Ahya Mae.
- Nakakapagtext pa ako pagkatapos ng apat na bote ng beer, ilang shots ng Badtrip at SOCO. Dahil walang awtomatic Sent Items ang bago kong selpon, hindi ko maalala kung anong pinagtetext ko.
- Sa haba ng kwento ni Mae, hindi ko alam kung bakit emo sya at sya pa ang mababaw ang luha kesa sa may birthday.
- Pwede palang magtakeout ng beer sa Central.
- Kapag pangatlong beses na palang natutulog si Ayra sa bahay, nawawala na ang kanyang hiya. Walangya ka Ayra! Buti hindi mo ako ginising para lang magpasalamat dahil babatukan lang kita kung sakali.
- Masaya kami sa mga bagong kakilala. Welcome Ayra at Roan!

