No Jueteng. Weh?

28 Sep 2010

Noong nakaraang linggo, walang ibang balita kundi ang pagkakasangkot ng mga malalapit kay Pnoy sa juetang. Kapag nangungumbinsi ang pulitko, pulis o DILG na walang jueteng sa probinsya namin, tumatambling ako.

Bakit kamo? Kubrador kasi ng jueteng ang Lola ko, bale tiyahin ng tatay ko.

Sa pagkakatanda ko, hindi nabakante kahit kailan sa paghwe-jueteng si Lola. Ang pagkukubrador nya ay permanenteng trabaho na walang tax, nakakainggit hindi ba? Itinuturing pa syang bayani sa lugar nila dahil nakakatulong sya sa mga kapitbahay kapag nanalo sa jueteng. Hindi sya “jueteng lord” na may limpak limpak na pera sa bangko, pero mataas ang estado nya sa kanilang barangay.

Sa katunayan, noong Ondoy, una syang iniligtas ng mga kapitbahay nya.

Sa katunayan, tuwing nagkakaroon ng relief operation pagkatapos ng kahit anong bagyong dumaan, parang sari-sari store ang bahay ni Lola sa dami ng relief goods.

Sa katunayan, noong minsan na dumalaw ako kay Lola, binigyan nya ako ng Modess. Lenchak daw kasi yung nagbigay sa kanya, sa edad nyang mahigit sisente, akala siguro ay nireregla pa sya.

Kaya hindi ko alam kung anong pinagpuputok ng butsi ng mga taong ayaw sa jueteng bukod sa naiinggit sila dahil wala silang kickback. Basta ako, may libreng sanitary napkin.

Tags: , , ,

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Tag Shit

23 Sep 2010

Pinapatulan ko ang mga tag tag shit, dahil minsan lang ako ma-tag. (Loser?) Kaya ito ang sagot sa tag tag shit ni Vajarl na hindi ko alam kung anong purpose nya bukod sa paduguin ang ilong ko.

1. Which would you prefer as a pet, a Kraken or Barney, the annoying purple dinosaur?

Tinamad akong basahin ang Wiki ng Kraken kaya si Barney na lang. Annoying din naman ako.

2. Name at least five (5) people you’d die to have sex with. Go dream big! Name celebrities, historical ancient people, whoever!

Andres Bonifacio – Gusto kong makita kung matapang nga syang tao. Gusto kong malaman kung sugod sya ng sugod.
Greg Louganis – Ayon kay Google, sya ang greatest diver everrr. How deep can he get? Hmmm.
Carlos San Luis – Carlos, mabasa mo sana ito. Hahaha!
Keanu Reeves – Need I say more?
Jesus Christ – Dahil isa syang tunay na lalake ayon sa TNL.

jesus

3. Would you rather die at 70 suffering from Alzheimer’s for the last 10 years or die at 50 without having any degenerative diseases?

Whateverrr.

4. Who would you punch in the face first, (1) Jamby Madrigal, (2) Bernie Madoff or (3) Edward Cullen?

Bernie Madoff, dahil hindi ko sya kilala. Sunod kong susuntukin si Jamby Madrigal, pagkatapos ay bubugbugin ko ng halik si Edward Cullen. Wala akong pakialam sa mga pakingsyet nyong opinyon. :lol:

5 Regardless of your religious views, name the latest Deadly Sin you’ve committed.

Lust. Gluttony.

6. How would you feel about spending a night in the same room with a cross-dresser?

Exciting. I could try something new.

7. If a criminal was sentenced to death and you were asked to choose how you would like to execute him or her, how would you choose to kill him or her?

Gigilitan sa leeg na ang gamit ay nail cutter. Punyeta, naunahan ako ni Jason sa nail cutter! Ipagdadasal ko na lang ang kanyang kaluluwa. Amen.

Para matapos na ang kalokohang ito, wala na akong i-ta-tag pa. Salamat Vajee sa isa na namang walang kwentang post.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: