Bawal Magkasakit
Nitong nakaraang buwan, busy ako sa opisina. May malaking project kami na pinagtutuunan, na tae lang talaga, mas malaki pa sa akin. Ang biruan nga namin ng teammate ko, sa panahon ngayon, bawal magkasakit. Dalawa lang kasi kami sa team na humahawak ng stat analysis sa walong bansa. Pero sa totoo pareho nang nanghihina ang katawang lupa namin.
Sinabayan pa ng napakagandang panahon na swak na swak para tuluyan kaming magkasakit. Sinabayan pa ng pa-despedida ni Roi, on the spot Friday inuman, pagdating ni Leya, hot date, birthday ng mga kaibigan na bawal umabsent dahil ayaw mong magtampo sila, hayun, nagkasakit na talaga ako.
Ang masaklap pa nito, hindi ako makapag-leave dahil may malaking project kami na pinagtutuunan, na tae lang talaga, mas malaki pa sa akin. Nasabi ko bang dalawa lang kami sa team na humahawak ng stat analysis sa walong bansa? Kung iniisip mong nagrereklamo ako, isang napakalaking pagkakamali. Ang saya saya!
- Hindi ko na kailangan ng eye shadow, eye brow pencil, at iba pang kolorete sa mata. May instant smoky eyes na ako dahil sa eyebags.
- The hell with practice, cramming makes perfect.
- Sa labanan na Man vs Machine, panalo pa rin ang gumawa sa machine. May time na nagha-hang na ang desktop ko, pero buhay pa ang dugo at jutak ko.
- Pumapayat ako ng hindi nag-di-diet.
- Masayang pakinggan ang I Got A Feeling kahit alam kong kailangang mag-OT sa gabing yun at walang tonight’s ganna be good good night.
- Napapatunayan kong masamang damo nga ako, ang hirap kong patumbahin.
- Last but not the least, eto:
Litanya ko sa gabing yan:
Grabe hindi ako makapagkwento, I’m sick.
Nanghihina na ako, mauuna na akong kakain (kahit wala pa si Leya), I’m sick kaya.
Soup lang ang oorderin ko kasi may sakit ako. Di ba manlilibre ng pizza si Kathy?
Pagkatapos ng dinner na yan, pumunta pa ako sa Madison, uminom hanggang alas singko ng umaga. Ang saya talaga kapag busy at may sakit.
Kalokohan.



uso tlga ang sakit sa mga bloggers? si Leemi din nagpost ng mga gamot at ikaw din maga na mata pero ARYA pa din tsk! tsk! tsk!
pagaling ka Salbe :-)
Sphere ang galing mo! Kanina kasi may ine-eksperimentuhan akong plug-in kaya nagbukas ako ng koment, nakalimutan ko lang isara.
Isasara ko na. Now na!