Santino

Si Santino (hindi tunay na pangalan) ay ang aming maintenance guy sa opisina. Kung totoo na ang mababait na tao ay pupunta sa langit, matagal nang may passport with visa si Santino.

Let me count the ways.

Tinatapon nya ang basura ko araw araw nang walang palya. (Naitatapon ang basura sa bahay kung kailan mapuno ang plastik bag.)

Hinuhugasan nya ang plato, mug, kutsara at tinidor ko kapag nakakalimutan ko sa lababo ng pantry. Kulang na lang ipagtimpla ako ni Santino ng kape. (Naghuhugas lang ako ng plato sa bahay kapag wala nang magamit. Madalas inaabot nang isang linggo ang mga plato ko sa lababo.)

Kapag nakita kong umayos ang cubicle ko, mga papel sa ibabaw, mag tisyu sa tabi, at mga sapatos ko sa ilalim ng mesa, alam kong naawa na si Santino sa kalagayan ng work place ko. (Huwag natin pag-usapan ang itsura ng bahay ko. I’m busy kaya.)

Kanina, habang kumukuha ng kape, naisipan kong makipagkwentuhan kay Santino.

Santino, may asawa ka na?

Ma’am meron po.

Sayang, gusto ko sana iuwi ka sa bahay.

‘Yan ang malupit na unang hirit kaninang umagang kay ganda.

And oh yeah, basted. :lol:

0