Diarrhea Chronicle
by salbehe on October 27, 2010
Ang ikukwento ko dapat ay tungkol sa Speed Dating Event na inatendan ni Essy na kung saan naging instant organizer ang inyong abang lingkod pero ngunit subalit datapwat baka mabalahura ko lang ang mga bagong nakilala ko noong gabing yun, tungkol sa tae na lang.
Pagkatapos maglagi ni Essy sa Quezon City ng tatlong araw, naubos ang kayamanan ko. Joke. Wala naman akong kayamanang uubusin. Nagkaroon lang naman ako ng major major diarrhea. Naisip kong nilagyan ni Essy ng kung ano ang kinain ko nang hindi ko namamalayan pero alam kong hindi ganun kaitim ang budhi ng kapatid ko. Medyo lang.
Hindi lang ito simpleg diarrhea na parang Colgate ang tae, kundi parang green na sabaw ang tae ko. Parang ganito:
Happy eating. Picture from here.
Dahil feeling ko matutunaw na ang lahat ng laman loob ko at itatae ko, uminom na ako ng dalawang Diatabs. Linggo ito.
Lunes, sa tulong ng ininom kong gamot, nakapasok at nakapagtrabaho.
Martes, saksakan na naman ng sakit ang tyan ko, nawala na siguro ang epekto ng gamot. Hindi ako makatulog sa sakit, humihilab na parang may anaconda sa loob. Tae, tatae na naman ako! Itinae ko lang, hindi na ako uminom ng gamot. Iniisip ko na kung ano man ang masamang engkanto na nasa loob ng tyan ko ay kailangan ko lang ilabas lahat para gumaling na. Hanep sa walastek ang logic.
Miyerkules – walang pinagbago. Sabaw na tae, masakit ang tyan. Na-i-i-imagine ko na marami na akong bulate sa tyan. Unti-unti na nilang kinakain ang busilak kong puso. Okei payn, malayo ang puso sa tyan.
Huwebes, nagkita kami ni Taribong, kailangan nya ng kasama dahil baka mawala sya sa Trinoma. Bukod sa laundry day ko ang Tarsday, nagmamadali akong umuwi dahil, uhmm, natatae ako. Alangan naman sabihin ko kay Tarbs na, “Bilisan mo magshopping, natatae na ako. Punyeta!” :lol:
Biyernes, dahil pupunta ako sa Los Banos na may halos apat na oras na byahe kapag weekends, minabuti kong uminom uli ng Diatabs. Naisip ko kasi na baka abutin ako sa bus, kaderder. Pagdating sa Elbi, nagdiner. Habang kumakain, naikwento ko ang one week suffering ko. Ang sabi ni Donald,
Sa tubig yan, magpalit ka na ng supply ng mineral water mo. Mag-Wilkins ka kaya muna?
Sabado, kasal ni Yong at Juli. Next post yun.
Linggo, bumili ako ng Absolute (mahal ang Wilkins) at umayos na ang pakiramdam ko. The end.
Biruin mo yun, may pagka-doctor pala si Donald. Ang husay talaga ni Boy.

