Saranggolang Mababa ang Lipad (Teyktu)
by salbehe on October 11, 2010
Teykwan. Si Ester.
‘Yan ang screen name na ibinigay kay Marlena noong kasikatan ng bomba films. Katulad ng lahat ng sexy-star, nalaos din syang ang tanging baon ay ang aral kung papaano gamitin ang kanyang alindog para kumita. Tapos na ang era ni Ester, hello Marlena.
Tumama ang sikat ng araw sa mukha ni Marlena, biglang naalimpungatan at napabalikwas sa pagkakatulog, “Tang-ina! Kaninong kama ito?”. Sinipat nya ang paligid, bumungad sa kanyang paningin ang malaking painting ni Marc Chagall.
“Ahhh, kay Ramon”, may taste sa modern art ang parokyano nyang si Ramon. Palibhasa ipinanganak nang mayaman, nakukuha lahat ng luho sa katawan.
“At kaya pala kulay pula ang buhok ko.” Mahilig kasi si Ramon sa red hair bimbo. “Walanghiya, mukha akong alien.”, bulong nya sa sarili habang iniisa-isang damputin ang nagkalat nyang damit sa kwarto. Kakayanin din nyang magmukhang Kokey kung yun ang trip ng client nya. Alam ni Marlena na pa-weirdo ng pa-weirdo ang lalake kapag ubod ng yaman at madali nang mamatay. Ginagawang freak show ang kama.
Wala na sa condo unit si Ramon. May bahay at pamilya si Ramon sa kalapit na posh subdivision pero kapag good times ang hanap, nag-o-OT si Ramon sa condo. Sinipat ni Marlena ang likod ng vase sa night table, andun ang sobreng naglalaman ng P50,000 cash, no tax. Uuwi syang may ngiti sa labi, another satisfied customer.
Now lookin’ out across the city lights
She thought they’d be a good pair
She tried so hard not to pick a kite
She always prayed to heaven lights
Alas syete pa lang ng umaga. Malamang naihatid na ng yaya ang junakis nya sa pribadong school malapit sa kanila.
“Maaga pa pala, dadaan muna ako sa grocery”, sambit ni Marlena sa sarili. Pumara ng taxi. Natawa sya dahil para lang syang ordinaryong call center agent na nag-go-grocery sa umaga. Yun nga lang, may punyetang red hair. Pagbaba sa bungad ng supermarket, may tindera ng yosi at kendi. Napansin nyang hawak ng mamang naglalako ng dyaryo ang kamay ng tindera. Simpleng harutan pero hindi ito pinalampas ng kanyang malisyosang mata.
Simpleng landian, simpleng buhay. ‘Yon naman talaga ang pinangarap ni Marlena. At katulad ng palasak na dahilan ng mga starlet, pinasok nya ang showbiz dahil sa kahirapan. Sa production ng pepetsuging pelikula, nakilala nya si Briggs, isang extra man. Dahil sanay magbatak ng buto, matipuno ang katawan, hindi kaputian pero above average ang itsura, pamatay tumitig ang mata. Na kapag tinititigan nya si Marlena ay pwedeng pumatay sya ng tao mapasakanya lang si Briggs. Pero hindi kayang pumatay ni Marlena, sapagkat ang tanging kaya nyang gawin ay magmahal. Magmahal ng higit pa sa kanyang sarili, magmahal ng sukdulan, wagas, kahit hindi na tama, kahit walang hinihintay na kapalit. Kahit alam nyang mas pabor ang libog na isinusukili sa kanyang mga halik, kahit na ipinagpalit sya sa baklang director para gawing matinee idol si Briggs. Putangina.
Pero tapos ang kabanatang ‘yun ng buhay nya. Masaya na sya sa kanyang junakis. Kahit kailan ay hindi nya pagsisisihan ang kapalit ng nabigong pag-ibig. Ngunit…
Gusto uli nyang maranasan magmahal, muling tumibok ang puso sa isang taong ituturing nyang espesyal at magiging sentro ng kanyang mundo. Gusto uli nyang may pag-alayan ng kanyang pag-ibig, kakaiba pa din ang init ng katawan ng dalawang taong lubos na nagmamahalan. Ngunit…
Alam ni Marlena na hindi nya ‘yon matatagpuan sa kanyang pagpuputa.
Now I’m headin’ out on that highway
I’m goin’ right out of state
Now I ain’t lookin’ back until I’m gone
Right through heaven’s gates
Pinilit nyang ibaling ang atensyon sa pamimili. Kailangan nya ng sabong panlaba, kape, at special soya milk dahil lactose intolerant ang kanyang junakis. Bumili din sya ng hotdog, chicken nugget, tocino, bacon at ham para pambaon ng kanyang anak. Pagkatapos, sumakay na uli sya ng taxi at tinungo ang tahimik na subdivision malapit sa Makati kung saan may two-story townhouse syang naimpundar. Sinalubong sya ng kanyang kasambahay sa bahay.
“Nasaan si Abby?”, tanong nya.
“Ateh, hinatid na po ni Dora sa school.”, sabi ng julalay. Si Dora ang yaya ng kanyang anak. “Alaskwatro daw po susunduin dahil may practice para sa program.”
Napangiti si Marlena. Matalino at active sa mga extra-curricular activities ang kanyang junakis, nagmana sa nanay.
“Kumain na lang muna kayo ni Dora ng tanghalian ha? Matutulog muna ako. Gisingin nyo ako pagdating ni Abby.” wika nya habang pumapanhik sa kanyang kwarto. Gumigising naman talaga si Marlena basta’t dumating na ang kanyang anak para tulungan sa mga assignments. Alam ng julalay na hindi sya makatulog ng mainit kaya’t bago palang sya umuwi ay binubuksan na ang aircon ng master bedroom. “Ah life.”, wika nya sa sarili. Mabilis na syang nagbihis ng pantulog at kumportableng nahiga sa malambot na kama.
Bago tuluyang makatulog, naalala ni Marlena ang usapan nila kagabi ni Ramon.
“Marlena is an unusual name, where did it come from?”, tanong ni Ramon.
“It was derived from the name Mary Magdalene, the prostitute who fucked Jesus, then became a saint.”, sagot nyang may halong maharot na tawa.
One, two, three Marlenas
There’s got to be someone we can trust
Out here among us
One, two, three Marlenas
It’s see no, speak no, hear no evil about us
The three Marlenas
_______________________________________________________________________
Ang naka-italized ay hango sa kantang Three Marlenas ng The Wallflower na inspirasyon sa kwentong ito.
Download, play, read the lyrics of Three Marlenas here.
- Comments Off • Tagged as: Awards, Blog, Ester, Jesus, Marlena, Mary Magdaleine, next year ang Teyktri, Saranggola, Saranggola Blog Awards, Saranggolang Mababa ang Lipad, Teyktu, Teykwan, The Wallflower, Three Marlenas
- Share on Twitter, Facebook, Delicious, Digg, Reddit




