Usapang Skirt

by salbehe on October 13, 2010

Minsang nag-lu-lunch, pinag-uusapan ng mga ka-opisina ko ang bagong employee dahil mahilig si Ate magsuot ng maiksing skirt. Lumalabag na daw sya sa dress code at kailangan nang i-call ang kanyang attention o kaya ay ipaalam sa kanyang direct manager. Hindi ako makaimik dahil na-realize kong tae lang, ganun din kaiksi ang sinusuot kong skirt kapag dress down day (Friday) o kapag nag-O-OT ng Sabado.

Kaya ninja mode.

Sa huli, may nakapansin na hindi ako nakikisama sa usapan,

Uy, si Salbehe hindi makapag-react.

Guilty as charged kaya umamin na ako,

Oo! Kasi nag-i-skirt din ako ng ganun kaikli.

Ang sagot ng isa ko pang ka-opisina,

Huwag kang mag-alala, Salbehe, hindi ka naman kasi malaswang tingnan kapag naka-skirt.

Punyeta!!! Na-degrade ang pagkatao ko.