Real Estate Tax

by salbehe on November 5, 2010

Noong sobra ang ka-busyahan namin sa trabaho, yung tipong kahit holiday ay kailangan namin pumasok, bilang pagpupugay sa aming sakripisyo (yes!) binigyan kami ng isang leave na pwede namin gamitin kahit kailan, no question asked. Kaya naka-leave ako kahapon, ginamit ko ang libreng leave para asikasuhin ang pagpapalipat ng titulo ng tinitirhan ko sa pangalan ko.

First stop ay sa opisina ng developer, andun kasi ang Real Estate Tax Declaration at Tax Receipt na dalawa lang sa napakaraming pang ka-echosan para sa paglipat ng titulo. Madali naman naibigay ang Real Estate Tax Declaration, nung hinahanap ko na ang Tax Receipt, dito na gumulo.

“Nasaan ang Tax Receipt?”, tanong ko.

“Magbabayad po muna kayo sa City Hall ng amilyar, yung resibo na ibibigay sa iyo ang tinatawag na Tax Receipt.”

“Ahhh.” Sorry naman, pers taym.

Pero teka! May babayaran pala ako? Biglang nagkwenta ang jutak ko. Hindi ko na nga mapang-abot sa susunod na sweldo ang pera ko dahil kakabili ko lang ng bagong camera. Oo! May bago akong camera. Hihihi.

“Magkano po kaya ang babayaran ko?”, tanong ko uli.

“Mahigit isang libo po kasi ang isang taon, dalawang taon na kayong hindi nagbabayad, plus penalty.”

Okay, keri pa, madali naman mangutang kay Emon kung sakali. Second stop, City Hall. Alam nyo naman sa government office: pila ka dito, kapag nasa counter ka na, mali pala ang pinilahan mo kaya pipila ka uli doon. Nakakairita. Pagdating ko sa counter ng pangalawang pila, binigay ko ang Real Estate Tax Declation. Tinipa ni Ateng sa keyboard ang kung ano man ang dapat itipa.

“Bakit ka nasa pilang ito?”, taas kilay na tanong ni Ateng.

Punyemas na buhay ito, mali na naman ba ang pinilahan ko? Ganun na ba talaga ako katanga? Pagtatawanan na naman ba ako nito ni Vajarl?

“Kasi po magbabayad ako ng amilyar?”, tanong at sagot ko.

“Kasi Ineng base sa record namin, bayad ang real estate tax mo nang dalawang taon.”

Huwaaaat???

“At hindi ka dapat nasa Delinquent na pila dahil on-time ka pa ngang nagbayad.”

I’m so confused! “Paano po nangyari yun, hindi pa ako nagbayad ng amilyar sa tanang buhay ko.”

“Aba ewan ko.” Argh.

“Pwede nyo po bang i-double check ang title number at address, para lang sure.” Dinobol check ni Ateng, tamaaaah!

“Nasaan po ang Tax Receipt?”, tanong ko.

“Hindi ko din alam, ipag-pi-print na lang kita ng record mo para may katibayan ka na bayad ka na.”

Paglabas ko ng City Hall, tatlo lang ang iniisip ko. Una, hindi ako ganun katanga para makalimutan na nagbayad na ako ng amilyar, hindi kaya may secret benefactor ako? Pangalawa, kung technical glitch ito ng Philippine government system, tama ang Dokyu ni Kuli na talagang may ipinagbago na ang sistema. Na-apprecite ko nang major major ang ating gobyerno! Pangatlo, hindi na ako mangungutang kay Emon. Nakakahiya kayang mangutang sa bunsong kapatid na nag-aaral pa lang ay mas malaki na ang ipon sa bangko. Lech!

Third stop, sa Pagibig. Pero ibang kwento naman yun. Next week siguro kapag sinipag ako.

__________________________________________________________

Off topic. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong turuan si Essy kagabi na mag-Wordpress. Essy is now blogging some shit.

Edit. Ang contact form ay color blue button na nasa left side ng site na ito. Para lang sa natatanga. :love: