Akala ko panget ka.

by salbehe on December 24, 2010

Noong birthday ni Vajarl, nagyaya syang maglunch. Dahil gusto din namin makakwentuhan nang mas personal ang bago kong favorite blogger na si Katrina Danieles (Kat) na na-meet namin sa Saranggola Blog Awards Night, inimbitahan namin syang sumama sa amin. Nagkamali si Kat.

Salbehe: Akala ko Kat panget ka.
Vajarl: Mapanghusga ka talaga, tapos ako ang lagi mong sinasabihang mapanghusga!
Salbehe: Ano ba, compliment yun!

DSC00880Vajarl and Kat. Crepes courtesy of PusangKalye.net

Bukod sa mga nasabi na ni Goyo tungkol kay Kat, naaliw kami sa mga kwento nya – ang buhay dorm na may libreng wifi, lablayp, mga cool nyang titser, papaano sya nag-start magblog, exams, etcetera. Ang sarap nya kausap, isa sa mga taong kapag nakilala mo ay makakagaanan mo agad ng loob. Mabait, mahinhin, matalino at maganda si Kat, kung may bayag lang ako ay liligawan ko sya. Kaso, halos kalahati ng kwentuhan ay silang dalawa lang ni Vajarl ang nakakarelate dahil pareho silang Psychology major. Kayo na! OP ako, pambihira!

DSC00896Bonding with Katrina Danieles.

Sa sobrang wholesome ng usapan naming tatlo, nahiya akong itanong kay Kat kung virgin pa sya samantalang ang dapat na title ng post na ito ay bonding with a porn star.