iPot
by salbehe on December 13, 2010
Huwag husgahan ang kulay ng aking iPod, hindi porket pink ay kikay na ang may-ari.
Very sentimental ang iPod ko dahil bigay pa ito ni Papito, three to four years ago. Kaya naman noong ayaw na mag-On ay muntik na akong maiyak. Seryus. Nangingilid na ang luha ko. Wala akong balak bumili ng bagong iPod dahil taeng tae ako magkaroon ng Blackberry phone. Ang payo sa akin ni Essy at ilang kaibigan ay dalhin daw muna sa Apple Center, baka maremedyuhan pa. Kaya pumunta ako sa Megamall Apple Center, inabot kay Kuyang nasa Technical Service counter ang sira kong iPod.
“Ma’am, ano pong sira?”
“Ayaw na mag-On.”
“Check ko po muna Ma’am, balikan nyo po after 10 minutes.”
Kaya umikot muna ako sa Apple Store, inusisa ang mga nakakalaway na laptop na naka-display dun, tiningnan ang mamahaling earphone. Nakaka-amaze sa mahal ang mga earphones sa Apple Center, kasing mahal na ng isang iPod.
After 10 minutes, binalikan ko na si kay Kuyang Tech Sup.
“Ma’am, okay na po ang iPod nyo.”
“Wow, ang bilis ah! Anong sira?”
“Wala pong charge.”
The end.


